Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 7

63.3K 1.7K 220
                                    

Chapter 7

Ginugol ko ang oras ko sa paglilinis ng buong kabahayan. Mula nang umalis si Zion ay hindi ako tumigil hangga't hindi ko natatapos ang lahat ng gawain. Sa ganoong paraan lang ako makakabawi sa lahat ng naging kapalpakan ko sa kanya sa mga nakalipas na araw na narito ako.

It's already five thirty in the afternoon. Mamaya lang ay narito na siya. As much as I want to prepare dinner for him, I can't. Bukod sa wala naman ako maisip na iluluto para sa kanya, ubos na rin talaga ang stocks ng groceries namin.

Kung sana ay hinayaan niya na ako kanina na mag-grocery, edi sana ay nakabalik na ako ngayon. Bakit naman kasi gusto niya pa ako samahan? Hindi ko alam na sinasamahan pala ng amo ang katulong sa pamamalengke.

Bored siguro siya.

Isinalampak ko paupo ang sarili ko sa couch na nasa living room. My throat freed a moan when I felt a sudden back pain. Marahan akong umunat ngunit mas lalo ko lang naramdaman ang kirot. Huminga ako ng malalim.

I stayed still, eyes accidentally landed on Zion's business portrait that's hanging in the white wall. He's wearing a dark gray three piece suit there. Nakahalukipkip siya dahilan para makita kung gaano kaganda ang hubog ng mga braso niya. He even looked so arrogant and ruthless in that picture. His lips curved into a half smile, bagay na madalang niyang ginagawa. Madalas ay seryoso siya at walang emosyon. Anyone who would see this portrait will think that this man is difficult to please.

Kaya lang minsan ay hindi ko siya maintindihan. Kagaya na lang kanina. I don't get why he's irritated towards me. He kept on glaring at me like I did something wrong. At nung paalis na siya, itatanong niya pa sa akin kung kailan pa ako nagsimulang tawagin siya ng Sir. Sa tono niya ay parang ayaw niya pa.

"Ngayon lang. B-Bakit? Ayaw mo bang tawagin kita sa ganoong paraan? Iyon naman ang dapat." kunot ang noo na tanong ko, bahagyang nakatingala sa kanya dahil sa tangkad niya.

He raised his left brow up. The thickness of it only defined the darkness of his eyes. They're like a moon announcing a sudden full eclipse.

"Sir my fucking ass. It's Zion for you, Hazel." he whispered lowly that made the hair on my nape rise. "I'm going now. Hintayin mo ako mamaya. Sasamahan kita mag-grocery."

Ngumuso ako, ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa larawan ni Zion nang maalala ko ang naging usapan namin kanina bago siya umalis. Hindi na ako makikipagtalo kung ayaw niyang tawagin ko siya ng Sir. Hindi rin naman ako sanay. I only called him that way because I was annoyed when he told Conrad that maids only stayed at home. Na hindi sinasama ang mga iyon sa lakad ng amo nila.

Butthurt lang ako. Affected kahit hindi naman talaga ako katulong. I wonder what his reaction would be if I told him that I'm a business woman and a dentist, too? Magagalit kaya siya dahil nagsinungaling ako? Papaalisin niya kaya ako?

Ayoko. Hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo. Darating ang panahon, aalis ako sa bahay na ito nang hindi sinasabi sa kanya ang tungkol sa akin. Wala din naman akong plano magtagal dito. Pakiramdam ko kasi, magagawa pa rin akong mahanap nila Daddy kung narito pa rin ako sa loob ng Maynila.

I want to stay out of this city, move in a province where I can start a new and ordinary life. Iyong walang magulang na ko-kontrolin ang buhay ko.

Bumuga ako ng hangin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. When I turned it on, I found a message from Ate Cheska. I've already changed my number since the other day. Sinabi ko sa kapatid ko ang bagong numero ko. Maging siya ay bumili ng extra cellphone at simcard para magamit sa pakikipagusap sa akin. We're both worried that if she continued using her original number for texting me, my parents would trace it and found out that we still have our communication. Mas mabuti na ang nagiingat. Ayokong madamay siya sa galit nila Mommy sa akin.

Monasterio Series #1: Lies Beneath Her Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon