Company
Naka uwi na ako sa bahay, masaya ako nung nakita ko si Nanay Ganda na masaya din nung makita ako.
Magiging mahaba tong araw na to sakin. Eh pano ba naman binigyan ako ng posisyon ng papa ni Zake sa Companya nila,hanggang ngayom hindi ko pa din kayang tawagin siyang tatay o kung ano pa.
Siguro Tito nalang ang itatawag ko sakanya, hindi ko nalang muna iisipin na siya ang ama ko.
Andito ako ngayon sa loob ng opisina ko, paano ako makaka move-on neto kung palagi kong kasama si Zake at Assistant niya pa ako.
Sabi ko kay Tito Henry na kahit Assistant lang ang ibigay niya ojay na ako para matahimik na siya.
Kahit paano marunong din naman ako sa mga ganitong klaseng trabaho at kakayanin ko to para kay Nanay Ganda.
"Miss Aliah, pinapatawag po kayo ni Sir Zake" sabi ng isang babae na di ko alam yung pangalan.
Tumango lang ako pero kinakabahan na ako.
Habang naglalakad ako ay napakalakas ng pintig ng puso ko, akala ko magtatagal siya sa ibang bansa pero umuwi lang din pala siya agad.
Ng maka pasok ako sa loob ng Opisina niya na amoy ko agad ang mabango niyang pabango, na miss ko to.
Ka agad akong umupo sa harap niya at inayos ang sarili ko kahit na kinakabahan na talaga ako ang lakas ng pintig ng puso ko.
"Aliah, kamusta kana?" tanong niya
Tumango lang ako at tumingin sa kawalan.
Lumapit siya sa harap ko at umupo doon.
Di ko inakalang lalapit siya at yayakapin ako, bigla siyang umiyak habang naka yakap sa kin na yun ang dahilan na dahang-dahan na tumutulo ang luha ko...
"Baby, please come back to me! Ikaw ang gusto kong pakasalan ayaw ko kay Hezekiah gusto ko ikaw ang maging asawa ko"
"A-ano? Kanino ka ikakasal?" gulat na gulat kong tanong
"Kay Hezekiah, ayaw ko sakanya mas mahal kuta at ikaw lang ang mamahalin ko please baby" hagolgol niyang iyak
Di ko napigilan ang sarili kong umiyak na din dala na sa gulat at sa sakin. Oo inaamin ko nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.
"Zake ano ba! Gumising ka na nga magkapatid lang tayo!MAGKAPATID TAYO!" sigaw ko habang umiiyak
"Hinding hindi ko tatanggapin na magkapatid tayo dahil mahal kita Aliah, can't you see?" iyak niya
" Alam mo Zake kung pinapunta mo ako dito para sa mga walang kwentang bagay wala akong oras para jan at isa pa ituring mo akong kapatid dahil ganon din ang gagawin ko." sabi ko habang umiiyak at nagmadali nang umalis
BINABASA MO ANG
The Day We Met
FanfictionI dont need to look any further I dont want to go where you cant follow Im not going to run from my love Im not going to walk away from this love I will have nothing if i dont have you. You see right through me You break down my love that i show t...