Chapter 8

270 16 1
                                    

After 5 years....

3rd Person's POV

Kagagaling lamang ni Maymay sa isang out of the country photoshoot para sa isang sikat na magazine. She just made it big in the modelling industry. Isa na siya sa mga sought after models hindi lang sa New York kundi sa buong mundo. She is living her dream and loving what she's doing. Pero minsan nakakapagod din tulad ngayon.

She was so damn tired that she just wanted to catch some sleep dahil hindi siya makatulog sa biyahe. Ewan ba niya, hanggang ngayon hindi pa rin siya sanay.

As soon as they arrived at her pad she immediately slouch on the sofa.

"Tina salamat sa pagsama pa sakin pauwi ahh, para tumulong sa mga gamit ko. " sabi nito kay Tina habang nakapikit na nakahiga na sa sobrang pagod.

"Ehh ano pa nga bang magagawa ko Dale. Manager, slash! PA, slash! bestfriend, slash! Ninang hayy."

"Eto naman puro reklamo eh sineswelduhan ka naman ho ano ho?"
Sambit ni Dale habang nakapikit pa rin at ninanamnam ang malambot na higaan.

"Oo na porke nakauwi kana at makikita mo na yung lalabs ng buhay mo." sabi nito habang naglalakad papuntang closet ni Dale at inililigpit ang mga gamit na bitbit nila galing sa photoshoot.

Napamulat siya ng mata sa sinabi ni Tina. "Hoy, baliw! Hindi ko lalabs yun no! Kaibigan ko lang si Xander end of." Dipensa naman niya.

"Ohh tignan mo yan wala pa nga akong sinasabing pangalan siya na naisip mo. Tsaka sus kaibigan, diyan naguumpisa yan! Kaibigan ba yung lagi kang dinadalaw sa photoshoots mo. Laging nanonood ng runway stints mo na huwag ka may pa flowers at foods pang dala! And not to mention, nagiging PA na rin sa kakadala ng gamit mo. Ngayon nga lang pumalya yun eh kasi nagkasakit. Ewan ko lang ngayon kung nandito siya edi sana di ako nagbuhat ng mga mabibigat mong gamit ngayon. Hayy sayang nasira tuloy beauty ko ngayon." Sabi nito ng kanyang mahabang litanya papunta pabalik kay Dale.

Napabangon si Dale sa pagkakahiga at sinagot ang kaibigan with matching hand gestures. "Ayy wow masyado. Alam lahat ah! Chismosa naman pala pwede ba idagdag na rin sa job description mo slash chismosa. Kaibigan ko nga lang kasi yun tsaka ganun naman talaga yun, sweet at caring syempre madami na rin kaming pinagsamahan together. Kasabay ko siyang naggrow sa industry kaya wag mong lagyan ng kulay chismosa ka rin ehh."

" Eh sa yun nga ang nakikita ko. Alam mo girl manhid ka rin eh.. Alam mo yung mga ganung style nagpapakita na ng motibo yun. Daig mo pa yung nastroke sa sobrang manhid." Sabat naman ni Trisha na nasa harapan na niya na nakaupo na rin sa opposite side na sofa.

Tumayo na si Dale at pumunta ng kusina upang kumuha ng tubig. Naistress siya sa mga pinagsasabi ng kaibigan na natutuyuan ang lalamunan niya. "Alam mo din girl, andami mong napapansin. Ano, defense ba to? Bakit sobra ka mang gisa? Baka gusto mo magpaliwanag pa ko sayo dito with matching powerpoint presentation para lang mapatunayan ko sayong magkaibigan lang kami. Tsaka bakit ba tayo napunta sa ganitong usapan, umuwi ka na nga buang ka. " Pagtataboy niya dito matapos maibuhos ang tubig sa baso at inisang lagok ito.

"Yan tignan mo sinasabi ko. Guilty ka kaya ka napapainom ng tubig ng isang lagukan."

"Bahala ka sa buhay mo uy!"

"Oh siya sige alis na ako at masyado kang defensive. Gumising ka ng maaga bukas ahh may shoot ka pa at oo nga pala bukas na yung meeting natin for your new endorsement. Sige na babush!" sabi nito na bumeso at naglakad na papuntang pinto para umalis.

Napapailing na lamang siya sa kaibigan. Hindi parin talaga ito nagbabago. Mausisa pa rin at madaldal. Pero nagpapasalamat siya at nandiyan si Tina na nanatili sa tabi niya kahit nuong walang wala pa siya sa estrangherong bansa na napadpadan niya. Nakilala niya ito sa isang park habang siya'y nag-iisip kung paano niya sosolusyunan ang mga problema niya sa buhay ng mga oras na yon.

Bukod kay Xander na kaibigan niya, si Tina ang naging sandalan niya sa lahat ng ups and downs niya sa buhay simula nang tinahak niya ang kakaibang chapter ng buhay niya. At sa awa naman ng Diyos it all fell to its right places. She must've done something in her past life to deserve all of this success. With so much in mind she doze off to sleep without minding her make-up, unchanged clothes and hungry stomach.

The Model And The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon