2 - Background

196 6 2
                                    

Aaminin ko naman, hindi ako yung tipong high school pa lang siya ay fan na fan na ako. Actually, kahit nung nag-college siya - rookie year niya - hindi ko naman din siya agad napansin. Noong mga panahon kasi na 'yun, UP lang talaga sinusuportahan ko. Siyempre taga-UP ako. Pero nakakapanood naman din ako ng games ng DLSU. Nung simula kasi hindi ko naman siya napapansin kasi mas maingay 'yung pangalan ni Aljun Melecio, tapos nandun pa rin sina Jeron Teng at Thomas Torres. Ang alam ko lang ata sa kanya noon ay kapatid siya ni Prince Rivero. Basta dalawa na 'yung Rivero ng Lasalle.

Mas napansin ko siya noong season 80 ng UAAP. Nawala na kasi 'yung veteran players ng Lasalle, at isa siya sa mga nag-step up nung season na 'yun. Second year pa lang niya sa college basketball pero ang laki na ng expectations sa kanya.

Unti-unti ko na pala siyang hinahanap kapag nakakapanood akong games ng Lasalle.

Hindi ko rin malimutan yung Finals series nila against Ateneo that season. Lalo na noong Game 2. Ang aga niyang nag-foul trouble nung Game 1, at noong nangyari ito uli nung Game 2 nang hindi pa natatapos ang 1st half ng game, napilitan siyang iupo muna ni Coach Ayo. Ramdam ko 'yung frustration niya sa sarili niya. Naiyak siguro siya kasi ang aga pa at hindi siya makakatulong sa team niya. Yung hinawakan ni Prince ang mga pisngi niya habang umiiyak siya noong bumalik siya sa bench, nakita ko kung gaano siya kabata. kita mo na gusto lang naman niyang maglaro at makatulong sa team nila.

Naaalala ko nung binalik na siya sa laro. Nagsimula na siyang ngumiti. Lalo na nung nakakapagcontribute na siya sa game.

Hindi ko na namalayan na yung recommendations ko sa Youtube may mga highlight videos na niya. Pinanood ko naman. Magaling siya. Siya siguro 'yung player na kaiinisan ko kapag kalaban nila ang UP. Pero hindi e. Hindi na umabot dun, kasi pagpasok ng 2018, lumabas din ang balitang aalis na siya ng Lasalle. Makalipas ang ilang buwan, sinabi din niyang nakapagdesisyon na siya kung saan siya lilipat. Sa UP siya lumipat.

Masaya ba ako na nasa UP na siya? Oo?

Hindi ko kasi alam kung mamahalin niya ang UP katulad ng pagmamahal niya sa Lasalle. Kung ako lang talaga, sana nasa Lasalle na lang siya para hindi na siya mahirapan.

Nice to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon