Anim na Hakbang

2.3K 38 6
                                    

A/N

Dear panget,
Hayaan mong balikan ko ang ating nakaraan. Kung saan naglinis ako ng buong bahay at hindi ako nakadama ng pagod sa sobrang pagmamahal ko sa'yo. Hanggang ngayon malinaw sa alaala ko ang bawat kahapon natin. Kung naaalala mo ang mga munting detalye, pwede bang alalahanin mo na rin na minsan minahal mo ako? Baka nandyan pa pala ako sa puso mo...what if...what if sa bandang huli tayo pa rin at ang pag-ibig natin ang magwawagi? Sana. Sana.

_______

“ANG GUWAPO mo talaga, bosing. Kahit pa minsan ay hindi kita maintindihan, like na like pa rin kita. Nakaka-miss din ang halik mo sa akin ha? Alam mo bang oras-oras, minu-minuto ay iyon na ang laman ng isip ko? Pa-kiss nga ulit,” kausap ni Frecy sa larawan ni Jigs na nasa photo frame sa ibabaw ng mesa nito.

    Kasalukuyan niyang inaayos ang study room nito. Wala naman kasi siyang pasok nang umagang iyon. Dahil papalapit na ang graduation nila ay paluwag na ng paluwag ang schedule niya. Kaya naisipan niyang ayusin na lang ang study room nito.

Akmang ilalapit na niya sa mukha ang photo frame nang bigla ay may nagsalita sa kanyang likuran.

“Bakit kailangang ang picture frame ang kinakausap mo gayong nandito naman ako?”

Agad nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. It was Jigs! Sa pagkabigla niya ay nabitiwan niya ang picture frame at bumagsak iyon sa sahig dahilan ng pagkabasag ng salamin niyon. Mabilis siyang yumuko upang pulutin ang mga bubog.

“No! Don’t touch that at baka masugatan ka pa. Wait here. Kukunin ko ang vaccuum cleaner,” utos nito.

Ngunit sa halip na sundin ito ay pinulot pa rin niya ang mga bubog at lihim na pinagalitan ang sarili. Siguradong narinig siya nito na kinakausap ang larawan nito. Ano na lang ang iisipin nito sa kanya? Na manyak siya at pinagnanasaan ito? Yuck! Nakakahiya.

“Aray,” sambit niya nang hindi sinasadyang masugatan siya sa pagpupulot ng bubog. Mabilis na dumugo ang kanyang daliri.

“I told you to leave that alone,” si Jigs uli.

Nakabalik na ito at may dalang vaccuum cleaner. Ibinaba nito ang vacuum cleaner sa sahig at muling lumabas ng silid. Wala sa sariling dinampot niya iyon at pinaandar. Hindi muna niya inalintala ang dumudugong daliri. Kailangang malinisan agad ang nagkalat na bubong. Nang makabalik si Jigs ay malinis na uli ang sahig. Ngunit ang basag na photoframe ay nagsilbing paalala sa kanyang bloopers nang araw na iyon. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa niyang nag-iinit ang kanyang pisngi dala ng matinding kahihiyan.

“Bitiwan mo na muna ‘yan. Sit down,” utos nito at pinaupo siya sa naroong sofa.

Para siyang robot na sunud-sunuran lang dito. Nang makaupo siya ay tumabi ito at ginagap ang kanyang kamay at sinuri ang kanyang sugat. Noon lang niya napansing may dala pala itong first aid kit. Ilang sandali pa ay ginamot na siya nito. Habang siya naman ay titig na titig lang sa mukha nito.

Sanay siyang nagbibigay ng first aid sa mga biktima ng sakuna na madalas tinutulungan ng grupo nila. Ngunit masarap pala ang pakiramdam ng inaalagaan ng ibang tao. Lalo na kung ang taong nag-aalaga ay ang isang tulad ni Ji Geun Park. Masarap palang paminsan minsan ay nagiging mahina siya. Kung may isang tulad nito na aalalay sa kanya.

“T-thank you,” aniya nang matapos ito sa paglalagay ng Betadine sa kanyang sugat.

Nag-angat ito ng tingin at masuyong ngumiti sa kanya. “Sa susunod, mag-iingat ka ha? Ayokong nasusugatan ang PA ko,” anito.

“Sorry nabasag ko ang frame ha?”

“Wala iyon. I can still buy a replacement. Gusto mo bang makita ang photo album namin ng lola ko?” tanong nito.

The Perfect Heroine [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon