3 - New Semester

195 10 4
                                    

First Semester. AY 2018-2019.

"First day pa lang ng classes pero pagod na ako." reklamo ni Anya, kaibigan at ka-major ko, habang palabas kami ng classroom dito sa AS. "Ang daming requirements nitong mga GE. Daig pa ata mga majors natin e."

"Sana pwedeng fast forward na lang. Ayoko na talaga." sabi ko, habang inilalabas ang camera ko mula sa bag. "Ituloy ko pa ba 'tong vlog? Kakayanin ko pa bang mag-edit, feel ko naghahabol na akong requirements kahit first day pa lang."

"Buti nga kayo nakapagpahinga." Angal ni Kate, isa pa naming kaibigan. "Ako, halos isang linggong pahinga lang."

"E sino ba naman kasing nagsabi sayong mag-midyear ka." banat ni Anya.

"Bawas din 'yun sa workload ko ng regular sem noh."

I pointed the camera at myself and started vlogging, not minding the looks I was getting from the people in hallway as we were passing through. Sanay na ako e. "Ayan, welcome back to uni talaga! Nagsisimula na naman po si Anya at Kate. Samantalang ako, ito, gutom na. Ano ba? Saan na nga ba tayo kakain?"

"Tara Area 2." aya ni Kate.

"Pwede bang mag-ikot tayo?" tanong ko. "Pagod na 'yung utak ko, so apektado na buong katawan ko. Hindi ko kakayaning maglakad hanggang Area 2, utang na loob lang."

Pagkarating namin ng Area 2, halos kinakain na ng sikmura ko 'yung sarili niya.

"TBA tayo, pleaseee." aya ni Kate, habang nakatutok sa kanya ang camera ko.

"Basta may pagkain." ani ko.

Pagkarating namin sa kabilang dulo ng kalsada ay pumasok na kami sa TBA. May available pa namang table kahit lunch time. Hinihintay namin 'yung mga order namin nang kunin ni Kate sa akin ang camera ko.

"Ayan! Hello sa inyong lahat! Nandito kami ngayon sa TBA dahil gutom na kami at habang hinihintay namin ang order namin, i-interviewhin ko muna si Frani!" sabay tutok sakin ng camera na aking hinahawi palayo.

"Ang lapit naman sa mukha ko! Grabe to!"

"Anyway, Fran, ano nga pala... ang masasabi mo..." panimula ni Kate na tila may pa-suspense pa.

"Sa?"

"Anong masasabi mo sa mga 'issue'..."

"Umayos ka, Kate! Mahahampas kita."

"Ito na! Ito na nga!" sabi niya. "Anong masasabi mo sa mga issue na - ano ba? ikinadadawit o idinadawit? Anong tama?" Lumingon siya kay Anya, naghahanap ng sagot.

"Malay ko."

"Basta, anong masasabi mo dun sa mga issue ni Rivero?" tanong nito.

Tiningnan ko siya. "Mga? Madami ba?"

"Basta, yung ano, may fan na nasigawan." paglilinaw niya.

I sighed. "Ito kasi yun. Aaminin ko, mali yun. Dapat hindi niya sinigawan. No matter what the circumstance is, you don't do that." sagot ko. "Pero, in my defense - wow diba? In my defense? Ako ba may kasalanan? Anyway - in his defense, medyo wrong timing din kasi si ate girl. Obvious naman, diba? Tsaka, for me talaga, mas may issue ako dun sa mga taong wagas naman yung mga side comment tungkol sa kanya after that. Kung makapagsalita kasi akala mo sila walang maling nagagawa. Akala mo hindi pa nakakapanakit ng ibang tao. Lalo na yung nagcomment na parang pakitang-tao lang yung pagdadasal niya kasi daw may camera. Nakakapanggigil lang yung mga ganun."

"Kasi, una sa lahat, tao lang naman siya. Pwedeng magkamali. Importante, nag-sorry, pinagsisihan at hindi na uulitin. Yun lang naman."

Dumating na rin ang mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain. Maya-maya ay may lumapit sa amin.

"Wow, may time mag-date!" asar ni Kate sa dalawang papalapit samin.

"Oo naman. Habang may oras pa." balik ni Jan, sabay beso sa aming tatlo. Tumayo naman ako para yakapin si Isa.

"Oo nga pala. Magsisimula na basketball season." sabi ni Anya.

"Kayo, Isa? May mga pre-season conferences ba kayong sasalihan?" tanong ko.

"May isa o dalawa ata, kaya training lang." sagot ni Isa.

"As much as possible, manonood kami ng games niyo." sabi ko sa kanila.

"Naku, manonood yan for sure ng games niyo, Jan!" pang-aasar na naman ni Kate.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Jan.

Hinampas naman siya ni Isa. "Yung bagong recruit niyo."

"Ha?" Kita ang pagka-confuse sa mukha ni Jan-jan, na napalitan naman kaagad. "Ah! Oo nga pala noh! Trip mo nga pala si Rivero."

"Nagtrai-training na ba siya kasama niyo?" tanong ni Kate.

"Mga last month pa ata. Unti-unti na siyang sumasama." Ipinatong naman ni Jan sa balikat ko ung braso niya. "Ano? Ilakad na ba kita?"

Kumunot naman ang mukha ko at lumayo sa kanya. "Hay naku, wag na noh. Sayang lang. Tsaka, excuse me noh-" I flipped my hair, "I don't need a man."

Halos matumba naman ako sa pagkakatulak sakin ni Kate. "Arte mo! 'I don't need a man' ka dyan!"

"Sina Javi at Juan talaga 'yung close dun kay Rivero. Palakad ka sa kanila." banggit ni Jan, sabay kindat na inikutan ko naman ng mata.

Twitter

Frani Santos
@franiidawn
Saw my fave couple today! You guys make me believe in forever 💖 Parentals, bawal magbreak ha! @janjaboneta17 @IsaMolde10

➡️ replying to @franiidawn @IsaMolde10
Jan Jaboneta @janjaboneta17
Hanapan ka na rin namin ng forever 😉 Help daw @juan_swish9 @javigdl22

➡️ replying to @janjaboneta17 @IsaMolde10 @juan_swish9 @javigdl22
Frani Santos @franiidawn
NOOOO. Shut up please. 🤦🏻‍♀️

➡️ replying to @franiidawn @janjaboneta17 @IsaMolde10 @juan_swish9
Javi Gomez de Liaño @javigdl22
Ano 'tong nababalitaan ko? @franiidawn 😏😏😏

➡️ replying to @javigdl22 @janjaboneta17 @IsaMolde10 @juan_swish9
Frani Santos @franiidawn
Don't me, Javier. Alam ko sikreto mo. 😈

➡️ replying to @franiidawn @janjaboneta17 @IsaMolde10 @juan_swish9
Javi Gomez de Liaño @javigdl22
Ok, im out. 🤐🤐🤐

➡️ replying to @javigdl22 @franiidawn @janjaboneta17 @IsaMolde10
Juan Gómez de Liano @juan_swish9
Still here! Don't worry. Gotchu fam! 😬😉

Author's Note:
One week akong hindi nakapasok kasi may sakit ako, tapos nakita ng kaibigan ko kahapon si Ricci sa UPTC!!!! Bitch im ded. Pero yey, may update! Sorry wala pa si Ricci. Ayaw magpakita sakin e. Chz.

Comments are welcome!
Twitter: @theRICClife

Nice to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon