PrologueSumabog ang makapal na buhok ko sa aking mukha matapos ko lumundag mula sa may katamtamang taas ng aming gate. My feet stepping into the concrete is the only sound I can hear aside from the leaves that's being blown by the harsh wind.
The thick and tall wall of our house seems to be my cover as I take a peek at our huge house. Nang makitang walang tao na maaaring makakita sa akin oras na dumaan ako ay nagumpisa akong humakbang hanggang sa mabilis kong tinakbo at nilampasan ang kabahayan namin.
Ngunit ganoon na lang ang kalabog ng puso ko nang sa gitna ng pagtakbo ko ay mahagip ako ng tingin ng isa sa mga tauhan ni Daddy na saktong kalalabas lang ng main door ng bahay namin.
"Ma'am Adrianna!" He shouted and that's when I took all my force to run quickly!
Ang malamig na panggabing hangin ay marahas na yumakap sa aking mukha habang walang habas akong tumatakbo. Ang damit at buhok ko ay humahapit sa aking katawan dahil sa bilis ng galaw ko na para bang isa akong manlalaro sa larangan ng pagtakbo at nagaasam na manalo.
Sweat rolled down my skin in thick, salty beads even if it's a cold evening. I could feel my heart throbbing inside my chest. I can't be caught! Hindi nila ako puwedeng masundan! I've been planning this escape since the other night and I can't fail.
Hawak ang straps ng bagpack ko ay tumingin ako sa likuran ko para silipin kung meroon bang nakasunod sa akin. The beating of my heart doubled when I saw four men running after me. And I am so sure that they're my father's body guard!
The heck? Naitimbre kaagad ako!?
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Malayo pa ang agwat ko sa kanila kaya naman medyo kampanti pa ako na hindi nila ako maaabutan. But my ankles are slightly sore right now! Hindi ko matandaan na nakahiligin ko ang pagtakbo kahit noon pa man. I am not even a fan of jogging so running this far is honestly giving me pain.
Mula sa direksyon ko ay tanaw ko na ang gate ng village namin. I once again looked back and those four goons are still following me. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko dahil sa kaba na nararamdaman.
"Miss Adrianna!" they all called me in chorus.
Binawi ko ang tingin sa kanila. Pagkarating ng gate ay hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Narinig ko ang pagbati sa akin ng gwardiyang nakabantay roon ngunit hindi ko na ito nagawang pansinin.
As soon as I got out of the gate, different vehicles passing the highway greeted me. Iilan din ang taong nasa gilid ng daan at naglalakad. Sinamantala ko iyon at mabilis na nakihalo sa kanila upang hindi gaanong makita ng mga humahabol sa akin.
Lihim akong napamura nang malakas kong mabunggo ang isang babae. She glared at me.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, Miss!" mataray na asik niya sa akin.
Gustuhin ko man siyang tarayan at sagutin na hindi ko iyon sinasadya ay pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka ito pa ang maging dahilan para maabutan ako ng mga tauhan ni Daddy.
"Sorry..." sagot ko na lang at nilampasan na siya.
Muli akong tumingin sa likod ko kung saan tanaw ko pa ang gate ng village namin. Nakita ko ang lakad takbong paglabas nila doon habang palinga-linga kung saan.
Shit!
I started quickening my pace. I run and run without any specific destination. Ang tanging gusto ko lang ay ang makalayo sa kanila... Makalaya sa pamilya ko... at sa buhay na gusto nilang ipasabak sa akin.
Hindi ko alam kung gaano kalayo na ang narating ng mga paa ko. Hindi ko alam kung ilang tao na ang nabunggo ko dahil sa bilis ng bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung ilang butil na ng pawis ang gumapang mula sa noo ko. Ang alam ko lang ay handa akong tumakbo gaano man kalayo makawala lang sa kanila. Dahil alam kong oras na maabutan nila ako ay tuluyan na akong hindi makakalaya sa mga bagay na gustong ipagawa sa akin ng mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love
RomanceAdrianna Monteverde did what every stubborn daughter forced to marry a stranger would have done--she ran away. But as she spun lies upon lies about her identity in order to protect her freedom, she did not know that finding love while under a false...
Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte