5 - Jeep

162 8 5
                                    

It's been a couple of days simula noong magkakilala kami ni Ricci. Nasa akin pa rin 'yung shirt niya. Don' t worry, ibabalik ko naman sa kanya 'to. Nakalagay nga lang sa bag ko ngayon, in case makita ko siya, which, I feel, is unlikely. Feel ko sobrang magkaiba yung sched namin, pati 'yung mga building na pinupuntahan namin for class.

Kakalabas ko lang ng class dito sa AS. Wala sina Anya at Kate kasi may mga ganap 'yung orgs nila. Bilang mga BS Org, ayun iniwan ako. Medyo tinatamad na rin akong kumain kasi wala naman akong kasama. Naisipan kong pumunta na lang sa Reading Hall ng CSSP. Naglalakad na ako papunta doon nang may makasalubong ako.

"Uy!" gulat kong nasabi nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Hi!" bati ni Ricci sa'kin pagkatigil niya sa harap ko.

"Ah, oo nga pala. Saglit," hinalughog ko yung bag ko para makuha yung t-shirt niya, "Yung t-shirt mo ibabalik ko na."

"Ricci, may pupuntahan lang kami." rinig kong sinabi ng isa sa mga kasama niya.

"Sige, una na kayo." sagot naman niya.

Inilabas ko ang t-shirt niya na nakapaloob sa isang brown na paper bag. "Thank you uli. Nilabhan ko na 'yan, don't worry."

"It's okay. No need to say thank you. It's my fault anyway." sabi niya sakin. "Speaking of, I still owe you milk tea. May gagawin ka ba? Do you wanna go now?"

"I was just gonna stay at the reading hall. Break ko kasi." I told him.

"So, let's go get milk tea?"

"Uhm," napaisip ako, "Sige. Wala ka bang class? I don't normally see you around here at this time."

"Wala pala kasi yung prof, so free cut. Tara!"

"Mag-jeep na lang tayo." aya ko sa kanya. "May dumadaan nang jeep pa-Katip dun sa paglabas ng Pav 1. Nagje-jeep ka naman, 'diba?"

"Oo naman. Grabe. Jinudge mo na ako."

"Naninigurado lang." sabi ko.

Naglakad kami papalabas ng Pav 1 at nag-abang ng jeep. Medyo na awkward-an lang ako nung sumakay si Ricci sa jeep kasi ang tangkad tangkad niyang tao. Inabot ko ang bayad sa driver - sinagot ko na yung pamasahe namin pareho - at bumalik sa tabi niya.

"May sasakyan ka bang naka-park or something sa AS?"

"Wala akong dalang car today. Coding ako 'pag Tuesday." sagot niya.

"So, nagcommute ka papasok?" tanong ko sa kanya.

"Nope. Dinaan ako ni dad." he answered.

"How are you gonna go home though?"

"Depends." he said. "Either balikan ako ni dad or mag-g-grab ako."

Nakalabas na yung jeep sa Shuster. Maaga pa naman kaya wala pang traffic sa Katipunan. Bumaba kami sa tapat ng overpass na malapit sa main entrance ng UPTC kasi mas malapit yun sa Coco, bilang tamad maglakad. Sorry hindi ako biniyayaan ng mga mahabang biyas, hindi katulad nitong kasama ko.

Pagkarating namin sa Coco, mahaba na naman yung pila. Ano pa bang bago? Pareho na lang kaming pumila. Ang awkward naman kung uupo ako tapos siya lang papipilahin ko.

"May class ka pa ba after?"

Nice to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon