4 - Milk Tea

190 8 2
                                    

Mga ilang weeks na rin since nagsimula yung sem. Unti-unti na rin akong nalulunod sa mga classes ko. Kakatapos lang ng second-to-the-last class ko, pero may 1 1/2-hour break pa ako kaya kailangan ko munang magpalipas ng oras bago ang huli kong klase para sa araw na 'to.

Si Kate lang yung kasama ko ngayon kasi si Anya may susunod na klase na. Magkaklase kami ni Kate sa last class ko, na - sa totoo lang - medyo tinatamad na talaga akong pasukan. Slightly dahil sa 4:00-5:30 pm 'yung class, partly dahil sa prof ko. I'm sorry, pero nabo-bore ako sa kanya, o ayoko lang talaga dun sa class. Or all of the above?

"Saan tayo tatambay n'yan?" tanong ni Kate.

Nakita ko naman palabas na rin ng classroom si Javier. "Huy, Javi!"

Lumingon naman sa'min si Javi at lumapit.

"May class ka pa?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng building.

"Wala na. We have training, kaya I'll go to the gym." paliwanag niya sa'min.

"Bukas na 'yung milk tea place dun sa may gym, di ba?" tanong ko uli sa kanya.

"Ah, oo. Masarap dun. Try niyo minsan."

"Milk tea na lang tayo, tapos tambay na muna tayo dun." sabi ko kay Kate.

"May class tayo nang 4 ha! Nasa kabilang side pa ng campus yung milk tea mo." angal niya sakin.

"Ito naman. Ang haba ng break natin. Aabot tayo, sad to say."

"Hay naku, for all I know, gusto mo lang mag-cut." Kilala talaga ako ng kaibigan ko, yun lang masasabi ko.

Binalik ko naman ang atensyon ko kay Javi. "Pa-sabay kami! May dala ka bang sasakyan?"

"Yup. Tara. Baka magpasundo pa si Juan."

Pagkarating namin sa gym kung saan nagtrai-training ang basketball team - hindi na nagpadaan si Juan kasi nauna na siya - dumiretso na papasok si Javi habang kami naman ni Kate ay pumunta sa bagong bukas na milk tea shop. Umorder na lang kami ng best seller nila kasi hindi naman namin alam kung anong masarap. Si Javier naman hindi man lang nagrecommend ng masarap.

"Upo na lang muna tayo dun sa labas." sabi ni Kate pagkakuha namin ng mga inumin namin.

"Ang hirap naman haluin nito." angal ko habang nag-s-struggle haluin ung drink gamit yung straw.

"Dapat inalog mo muna bago mo binutas." sabi niya sa'kin. "Tanggalin mo na lang muna yung takip para mahalo mo nang maayos."

Sinunod ko naman yung payo niya para mapadali ang buhay ko. Pwede kasing tanggalin muna yung takip, self. Actually, maganda ung baso na ginagamit nila dito sa Nomu (yung bagong milk tea shop). Feel ko nga pwedeng gamitin uli 'to. Kung makita 'to ng nanay ko, itatago pa niya.

Nang palabas na ako ng pintuan, naramdaman ko na lang na may bumangga sa akin at natapon ang malamig na inumin ko sa aking harapan.

"Sorry." sabi ng nakabangga sa'kin.

"Mukhang sign na talaga 'to na mag-cut ako." natatawa kong biro ko. "Universe na nagsasabi na 'wag na akong pumasok."

"Pasensya na." ulit niya habang tinutuyo ko naman ang sarili ko gamit yung tissue na inabot ni Kate. "May extra shirt ako. Hiramin mo na lang muna. Pasensya na talaga. Palitan ko na lang 'yung milk tea mo."

Umiling naman ako. "Hindi. 'Wag na. Kasalanan ko naman din."

"Kahit pahiramin na lang kita ng shirt." pagpipilit niya. "Hindi ka naman pwedeng pumasok nang ganyan. Baka langgamin ka n'yan. Ang sweet mo na."

Nice to Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon