Chapter 11

2.1K 77 31
                                    

Chapter 11

It's really obvious that we are not the way how we used to be now.

Hindi na namin pinagusapang muli 'yon. We suddenly became friends again like nothing happened between us.

I was happy but at the same time sad because I didn't properly confess to him. As if my feelings weren't serious so we shouldn't give an attention to it.

Crap. I must not think like this. What am I? A kid?

Hindi katulad ng dati, gabi gabing pumupunta si Zac sa bahay namin. Halos naparami rin ang pagtulog niya dito sa kwarto ko. Lalo na at palaging may business trip ang parents naming dalawa.

Nasa higaan ko siya ngayon habang ako ay tinutupi ang mga damit na nilabhan ko kahapon. Ramdam na ramdam ko ang mga mata ni Zac sa likuran ko.

He's watching my every moves and it's a bit... uncomfortable.

Kahit na balik baliktarin ang mundo. My feelings for him won't change. Lalo na at wala naman akong pinapansing ibang lalaki kaya siya lang lagi ang laman ng isipan ko.

"Sa labas tayo kakain mamaya?" Mahinang tanong ko dahil hindi siya nagsasalita.

Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot. Natigilan ako nang makitang nakatitig siya sa akin habang patigilid na nakahiga.

Nagtagal ang titigan naming dalawa. Nag iwas agad ako ng tingin nang mapansin iyon.

I cleared my throat.

For some reason, he's acting really weird. It's like he want to say something pero kapag magtatanong naman ako ay hindi niya sinasabi.

Sa labas kami kumain. Ang kapatid niya naman ay hindi umuuwi dahil sa kaibigan niya natutulog.

Kinabukasan sa school ay sinabihan ako ni Zac na hindi kami makakasabay sa pag uwi. Tinanguan ko lang siya at sinabing walang problema roon.

"Wow ha! Hindi talaga ako kumportable na umaakto kayong normal lang ang lahat." Masungit na sabi ni Arriela habang nakaupo sa kaniyang lamesa.

Nasa labas halos lahat dahil P.E. class namin ngayon. Classmate ko si Zac sa subject na 'to kaya nasa field siya ngayon. Kaming tatlo naman nila Feya at Arriela ay inutusan ng teacher na i-check ang mga test paper namin.

Actually, nagvolunteer lang si Arriela at isinama kaming dalawa. Pumayag naman ang Prof.

Nasa labas ng bintana ang tingin ko. Hinampas naman ako ni Arriela dahil hindi na naman niya nagustuhan ito.

"Seriously, do you think this is okay?"

"Arriela, just drop it. Mas gugulo ang isipan ni Piper kaya..." sita ni Feya kay Arriela.

"I'm just worried, okay?! Goodness gracious! Ipakilala nalang nga kita sa kaibigan ko!" sigaw ni Arriela at bumaba pa sa lamesa na ikinagulat ko.

"Are you crazy? Baka masamang tao pa maipakilala mo kay Piper!" galit na sabi ni Feya na ikinagulat ko rin.

Um... Are they going to fight again?

"Hindi ka ba naaawa sa kaibigan natin? Halatang hindi maka move on kay Zac! Hindi porke't... gwapo at gwapo at gwapo 'yang best friend niya ay hahayaan na nating isawalang bahala ang nararamdaman niya! Who cares about a handsome guy if he can't even reciprocate your feelings!"

"What the fuck are you saying?" Malutong na mura ni Feya. "Stop minding her business. Hayaan mo muna siya. May isip naman 'tong si Piper kaya sa tingin mo hahayaan niya lang na ibasura ni Zac ang nararamdaman niya?"

Piper The DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon