Kabanata 1

5.9K 157 2
                                    

Kabanata 1

Pangungulit

Tiningnan ko ang mga babaeng panay ang pagpapa-pansin sa kasama ko. Panay ang lingon ng iba sa puwesto namin. Habang ang iba naman ay palihim na tumitili sa tuwing kikindatan o ngingisihan sila nitong kasama ko.

"Pathetic girls," bigla ay komento ko ng hindi na ako nakatiis sa nakakasawang pangyayari sa tuwing magpupunta ako rito sa cafeteria kasama ang bestfriend kong si Klaus Vergel Gaza a.k.a Clover, the campus chickboy.

"Oh, coming from you, huh?" He said with full of sarcasm.

Tiningnan ko siya nang masama dahilan para itaas niya ang kanyang dalawang kamay, sinyales ng kanyang pagsuko.

"Anyway, Cosia. Next Thursday na ang birthday mo ah, any plan?" tanong niya bigla dahilan para mapabuntong-hininga ako.

"Buti ka pa naalala mo. Si Mommy at Daddy hindi man lang natanong kung anong plano ko for my 17th birthday." nakasimangot kong sabi.

Natawa naman si Clover.

"You know, lagi kasing busy ang parents mo kaya baka nawala sa isip nila."

Nagkibit-balikat ako.

"Siguro," walang gana kong sabi.

Bigla ay napapalakpak siya sa ere.

"Noong nakaraang buwan pala nakita ko si Kuya Loch dito sa Maynila. Akala ko ba sa probinsiya n'yo siya nag-i-stay?" aniya, ang bilis talaga nitong mag-iba ng topic in just a seconds.

"Well, bukod sa katulong siya sa pagpapatakbo ng ilang SVJ hotels dito sa Maynila, e, balita ko rin na may balak sila nila Dwight na mag-tayo ng restaurant bar." I smirked when I mention the name of my love, Dwight.

"Restaurant bar?" kumunot ang noo niya.

Tumango-tango naman alo.

"Ewan ko sa mga 'yun. May mga big company naman na sila pero nagbabalak pa ring mag-tayo ng isang common business." napapa-iling na lang ako.

"Family business ninyong mga Salviejo ang restaurants and hotels. Habang Supermarkets and Department Store naman ang kay Dwight." Ani Clover habang hinihimas-himas niya pa ang baba niya. Para bang nag-iisip siya nang mabuti. "Kung ganoon, sino sa kanilang dalawa ang naka-isip na mag negosiyo ng bar?" kumunot na naman ang noo niya.

"Ewan ko. Baka si Milo o si Cyrus. Oh, Cyrus and Lochlan really love the atmosphere of the bar. Baka sila ang naka-isip 'non. Sinuportahan na lang ni Milo at ng mahal ko, total hilig din naman nilang mag-bar minsan." I smiled widely.

Ngumiwi naman siya.

"I can't believe you're still like that heartless man," aniya na para bang malaking katangahan ang pagka-gusto ko kay Dwight.

"He's not heartless. How many times do I need to tell you that?" inis kong sabi. "And correction, I just don't like him, okay? I love him!" Madiin kong sabi dahilan para mas lalo pa siyang ngumiwi.

"Matapos lahat nang ginawa niya sa'yo, mahal mo pa rin? Tsk. Napaka-heartless ng taong iyon pagdating sa'yo, Reina. Tsk! Ewan ko sa'yo...." Nailing na lang si Clover at inabala ang sarili sa pagkain.

Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon