TEASER

7K 62 1
                                    

“Hindi lahat ng prinsesa, gustong nililigtas ng prinsipe. May mga prinsesa ring nagpapakabayani, lalo na kapag ang prinsipe ay tatanga-tanga.”

________


Ang matinding pangangailangan sa pera ang nag-udyok kay Frecy na tanggapin ang alok ni Jigs upang maging PA nito. Kahit alam niyang wala itong mabuting maidudulot sa sistema niya ay pinakisamahan pa rin niya ito. Pero ipinangako niyang hindi siya mahuhulog sa patibong nito. Alam niya na may reputasyon ito bilang palikero dahil sa pagiging super friendly nito sa opposite sex.

Ngunit itinakda na nga sigurong mapabilang siya sa mga babaeng nababaliw dito dahil unang beses pa lang siyang nahalikan nito ay naitapon na niya agad ang kanyang katinuan. Hanggang sa namalayan na lamang niyang mahal na niya ito. Kaya kahit malabo ay umasa siyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Na may ibig iparating ang sweetness nito sa kanya.

Ngunit kung kailan handa na siyang magtapat dito ay saka naman bumalik si Celine sa buhay nito. His one and only love. Susugal pa ba siya o ipapaubaya na lang ito kay Celine dahil alam niyang doon ito magiging masaya?

_____

Teaser lang muna ang kinaya ng powers hahaha ini-edit ko pa kasi ang buong book hehehe

Ciao :)

The Perfect Heroine [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon