Ikapitong Pagtatapat

1.9K 37 3
                                    

“FRECY, happy anniversary din sa’yo. Apat taon na mula nang sumali ka sa MSRT kaya ikaw ang unang bibigyan ko ng special drink na ito,” anunsiyo ng head nila na si Sir Ed pagkatapos ng performance ng Southern Fever.

Guitar tandem ang ibinigay ng bokalistang si Bryan at guitaristang si Ruben. Isang acoustic performance naman ang ginawa ng Emerald Frost.

    Itinaas pa nito ang baso sa ere na naglalaman ng inuming tinutukoy nito sabay kindat sa kanya. Iyon din kasi ang araw na una siyang sumali sa rescue team four years ago.

Napangiwi siya dahil alam niyang masama ang lasa ng inuming iyon dahil iyon ang madalas na pinapainom sa mga trainees nila bilang punishment.

    Kahit noong trainee pa siya ay madalas siyang napapainom niyon kapag nagiging pasaway siya sa training. Iba’t ibang uri ng spices ang inihalo sa inuming iyon ngunit mas marami ang bawang na pinaka-hate niya.

    “Kung may mag-volunteer na iinom nito para sa’yo, Tots, exempted ka na,” pahayag pa ni Sir Ed.

Nakangiting umiling na lang siya. Gumagaan na rin kasi ang kanyang ulo at alam niyang epekto iyon ng alak na nainom niya kanina.

    “Hindi na kailangan, Sir. Kayang-kaya ko na ‘yan,” sagot niya at tumayo mula sa kinauupuan.  

Agad namang nag-cheer ang mga kasamahan niya sa team. Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay napansin niyang tumayo din si Jigs. Marahil aalis na ito kasama ang babaeng kaharutan nito kanina pa.

    Hmp! badtrip! Kanina pa umuwi ang mga kasama nito sa banda ngunit ito ay nagpa-iwan pa rin doon. Halatang nag-e-enjoy sa pakikipaglandian nito sa ibang babae. Mabuti pa si Marga, inaasikaso ng nagngangalang Damon. Maunahan pa yata siya nitong magka-lovelife.

    Hindi na lamang niya pinansin si Jigs. Tuluy-tuloy na siya sa gitna at tinanggap ang baso mula kay Sir Ed. Ngunit may isang kamay na umagaw niyon sa kanya. Nilingon niya ang nagmamay-ari ng kamay na iyon at agad nag-unahan ang tibok ng kanyang puso. It was none other than Ji Geun Park himself.

    Ilang sandali silang nagtitigan lamang na tila ba silang dalawa lamang ang naroroon. Saka lamang siya natauhan nang ngumiti ito sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

    “H-huwag na. Kaya ko na iyan. Trust me, magsisisi ka pagkatapos mong inumin iyan,” pigil niya rito at pilit na binabawi rito ang baso.

Ngunit mabilis nitong itinaas iyon sa distansiyang hindi niya maabot.

    “Nilalait mo na ba ako sa lagay na yan? Let me drink this for you. Kanina pa hindi maipinta ang mukha mo,” sagot naman nito.

    “Huwag na nga sabi eh. Mamaya magsusuka ka lang dahil sa sobrang sama ng lasa niyan. Akin na nga iyan. At least kahit hindi maipinta ang mukha ko, alam ko namang kayang-kaya ko inumin ‘yan,” protesta niya at akmang aagawin mula rito ang baso.

    “Ah, Tots, hayaan mo na lang kaya ang lover boy—este bisita mo. Baka gusto lang niyang magpa-impress sa’yo. Ikaw naman,” panunukso pa ng head nila at gumamit pa man din ito ng mikropono kaya dinig na dinig ng lahat ng naroroon ang sinabi nito.

    Umugong ang kantiyawan sa buong rooftop. Agad uminit ang kanyang pisngi kaya alam niyang namumula na siya ngayon. Kaya naman hindi na siya nagprotesta nang ininom ni Jigs ang laman ng baso. Pigil ang hiningang tiningnan niya ito. Halatang hindi nito nagustuhan ang lasa ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pag-inom. Muntik pa itong masamid and yet he drank that concoction up until the last drop.

    Nang itaob nito ang basong wala nang laman ay napuno ng palakpakan ang mga tao sa paligid. May sumisigaw pa ng “Kiss! Kiss!”

    “O, kiss daw. Bilang thank you man lang sa akin dahil iniligtas na naman kita,” pilyong sambit nito.

The Perfect Heroine [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon