Ikawalong Kaligayahan

2K 32 11
                                    

A/N:
Habang tumatagal, nako-kornihan na ako sa mga titles LOL. Anyway, heto na ang next chapter.

______________

“B-BAKIT tayo nandito?” tanong ni Frecy nang iparada ni Jigs ang sasakyan nito sa parking lot ng Pryce tower.

Doon sila dumiretso nang umagang iyon. Medyo groggy pa siya dahil late na silang nakauwi kagabi. Katulad ng dati ay isinama uli siya nito sa Kai’s Bar and Grill kagabi upang panoorin ang performance ng banda nito. Kaya inaantok pa siya ngayon. Maaga siyang kinatok nito sa kanyang silid at pinagbihis. Binilin din nito na magbaon siya ng dalawang pares ng damit. Para siyang zombie habang naliligo hanggang sa makasakay siya sa kotse nito.

Mula nang isinama siya nito sa studio ng mga ito ay palagi na itong attentive sa kanya. hinahayaan lamang niya ito. Hindi niya magawang magtanong kung ano ang ibig sabihin ng mga gestures nito.

Bago sila nagtungo roon ay dumaan pa muna sila sa isang twenty-four hour fastfood resto upang mag-breakfast.

“Iiwanan ko ang kotse ko dito. Up there, on the twelfth floor ay ang rehearsal studio ng banda namin,” paliwanag nito bago bumaba ng sasakyan.

Sumunod na rin siya bitbit ang kanyang bag. Nagulat pa siya nang umasim ang mukha nito nang umikot ito sa side niya.

“B-bakit?”

“Next time, hintayin mong pagbuksan kita ng pinto bago ka bumaba,” nakasimangot na sagot nito.

“S-sorry naman. Sa tingin ko kasi, hindi na uso ang ganyan ngayon,” katwiran niya.

Hindi naman kasi nito dating napupuna iyon. Kaya labis siyang nagtataka. What happened to the friendliest guy she had ever known? Parang bigla itong nag-transform sa harap niya. Nitong huling mga araw ay napapansin niyang napapadalas ang pag-iisip nito ng malalim. Hinahayaan na lamang niya ito.

“Nasa uso man o hindi, don’t get out of the car unless I open it for you.” Nananatiling hindi maipinta ang mukha nito.

Lumabi siya. “Sorry na?” aniya at nag-peace sign pa dito at ngumiti.

Ilang segundo din siya nitong tinitigan bago ito bumuntunghininga na tila ba nagsasabing wala na itong magagawa.

“Halika na nga,” anito sabay hila sa kanyang kamay.

Hindi na lang siya nagreklamo. Nagpatianod na lamang siya dito hanggang sa makasakay sila ng taxi.

“Sa Ecoland terminal, manong,” utos nito sa driver.

“Saan pala tayo pupunta?” pabulong niyang tanong dito.

“Sekret,” pabulong ding sagot nito sa kanyang mukha. This time ay pilyo naman itong ngumiti.

Napalunok siya. His warm breath fanned her face at nagdulot iyon ng kakaibang init sa kanya. Nananatili silang magkahawak-kamay.

Ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng iyon? Magde-date na ba sila sa lagay na ito or leisure trip lang? But it’s early in the morning for crying out loud! May nagde-date ba na ganito kaaga?

Hoy, Frecy Ledesma Pilapil. Gising. PA ka lang niya kaya huwag kang mangangarap ng isang date! Suway ng kanyang utak.

Pero malay mo naman may chance pala, kontra naman ng kanyang puso.

Oo nga naman, lihim niyang sagot. “Pakibatukan nga ako,” hindi sinasadyang sambit niya ng malakas.

“What?”

“W-wala. N-naalala ko lang ang…ang p-panaginip ko kagabi. Tama. Iyon nga,” palusot niya. Laking pasalamat niya at hindi na ito nang-usisa pa. Kasi naman eh. Kahit sinong babae naman siguro mangangarap nang gising kapag ito ang kasama. Katulad niya.

The Perfect Heroine [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon