Ikaapat na pagkamangha

2.4K 54 10
                                    

"SORRY, na-late ako ng gising," hinging paumanhin ni Frecy kay Jigs nang makapasok siya sa sasakyan nito kinabukasan. Napag-usapan na nila kagabi na hihintayin siya nito sa kanto kung saan sila nito hinatid kagabi.

"Okay lang. First day mo pa naman eh. Dala mo na ba ang mga gamit mo?" tanong nito.

"Oo. Nagbaon na ako ng ilang damit. Uuwi naman ako sa Sunday diba?" Ang usapan kasi nila ay doon na siya titira sa bahay nito simula sa araw na iyon.

"Oo. Pero bago kita iuuwi, may dadaanan muna tayo," sagot nito at binuhay ang makina ng sasakyan. Ilang sandali pa ay nasa daan na sila.

Nagulat pa siya nang huminto ito sa parking area ng Davao Medical Center. "W-what are we doing here?"

Bumaling ito sa kanya at ngumiti. "Ano pa eh di susunduin na natin ang nanay mo," sagot nito sabay baba ng sasakyan.

Bumaba na rin siya at sumabay dito papasok sa ospital. Dumiretso sila sa Ward kung saan naroroon ang nanay niya kasama ang tita Helena niya. Tuwang-tuwa naman ang mga ito nang makita siya. Ipinakilala niya sa mga ito si Jigs bilang amo niya. Halos maluha ang nanay niya sa gratitude nito kay Jigs habang si Jigs naman ay sobrang attentive sa nanay niya. He even blushed when her mother praised him for his good looks.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito upang asikasuhin ang hospital bills. Hindi nagtagal ay nakalabas na rin ang nanay niya. Ang tita Helena naman niya ay nagpaalam na uuwi na muna sa pamilya nito dahil matagal-tagal na rin itong nagbabantay sa ospital. Mamayang hapon daw ito pupunta sa bahay nila upang patuloy na aalagaan ang nanay niya.

Lulan na uli sila ng kotse nito pauwi sa bahay nila. Blessing na rin siguro dahil hindi naka-park sa kalye nila ang truck na kanilang kapitbahay kahay naipasok ni Jigs ang pick-up nito hanggang sa tapat ng bahay nila. Inalalayan pa nito ang nanay niya mula pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagpasok sa silid nito.

"Pasensiya ka na sa bahay namin ha? It's messy," nahihiya niyang sambit nang makalabas sila sa silid ng nanay niya. Napagod kasi ito sa biyahe kaya hinayaan na lang nilang magpahinga muna ito.

"At least, kasama mo ang pamilya mo. Hindi naman importante kung sobrang magara ang isang bahay o hindi. Ang mahalaga ay nagmamahalan ang mga taong nakatira sa loob," sagot nito bago umupo sa sofa sa sala.

"Tama ka. Kaya nga kahit mahirap lang kami, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Kasi nandiyan pa rin ang nanay at kapatid ko na nagmamahal sa akin," sagot niya at tumabi dito.

"Nasaan nga pala ang kapatid mo? What's her name again?"

"Nasa school pa iyon. Her name is Fritzie. Mamaya ay nandito na uli si tita Helena upang mag-alaga kay inay habang hindi pa umuuwi si Fritzie para magampanan ko ang trabaho ko sa'yo," sagot niya.

Hindi ito umimik. Naramdaman na lang niyang nasa balikat na niya ang kamay nito. And just like last night, he pulled her against his broad chest again. Hinyaan niya itong idikit sa dibdib nito ang kanyang pisngi. Ngunit sa likod ng isip niya ay naroroon ang maraming tanong. Talaga bang ganito ito sa lahat ng PA nito?

"Alagaan muna natin ang nanay mo hanggang sa bumalik ang lakas niya. Dito ka na lang muna. Ako na lang ang pupunta dito kapag may time ako para may katulong ka sa pag-aalaga sa kanya," mamaya pa ay pahayag nito.

Nagulat siya sa narinig kaya bahagya siyang dumistansiya at tiningala ito.

"H-Ha? E-eh, p-paano ang mga lakad mo tuwing gabi? Hindi kita masasamahan kung dumito ako."

Hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na bahagyang nakatakip sa kanyang pisngi bago sumagot. "Mas kailangan ka ng nanay mo. Bilang boss mo, iyon ang gusto kong gawin mo. Huwag kang mag-alala. Pupunta naman ako dito para i-check kung naalagaan mo siya ng tama," nakangiting sagot nito. Hindi niya mapigilang ngumiti rin dito.

The Perfect Heroine [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon