Chapter 8
It's been a week. Something happened between us and since then, we haven't seen each other's faces.
Tulala ako sa nakasarang bintana ng kwarto ko. Ilang araw na ring hindi pumapasok si Zac at hindi ko alam kung anong dahilan.
Wala sila Mama at Papa ng ilang araw rin kaya wala akong matanungan. Ayaw ko namang pumunta sa bahay nila sa takot na baka andiyan pala siya.
Kinabukasan ay klase na naman. Sinara ko lahat ang pinto at bintana sa bahay bago dumiretso sa bus na kakahinto pa lamang.
Nang makaakyat ako ay saka ko nakita si Zac na palabas narin ng bahay nila at nasa kotse niya ang tingin. Sumikip ang dibdib ko dahil hindi ko inaasahan iyon.
I really missed him. This time, I really feel like he's avoiding me for real.
Nakaupo na ako at pinanuod lang siya na palapit sa kaniyang kotse. Mukhang papasok siya ngayon. Nang makapasok siya sa kaniyang kotse ay umiwas na ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at napalunok.
If he's eager to avoid me... then do I have a choice? I just need to accept the fact that we are over. Our friendship is over. I should stop bothering him.
Nagpatuloy iyon ng ilang buwan. Hanggang sa natapos narin ang second semester.
Napapanaginipan ko parin naman si Zac ngunit hindi na araw araw. Katunayan ay dalawa o isang beses nalang sa isang linggo. Ngunit paulit ulit ko nga lang naalala ang nangyari kaya pakiramdam ko ay wala paring pinagbago.
Nagtataka rin si Mama kung bakit hindi na kami nagsasama ni Zac at kung bakit hindi na siya bumibisita sa bahay namin. And oddly enough, hindi kinukwestyon ni Papa iyon.
Isang beses ay inimbitahan ni Mama si Zac nang makitang kakauwi palang ni Zac galing eskwelahan. Pakiramdam ko ay hindi nakatanggi si Zac noon kaya wala siyang nagawa kundi pumasok sa bahay.
Gusto kong pagsabihan si Mama noong panahong iyon ngunit natahimik lang ako at walang masabi.
Pumasok silang dalawa ni Mama sa bahay at ako naman ay nagpatuloy sa pagdi-dilig ng mga halaman.
Nang mapagdesisyunan kong pumasok sa loob ay naabutan kong seryosong naguusap silang dalawa. Napansin ko rin ang pakikisali ni Papa at nang makita nila ako ay nag iba agad ang expression nila.
Hanggang ngayon ay tumatatak parin sa isipan ko iyon. Tinanong ko sila Mama at Papa noon ngunit ang sabi ay tungkol sa business lang daw iyon.
"Mag babakasyon ka ba sa Lola mo bukas, hija?" Tanong ni Papa.
"Opo, Papa. Mas busy kayo ngayong buwan kaya kay Lola nalang po muna ako." Sagot ko habang hinihiwa ang pagkain.
Umiling si Papa sa narinig. "Huwag kang magalala, hija. Isasama ka namin ng Mama mo sa susunod na buwan."
Napangiti ako sa narinig. "Really, Papa?"
Mahinang natawa si Mama habang nilalagyan ang pinggan ko. Pinisil niya ang pisngi ko bago magsalita.
"Yes, hija. We'll go shopping or anything you want. Ikaw ang masusunod, okay?" Aning Mama kaya napatango ako na nangingiti.
Nasa probinsya na ako ngayon. Inilabas ko ang canvas ko para puminta dahil maganda ang tanawin rito. Si Lola naman ay pinapanuod ako mula sa veranda.
Maganda ang bahay ni Lola dahil kulay puti ito at puno pa talaga ng makukulay na bulaklak sa tabi. Sa paligid naman ay kulay berde na lahat. Maraming nagliliparamg ibon kaya halos huni nito ang maririnig mo.
BINABASA MO ANG
Piper The Dreamer
RomancePiper is a shy girl opposite of her best friend Zac - who is outgoing and popular. They are best friends for almost 4 years. And oddly enough, whenever Piper fall asleep, she would dream about getting kissed by her best friend and it gets worse. W...