Chapter 7
Without even realizing, Friday was finally over and I barely slept a wink.
Nasa art studio ako ngayon at tinitignan ang apat na natapos kong paintings ngayong araw.
Napabaling ako sa pinto nang makarinig ng katok.
"Hija, you need to eat." Boses ni Mama iyon kaya lumapit ako sa pinto at binuksan ito.
"Ma..." Bungad ko.
"Kanina ka na rito. Nagdala ako ng pagkain kaya kumain ka muna." Aning Mama at ibinigay sa akin ang tray.
"Thank you, Ma." Pasasalamat ko at sinara na ang pinto nang umalis na siya.
Nilapag ko ang tray sa lamesa ko at binalikan ang mga ipininta ko. Binuhat ko ito isa isa at patalikod na nilagay sa mahabang lamesa na nasa may dingding banda.
Bubuhatin ko na sana ang panghuling ipininta ko ngunit napatigil ako at tinignan ito.
His expression and the way he glanced at me coldly yesterday, I remember it vividly. And this is why I did a good job painting him.
Nagsimula na akong kumain pagkatapos kong magligpit. Habang kumakain ako ay nasa bintana ang tingin ko. Mula rito ay kitang kita ko ang lumilipad na mga ibon.
I sometimes think that a bird is somehow more free. But aren't they tired of flying? Isn't it a bit tiring doing the same thing everyday?
Pumangalumbaba ako at pinanuod silang paikot ikot na lumilipad. Habang pinapanuod ko sila ay nabalik na naman sa isipan ko si Zac.
Hindi ako natulog sa kwarto kanina dahil dumiretso ako sa art studio. I slept here for an hour and then when I couldn't sleep again, I decided to entertain myself by painting him. Iyon rin ang dahilan kaya nakatapos ako ng apat na paintings.
Ngayon ang araw ng party at sinabi niya kahapon na sabay kaming dalawa ngunit hindi ko alam kung sasabay ba ako sa kaniya. Lalo na at hindi niya ako kinakausap.
He's avoiding me, so I think... no?
Hindi pa nagiisang araw na hindi ko siya nakita but I really wanna see him right now. Gusto kong pumunta sa kwarto ko pero natatakot akong makita na nakasara na pala ang kurtina niya.
Ipinatong ko ang ulo sa lamesa at pumikit. I want to see him. Atleast in my dream, I want to see his face.
Nagising akong may luha sa mata. It was the same dream but a bit different. A bit different because I really cried when he kissed me in that dream. It was like I couldn't control my emotion.
Tumayo na ako at humarap sa malaking salamin para itali ang buhok ko. Pagkatapos noon ay dinala ko na ang tray at bumaba na patungong kusina. Naabutan kong naglalambingan sila Mama at Papa.
While looking at them, I sometimes feel jealous but at the same time, I don't.
"Hija," Tumayo si Mama nang makita ako at ngumiti ito nang malawak. "Come here, come here." Kinuha niya ang tray na nasa kamay ko at nilapag sa lamesa.
Napansin ko rin ang pagngiti ni Papa at naiiling sa asal ni Mama.
"Ano pong meron, Ma?" Nagtataka kong tanong.
Hinila niya ako palapit sa kabilang sofa at tuwang tuwa na ipinakita ang malaking pulang box.
"I bought you a new gown!"
Nabalik ang tingin ko sa kaniya.
"But I already have—"
"No, no! Binilhan kita ng bago para magkapareho kayo ni Zac. Buksan mo, hija."
BINABASA MO ANG
Piper The Dreamer
RomancePiper is a shy girl opposite of her best friend Zac - who is outgoing and popular. They are best friends for almost 4 years. And oddly enough, whenever Piper fall asleep, she would dream about getting kissed by her best friend and it gets worse. W...