Chapter 10

296 18 0
                                    

Katatapos lang ng photoshoot ko at umalis narin si Xander dahil tumakas lang pala ito sa shoot niya para kamustahin daw ako. Di na talaga nagbago ang taong yun masyado siyang bini-baby ani niya sa sarili. 

Ang totoo niyan kasi, si Xander ay may pinakatago tagong sikreto na ako lamang ang nakaka-alam. Ako at ako lang mismo, kaya todo ang pag-aalaga niya sa akin, suhol kung baga.   

Pero enough with Xander muna, may pupuntahan pa pala kami after this.

"Dale, next stop new endorsement, tapos uwian na!  Hayy... nag-uumpisa palang tayo pagod na ako. " sabi ni Tina na nag papack na ng gamit nila kasama ng glam team niya.

"Ayy wow Tina parang ikaw nagphotoshoot ahh, mas pagod ka pa sa akin sa lagay na yan. " ani Dale kay Tina na tinatawanan nalang ang kaibigan.

"Hehe sorry naman.  Tara na nga alis na tayo baka malate pa. Mamaya niyan ginto na nga maging bato pa." sabi nito ng nagmamadali ng umalis.

Nagpaalam na kami sa lahat ng staff. In all fairness mababait din naman silang mga kano, ang gwagwapo pa kaya ayun si Tina napagod nga. Napagod sa kakatingin ng gwapo.

Sumakay na kami sa service papuntang meeting namin with my new endorsement. Wala pa rin talaga akong clue kung ano ba talaga yung endorsement ko na to. Wala namang nababangit kasi si Tina sa akin regarding this. Pero pwede pa naman akong humindi kung sakali man dahil ipapakilala pa lang naman sa amin yung brand at kikilatisin munang mabuti. 

I trust Tina naman sa lahat ng bagay, it's just that I also want to involve myself regarding my career ayokong iasa ng iasa kay Tina. Tsaka it needs my approval naman kasi ayaw ko naman na labag sa loob lang at tanggap ng tanggap.

We arrived at our destination, hininto kami ng service sa isang British Restaurant kung saan imemeet daw namin ang representative nila.

Bakit kaya british restaurant ang napiling meeting place nila? Baka british ang imemeet namin?

We got off from the car and headed to the restaurant.  Kinausap naman agad ni Tina ang waiter doon at nagtanong regarding sa reservation.

"Reservation from BENJ please." BENJ pangalan daw nung brand na ieendorse ko kung pumayag ako. Actually it rings a bell parang narinig ko na yung brand.

"BENJ, ohh This way ma'am." sabi nung waiter at iginaya na kami sa room, kung saan nag-aantay yung kameet-up namin.

Ibinukas na ng waiter ang pinto ng private room at agad-agad namang tumayo sa kinauupuan niya ang lalaking nasa loob at sinalubong kami.

"Goodafternoon miss Dale, nice to meet you." sabi nito na nakikipagkamay.

"Hello, goodafternoon" tugon ko naman dito at nginitian ito, akala ko nung una ay british tong imemeet namin pero napansin ko mukha siyang pilipino kaya agad akong nagtanong.

"Are you from the philippines?"

"Yes ma'am I am, also BENJ is owned by a Filipino and we are based in the Philippines. " sagot agad nito, na hindi ko alam kung ikatutuwa ko o hindi.

Pilipinas parang biglang tumaas lahat ng balahibo ko at nanlamig.  Sa isang iglap parang napakalamig na tubig ang mga ala-alang bumuhos sa akin. It keeps on flashingback. Naalala ko bigla ang mga pangyayaring nag-udyok sa akin para lumisan at mga taong aking iniwan.

Ito na nga ba ang sign para umuwi na ako? Nakabase sila sa Pinas so ibig sabihin kailangan kong pumunta ng Pinas?  o baka naman hindi. 

Hindi naman siguro, masyado kalang paranoid Dale!  Pwede namang magendorse ng hindi umuuwi sa Pinas, oo tama tama. Hindi naman sa ayaw kung umuwi, pero parang hindi pa ata ako ready. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

"Hoy Dale, umupo na raw tayo. Natulala ka na diyan. " bulong ni Tina sakin. Di ko namalayan sa kakaisip ko natulala nalang pala ako.

"Ohh sorry." naupo na kaming lahat sa designated chairs namin. At meron naring mga nakahaing pagkain sa mesa. Parang I feel so uneasy.

"So I'll introduce myself first. I am Jeff, the CEO's secretary. " sabi nito na nagpakilala ng kanyang sarili at nakipagkamay ulit sa amin.

"Secretary ng CEO?  Bakit ikaw?" tanong ko dito dahil nakapagtataka na mismong secretary ng ceo ang ipinadala.

"He wants me to take care of this matter, dahil this is a big project for our company having you as our new ambassador. Well inaassume ko na coz why not? Right miss Dale?" ani nito na full of confidence na hindi naman nakakaintimidate.  Sakto lang.

"Okay,  proceed." sabi ko dahil hindi ko alam parang kating kati na kinakabahan ako na malaman kung ano ba tong BENJ na to.

"Pleasure Miss Dale,  so BENJ is a Philippine clothing brand that is sold worldwide. We have 300 stores worlwide that provides casual clothings for men and women. So we BENJ clothing line wanted you Ms.  Dale to be our newest ambassador for our new sets of trendy outfits. You will be the new face of BENJ if you accepted this project. " mahaba habang litanya nito. Malaki palang kumpanya ito.  Kuddos sa may-ari he managed to conquer the international scene. Bigla namang lumaki ang pag-asa ko kasi worldwide naman pero nagtanong pa rin ako.

"Well, if I accepted this contract will I still be going home? I mean will I still  go back to the Philippines? " tanong ko agad dito. Sa pagsasalita niya kasi kanina, ito lang talaga ang nasa utak ko eh. Mabuti na ang sigurado.

"Ofcourse Miss Dale, you have to. Yun kasi yung isa sa main pasabog namin. You a successful Filipino international model will finally go back to her roots. What a pleasant surprise right? It will make noise. You are the perfect fit for this project. Also, we got a campaign wherein we would go to different Philippine heritages to shoot. THIS IS REALLY BIG MISS DALE. So I hope you accept our offer. " sabi niya na parang nakakaamaze yung sinabi niya. Eh para sa akin horror yung mga binanggit niya. Well good strategy pero parang di ko alam kung gusto kong pumayag. Naguguluhan ako sa lahat lahat. Masyadong nakakabigla. Sumasakit ulo ko.

"Go back to the Philippines?  I think kailangan ko munang pag-isipan ang offer mo. Let's go Tina." sabi ko, na tumayo na at naglakad palabas

"We will call you nalang kapag nagbago ang isip. I'm sorry." narinig kong sabi ni Tina bago pa ako makalabas ng kwarto nung private room.

I stormed my way to our service. Sa madaling salita, walk-out. Hindi ko alam, basta naririnig ko ang salitang Pilipinas parang natatakot ako.  Hindi pa ata ako ready. Of course miss na miss ko na pamilya ko dun pero,  simula ng pinanganak ko si Joseph nagbago ang lahat. Nagbago ang priorities, ang buhay.

Tapos hindi ko pa nasasabi ang tungkol kay Joseph sa pamilya ko. Baka magalit sila.  Baka makita siya ng ama nito at kunin ito sa akin.  Hindi ko kaya,  siya ang buhay ko.  Sa kanya lang ako kumukuha ng lakas.

The Model And The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon