Chapter 21: The Truth

133 5 0
                                    

The Truth

Ang tagal na namin ni Zake hindi ako makapaniwala na umabot kami ng dalawang taon.

Nakakalungkot nga lang kasi kahit umabot na kami ng dalawang taon di pa din ako tanggap ng pamilya ni Zake at si Alison pa din ang gusto nila para kay Zake

Dalawang taon na kami ni Zake pero hindi pa kilala ni Nanay Ganda ang mga magulang ni Zake.

Buti pa yung Tatay ni Zake tanggap na tanggap ako pero yung nanay at lola niya ang init ng dugo sa akin.

Andito ako ngayon sa Bahay ni na Zake, madalas nalang siyang pumupunta sa Condo niya.

Medyo wala na siyang oras sakin kasi busy na siya sa kompanya nila pero okay lang yun kasi sabi niya sakin na para sa kinabukasan lang naman daw namin yun

"Hija, okay ka lang ba jan?" Tanong ni Tito Henry

"Opo Tito" naka ngiti kong sagot

Biglang tumakbo palapit samin yung katulong nila.

"Sir may bisita po kayo" sabi niya na hingal na hingal

"Ha? Sino? Papasukin mo! Aniya

Ka agad naman na tumakbo yung katulong nila at tumingin siya sa kawalan.

"Anak, eto pala oh ibigay mo kay Zake" sigaw ni nanay ganda

"Nay? Kala ko po nasa trabaho kana?" tanong ko sabay lapit at nag mano sakanya.

Tumingin si Tito Henry kay Nanay Ganda na gulat na gulat at ganon din si Nanay Ganda.

"h-henry?" sabi ni nanay na gulat na gulat

"Oliva? I-ikaw? Naluluhang sabi ni Tito Henry

Naka tingin lang ako sakanilang dalawa na parang magkakilala.

"Anak mo si Aliah? Siya ba ang anak natin" Aniya

Nagulat ako sa sinabi ni Tito Henry, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Hindi pwede na maging anak niya ako.

"Oo anak ko si Aliah at siya ang anak na iniwan mo" sigaw ni nanay ganda na umiiyak

Ewan ko pero bigla akong naluha at tumakbo si Tito Henry sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Biglang dumating si Zake at ang Nanay niya.

"Anong nangyayare dito?" tanong ni Zake

"Olivia? Why are you here? Gulat na tanong ng nanay ni Zake

Pinunasan ni Tito Henry ang luha niya at sinabing "Nakita ko na ang Anak ko"

Di ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko.

"What? Anong ibig mong sabihin Dad?" tanong ni zake

" Si Aliah yung kinukwento ko sayo Zake, siya yung nawawala kong anak." aniya.

"No! Hindi pwede to!" sigaw ni Zake at tumakbo papunta sa akin at hinawakan ang kamay ko

*FLASHBACK*
"Olivia sumama kana sa akin sa Maynila, mas gaganda ang buhay natin ng magiging anak natin. Iwanan na natin lahat ng problema dito at magsimula ulit." -Henry

"Alam kong gustong gusto mong magkapamilya tayo Henry at ako din pero alam mong hindi ako pwedeng umalis dito kung ayaw mo dito pinapalaya na kita" -Olivia

"Oh mga papuntang Manila sumakay na kayo lalarga na tayo, huling byahe na to bilis na!" sigaw ng tsuper

"Babalikan kita Olivia pangako ko yan, tandaan mo mahal na mahal kita. Ingatan mo ang anak natin at wag na wag mo siyang pabayaan. Mahal kita" sabi ni Henry na nagmamadali.

*End of Flashback*

"Hindi pwedeng maging kapatid ko si Zake, nay sabihin mong hindi totoo ang sinabi ni Tito Henry" sabi ko kay nanay

"Anak, si Henry ang Ama mo, siya ang matagal mo nang hinahanap" sabi niya

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo na na ako wala na akong pakealam kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Bago ako tuluyang maka layo narinig kong sumigaw si Zake ng Mahal kita na mas lalong dumurog ng puso ko.

Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo pakiramdam ko malayo na ang natakbo ko pero kahit kunting pagod ay wala akong naramdaman!

Nakakainis ang taong napaka mahal ko ay kapatid ko lang pala

Ang apelyido niya na gusto kong maging apelyido ko pag nag asawa na kami ay apelyido kona pala.

Hindi ko na alam anong gagawin ko hindi to maaari.

sinampal sampal ko ang sarili ko nagbabakasakali na baka panaginip lang ito pero hindi nasasaktan ako sa sampal ko sa sarili ko pero mas masakit pa din yung hapdi na nararamdaman ko sa puso ko.

pumunta ako sa Bus Station para magpakalayo kalayo, dala ko yung wallet at atm ko kaya okay lang na magpaka layo layo ako kahit ilang araw lang.

Hindi ko alam kung bakit Baguio ang pupuntahan ko pero hinayaan ko nalang ang sarili ko

Nasa dulo ako naka upo, nasa may bintana ako umiiyak habang naka tingin sa daan.

Hanggang sa makatulog ako at bigla ko nalang sinabi na...

ZAKE... MAHAL NA MAHAL KITA



The Day We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon