Chapter 1
Binuksan ko ang bintana ko at nakatayo lamang na nakatingin sa malawak na glass window na nasa kabilang bahay. Bukas ang kurtina ng glass window ng kwarto ni Zac kaya kitang kita ko siya mula rito na natutulog pa rin.
Sabi niya ay gisingin ko raw siya pero araw araw nalang na ganito.
Maaga akong nagising ngayon para pwede ko pa siyang panoorin habang natutulog. Sanay si Zac na matulog na half-naked lamang habang ako ay kailangan pa nang mahabang kulay pink dress na pantulog.
Mayaman sila Zac at halatang halata ito kapag titignan mo ang bahay nila. Itong tinitirahan namin na bahay ay pagaari rin nila. Mabuting magkaibigan ang parents naming dalawa simula pa nung bata kami pero tatlong taon pa lamang kaming magkaibigan dalawa. For me, Zac is the only friend that I really trust, that's why he's my bestfriend.
Nang mapansin kong mahimbing pa ang tulog nito ay dumiretso nalang ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ang kabinet para kunin ang na plantsa ko nang uniporme kagabi. Nilapag ko iyon sa aking kama at sandaling tinignan kung gising na ba si Zac.
Nang mapansin kong nakahiga parin siya ay pinagpatuloy ko na ang pagsuot ng aking palda. Inalis ko ang tuwalya sa aking buhok habang nakatingin sa salamin. Pinulot ko ang blouse ko at sinuot narin 'yun.
Doon ko na naisipang gisingin na talaga si Zac bago ko suklayin ang buhok at isuot ang stocking ko.
Nang nasa harap na ako ng glass window niya ay tinawag ko na siya.
"Zac...?" Mahinang tawag ko. "Zac..." Tawag ko parin.
Pang apat na beses ko siyang tinawag bago siya nagising.
"Good morning, Piper..." That bedroom voice again. Magulo ang buhok niya at nakangiti siya nang batiin ako.
Pinisil ko ang aking mga daliri para hindi niya mahalata kung anong iniisip ko.
"Good morning..." Mababang boses na bati ko.
Bumaba ang tingin niya sa katawan ko kaya mas lalong diniinan ko ang pagdikit nang mga labi ko sa ginawa niya at pagpisil sa mga daliri ko mula sa likuran.
Pag angat niya ng tingin ay ngumiti siyang muli. "Nagbihis ka na? Sorry kung hindi ako agad nagising." Aniya at bumangon na nga.
Pinigilan ko ang hininga ko. Lagi ko siyang nakikita na ganito ang bihis kaya sanay na ako. Sanay na sanay ngunit nag iba ang lahat ng iyon nang tumungtung na kami ng kolehiyo.
Nang maalala ko ang panaginip ko ay napaiwas na ako ng tingin sa kaniya.
"Maligo ka na. Magaayos na muna ako." Paalam ko at kinuha ang stocking at sinuot na ito.
"Yeah! Hintayin mo ako ah!" Sigaw niya at narinig ko na ang pagmamadali niya papuntang banyo.
Bumalik ang tingin ko sa bintana. Bakit ba kasi kitang kita ko ang buong kwarto niya mula rito...
Malinis ang kwarto ni Zac. Hindi siya makalat na tao at matalino pa talaga ito. He's popular and likes to work out, too. Minsan ay sinasama niya pa ako pag nagwo-work out siya pero tumigil ata 'yun ng dumating ang girlfriend niya.
Yes, he has a girlfriend and they are still together. Mukhang tatagal ata silang dalawa.
Doon nagsimula kung bakit tuwing gabi ay laging nasa panaginip ko si Zac. Hindi niya alam 'yun dahil hindi ko naman sinasabi. Sa totoo lang ay hindi ko masyadong kinukwento ang sarili ko kahit na sino maging sa kay Zac.
I was born shy and soft spoken person. Namana ko iyon kay Mama. I have a two girl friends but they are both an opposite of me. Even my bestfriend, Zac is an opposite of me.
BINABASA MO ANG
Piper The Dreamer
Storie d'amorePiper is a shy girl opposite of her best friend Zac - who is outgoing and popular. They are best friends for almost 4 years. And oddly enough, whenever Piper fall asleep, she would dream about getting kissed by her best friend and it gets worse. W...