Chapter 6

2.1K 90 5
                                    

Chapter 6

He's too close! He's too close! He's too close!

"Y-You are being scary. Your smile isn't reaching your eyes." sabi ko na hindi na makatingin sa mata niya.

Pinitik niya ang noo ko at natawa. "Because all you do is lie." aniya at medyo lumayo sa akin.

Magsasalita na sana ako nang biglang may tumawag sa phone niya. Nagtagal ang tingin niya sa akin bago siya napailing. Lumapit siya sa pwesto niya at kinuha ang phone niya saka siya naglakad palayo.

Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na busy siya sa kausap sa tumawag. Gusto kong dumiretso sa kwarto pagkatapos kong sabihan siya na pagod ako.

Maya maya ay bumalik na siya sa pwesto niya at nilapag ang phone sa lamesa. Tumayo na ako kaya napaangat ang tingin niya sa akin. Nilapag niya ang kutsara niya, mukhang alam na ang gagawin ko.

"See? You are avoiding me!" He accused me.

"Hindi nga," Natatawa kong sabi at napailing na. "Gusto ko nang magpahinga. At kailangan mo ring pumasok sa next subject mo, Zac. Nagpaalam na ako na may sakit ako." sabi ko habang hinuhugasan ang pinggan na ginamit ko. "And thanks for the food." Nakangiting sabi ko at nilingon siya.

Napailing nalang siya. Mukhang naintindihan narin na hindi ko talaga sasabihin ang gusto niyang malaman.

Ilang linggo na ang lumipas at naging normal naman ang trato ko kay Zac. Pinapansin ko narin siya at hindi na iniiwasan pa. Nilalayo ko nga lang ang sarili kay Zac kapag kasama niya ang girlfriend niya o nakikita niya kaming magkasamang dalawa.

And about my dreams... hindi na nag iba iyon. Nakasanayan ko narin na paulit ulit iyon na napapanaginipan ko. Though, I became conscious of being touched by him.

Naglakad na ako palabas ng gate at isinaksak ang headset sa aking tainga. Nagulat nga lang ako nang akbayan ako ni Zac.

"Z-Zac!" gulantang kong tawag sa pangalan niya.

Shit. I thought he woke up early!

"You are up late!" aniya at mukhang good mood na good mood ngayon. Lagi naman.

Aaah, crap, crap! He's too close again.

Nasa harap ang tingin niya at ngiting ngiti. Napansin ko ang ayos niya ngayon. May date kaya sila ng girlfriend niya?

I looked at his gleaming eyes and then up to his hair. I like it when his hair is down, but I like it more when his hair is up. I can see his beautiful eyes and it makes my heart flutter.

Nilingon niya ako ng mapansing nakatitig ako sa kaniya. I was shocked because he turned so quickly that it made me jump! My face blushed and I immediately looked away.

He pinched my nose. "Acquaintance Party bukas ng gabi. Nag ready ka na ba ng isusuot mo?" tanong niya sa akin at mas hinigpitan ang pag akbay niya.

Inalis ko ang headset sa kabilang tainga ko. I nodded. "Yeah. Binili ni Mama kahapon, ayos naman nung sinukat ko. Ikaw?"

"Yeah." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Hindi sila pareho ng kurso ng girlfriend niya kaya alam kong hindi sila magkikita mamayang gabi. Sinabi niya rin sa akin kahapon.

I'm not gonna lie. I was happy when he said that. I'm really crazy, huh?

As usual, magkatabi kami sa wala masyadong pasahero na bus. Nakasandal ang ulo niya sa aking balikat at iisang musika ang pinapakinggan naming dalawa.

These past few weeks, napapansin kong hindi masyado sila sumasabay ng girlfriend niya. Though, nagme-meet naman sila kapag walang klase. Minsan ko nga lang makita. Dalawa o tatlong beses lang yata.

Piper The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon