Chapter 10

1.8K 76 32
                                    

Chapter 10

And that's when we decided to stop seeing each other for a while.

Napaikot ako sa higaan.

Ah, wrong... Though in reality, we didn't plan it.

Ganoon nalang ang tingin ko roon dahil hindi siya nagpakita sa akin ng isang linggo. At sa susunod na araw naman ay ako na ang umiiwas sa kaniya.

Pagkatapos kong magisip isip, napagdesisyunan ko nang tawagan sila Arriela at Feya para aminin sa kanila ang nangyari.

Ngunit may isang bagay na hindi ko maintindihan sa sinabi ni Zac nung huling usap namin tungkol sa halik. Hindi ko alam kung saang parte ang totoo at panaginip roon.

Nakinig lang sila Arriela at Feya sa kwento ko. Hindi ko nga inasahan na magiging tahimik lang si Arriela. Kung si Feya ay maiintindihan ko pa.

"Did he reject you?" Feya asked first, breaking the silence.

"Y-Yeah..." I whispered while playing with my slippers.

I heard them gasp.

"Really? Sinabi niya bang hindi ka niya gusto?! That he's unable to reciprocate your feelings? He said that?! Why? Anong mali sa'yo?!"

Nagulat ako sa sinabi ni Arriela kaya paulit ulit na napailing ako.

"H-Huh... No. No! He didn't, Arriela. It was... Um..."

I don't know how to explain. Basta ba at naramdaman ko nalang at nakita ko sa ekspresyon niya na hindi niya ako nakikita sa ganoong paraan.

She muttered a cuss. I could imagine her rolling her eyes.

"Are you just plain stupid? So, does this mean you didn't confess again when you were sober? At hindi rin nanggaling sa bibig niya na hindi ka niya gusto? What?! You didn't properly say you liked him! Pinangungunahan mo siya! Of course, magugulat siya! Lalo na at lasing ka tapos bigla bigla mong sasabihin na gusto mo siya. Malilito 'yung tao sa'yo!"

Narinig ko ang hampas mula sa kabilang linya. Mukhang pinagalitan ni Feya.Naging tahimik kaming tatlo.

A few minutes later, I heard a sigh on the other line.

"And you said, he questioned your feelings, right? Maybe, he didn't mean to be rude." It was Feya. "I guess, hindi talaga ganoon ang pinapahiwatig niya. Gusto niya lang makasigurado kung totoo nga talaga ang nararamdaman mo. Katulad ng sakit na nararamdaman mo, nakakaramdam rin siya ng ganoon, Piper." aniya na hindi ko maintindihan.

"You are best friends. Nakakatakot kapag nagkagustuhan ang matagal na magkaibigan. Alam kong alam mo 'yan. Kaya sana pag usapan niyong mabuti bago lumala. At alam ko ring nasa sa'yo ang desisyon, Piper. We are telling you this because we don't want you to regret and suffer without trying your best."

Natulala ako habang pinakikinggan ang payo ni Feya.

"And if you want someone talk to, we are here for you. You can cry and cry, and after that, let's have fun, Piper." Mababang boses na dagdag niya.

Inabutan ako ng isang buwan dito sa probinsya. Hindi parin nawawala ang panaginip ko tungkol kay Zac pero tuwing magigising ako ay umaakto nalang akong wala lang iyon.

Piper The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon