Kabanata 12

4.1K 105 16
                                    

A/N: Here's a short update for you guys! I hope you enjoy this :)

Kabanata 12

Wild Child

"Omygosh, Nicosia! May balak ka bang magpakalasing? Oh no, baka mapagalitan tayo ni Klaus pag malaman niyang umiinom si Nicosia," Napa-irap ako sa kawalan nang marinig ko ang naghi-hysterical na boses ni Liza.

"Hoy, Cosia, ano ba kasing nangyari? Ba't umiinom ka? Alam mong bawal ka pa niyan eh!" sigaw ni Trixie pero nagbingi-bingian lang ako.

Kaming mga babae lang ang nandito ngayon sa loob ng VIP room. Pagka-alis na pagka-alis ng mga lalaki para magtungo sa dance floor eh hindi ako nagdalawang isip na inumin 'yung tequila na inorder nila Clover. Nabigla ako sa lasa at halos masuka na nga ako pero nang tumagal na ay nagustuhan ko na rin ang lasa.

"Oh no, pagbalik nila Klaus patay tayo nito," rinig kong sabi ni Mea at bahagyang inaagaw sa akin ang baso.

Tatayo sana ako para makalayo sa kanila kaso agad akong napangiwi nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko at ang matinding pagkahilo. Shit!

"Omygosh, Nicosia!" Rinig kong sigaw ni Liza bago ko naramdaman ang pag-bagsak ko sa couch.

"Nahihilo ako...." Sabi ko at iritableng tinanggal ang suot kong denim jacket. "Ang init..."

Narinig ko ang mumunting mura ni Trixie bago ito lumabas ng VIP room.

"Get ready girls, malamang hindi lang si Klaus ang magagalit sa atin nito," ani Liza at mahinang tinapik ang braso ko. "Gaga ka! Di ka na namin iinvite ulit sa ganitong party. Balak mo pa lang magpaka-lasing ha!" umiling-iling lang ako at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Dinadama ang kakaibang sakit ng aking ulo.

I don't have plan to get drunk tonight okay?! It just happened. I mean, sabi nila alak daw ang sagot para makalimot sa matinding sakit o pinagdadaanan.

Matapos akong halikan ni Dwight makikita ko siyang nakikipag-usap na naman doon sa dalawang higad. Obvious namang nilalandi siya ng mga 'to pero ayaw niya pa ring iwasan. Nakakainis siya! Matapos niya akong halikan eh sa iba naman siya papahalik?! Yeah okay?! I saw the girl kissed him on his cheek. Susugod sana ako pero napag-desisyonan kong umalis na lang sa kung saan ko sila nakita at mabilis akong nagtungo rito sa VIP room. Baka mamaya pag sumugod na naman ako, ako na naman ang mapagalitan ni Dwight at ayoko nang mangyari ulit iyon.

Nakita ko ang inorder nila Klaus na tequila, hindi pa nila iyon nagagalaw 'nong nagtungo sila sa dance floor. Sa una, tikim lang sana ang gagawin ko pero ewan ko ba, habang tumatagal parang ayoko nang tumigil.

Siguro dala na rin sa panggigigil ko 'dun sa dalawang babae kaya di ko namamalayan na halos naubos ko na pala iyong inorder ng mga kasama ko.

"Ugh!!" marahas kong sabi nang maramdaman ko muli ang kakaibang sakit ng ulo ko habang pilit na inaalala ang marahang paghalik ni Dwight sa akin kanina.

Matapos niya akong halikan kanina, pinangako ko sa sarili ko na mas lalo ko pang pag-iigihan ang pagsuyo sa kanya. I can feel it okay, malapit na. Malapit ko na siyang makuha. Or I just imagining it? Ah basta! Di pa rin ako titigil!

"What the hell?" bahagyang bumukas ang isa kong mata para tingnan ko sino ang sumigaw at nang masiguro kong si Clover iyon, muli akong pumikit.

"Damn it! Who gave you permission to drink alcohol and get drunk huh?!" mariing tanong ni Clover. "At kayo? Ba't n'yo hinayaan?"

"Hello, Klaus? Si Nicosia 'yan no! As if papapigil iyan! Alam mo naman kung anong gusto niya, gusto niya talaga at walang makakapigil sa kanya," rinig kong sabi ni Trixie.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon