StrongPabagsak kong sinara ang pintuan ng kotse ni Frena. Ang aga aga ang init ng ulo ko! Paano ba naman kasi kanina nasa isang convenient store kami may isang lalaking bumunggo sa akin at ang masama natapunan pa ako ng dala-dala niyang kape! Imagine... napakainit non!
"Dahan dahan. Baka gusto mo sapakin kita pag nasira mo yan?" seryosong sabi ni Frena ng makalabas ito mula sa driver seat.
"Who cares? You're rich." inirapan ko ito bago padabog na naglakad papunta sa loob ng school. Inis kong pinapagpagan ang natapunan sa jeans ko. Nakakainis.
"Tumigil ka nga sa pagkabusangot mo. Hindi matatanggal 'yan sa pagpag." nandidiri niya akong tiningnan na para bang binuhusan ako ng putik habang ako, si tanga, pilit inaalis sa pamamagitan ng pagpag. Sa sobrang inis nito ay nagpauna na ito sa paglalakad, iniwan ako.
Sanay na ako. Frena is always like that at the first place. Siya itong mas nagagalit kahit na ako naman ang biktima. I asked her one day about that and her only answer was, "Ang tanga tanga mo kase."
Pag magkasama kaming dalawa ay para kaming aso't pusa kung magkaaway pero pag nagkasundo na sa isang bagay ay nagiiba na ang aming anyo. Pagdating sa mga ganitong bagay, makikita mo na mukhang mas matanda si Frena sa akin kung titignan dahil sa pagiging matured niya pero kung tutuusin, magka-edad lang kami.
"Zee, para sa'yo." may isang payat at mestizang lalaki ang humarang sa akin. Iniangat ko ang aking ulo para mas maaninag ko pa ang kaniyang mukha. May hawak-hawak itong sunflower at tsokoleyt inaabot sa akin.
Taas noo ko naman itong tinanggap at nagpasalamat. After that, habang papasok ako sa aming school isa-isa na ang nag-aabot sa akin. Ang iba ay hindi ko namakuha dahil sa dami kong dala. I end up putting them in our locker room. Pero may hinahanap ang aking mga mata na hindi niya makita roon.
"Zeakariette, lunch naman tayo? My treat." ani ng isang sumusunod sa akin.
"Tara! Arcade tayo.." isa pa.
"Sama ka sa akin, Zee. Dadalhin kita sa langit!"
Sa sobrang daming taong umaaligid sa akin ay inis kong hinawi ang aking buhok at inipit 'yon sa likod ng aking tenga. Tumikhim ako at binigyan sila ng isang matamis na ngiti.
"Sorry boys.. May gagawin kasi kami ni Frena mamaya eh. Magrereview kami." I reasoned out sweetly before turning my back at them. Sa totoo lang wala naman talaga kaming gagawin ni Frena mamaya. Ayoko lang maulit 'yog pagbubuga ng apoy ni Frena sa akin noon at ayoko sa lahat ng pinipilit ako. At alam kong alam naman nila 'yon kaya nanlulumo itong nagsilakad papalayo.
Isang tikhim ang narinig ko sa aking kanan. Nilingon ko 'yon at nakita ang hinahanap ng aking mga mata kanina pa. Nagsimula ng magkumpulan ang mga tao sa paligid. Tamang tama at nasa gitna pa kami ng hallway. Parang nasa palabas lang.
With his long hair covering half of his face same with his big eyeglasses. Nahihiya itong inabot sa akin ang malaking bouquet na puro tulips. Kakaiba talaga ang isang 'to. Dito niya ba pinaggagastos lahat ng allowance niya na dapat ay para sa kaniya? Kaya ganiyan nalang ang itsura niya?
Kinuha ko ito. At pumusturang parang nandidiri kahit na sa aking kalooban ay natuwa dahil sa mga tulips na 'yon. I love tulips, you know..
"U-Uhm, sabi sa b-balita kanina may m-meteor shower daw mamayang g-gabi. G-Gusto mo ba sumama sa a-akin?" nauutal nitong sambit habang nakayuko.
Tumaas ang gilid ng aking labi. Namamangha sa kaniyang mga sinabi despite all the people who are watching us right now. Is he really that desperate? Ang alam ko ang mga nerd ay walang ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral pero ang isang 'to. Unbelievable kaya hindi pwedeng magkagusto ako sa kaniya. Napaparanoid lang ako dahil nachachallenge ako.
"Lumayas ka. Ayoko sa tulad mo. Maligo ka muna ron bago ka lumandi." I said, mockingly.
Tumawa ang mga taong nasa paligid. Natawa na rin ako doon pero parang may konting kumurot sa aking puso ng makita itong bagsak ang balikat na naglalakad palabas sa mataong lugar na 'yon.
Pagkatapos ng eksenang iyon ay lumakad na ako papasok sa room namin. Naabutan ko na magulo ito at may mga nagsisigawan pero ng makita ako ay bigla itong tumahimik at sinundan ako ng tingin hanggang sa maka-upo ako. Mapalalake o babae walang palya kung titigan ako. Pero hindi makakatakas sa akin ang mga titig ng ibang babae na parang gusto na akong putulan ng ulo. Psh.
"Pinahiya mo na naman ba 'yong almost crush mo?" biglaang tanong ni Frena na nakapagpalaki ng aking mga mata. Agad kong tinakpan ang bibig nito at galit na pinaghahampas ang aking kamay na nakatakip dito. Luminga linga pa ako sa bawat sulok ng classroom kung may nakarinig at nabunutajn ng tinik ng malaman na wala.
Tinanggal ko ang kamay sa bibig nito.
I glared at her.
"Minsan hindi ako natutuwa d'yan sa bibig mo, Frena. Masyadong prangka." galit kong sambit dito. Nakakatuwa ba 'yon? Eh kung may makarinig? Edi pagchichismisan na ako ng mga tao rito dahil 'yon lang naman ang alam nila para mapabagsak ako.
"Tss. Sinasabi ko sa'yo, Zeakariette. Ikaw at ikaw rin ang mag-sisisi sa huli dahil sa pinaggagagawa mo. Bahala ka d'yan." inis nitong sabi at pagkatapos ay tinaklob ang librong binabasa kanina sa kaniyang mukha. Ganiyan ang ginagawa niya pag-ayaw na niya ng kausap.
Sinimangutan ko ito. Bakit naman ako magsisisi? Wala naman ako pake don at the first place. Nach-challenge nga lang siguro ako at nanibago dahil sa katangian niya. Kaya bakit ako mag-aalala diba? Ang dapat ko lang isipin ay kung paano ko pananatilihin ang magandang imahe ko sa school na ito. Dahil alam ko, once na bumagsak ako ay hindi ko 'yon matatanggap lalo na kung ang dahilan ay ang pagkababa ng standards ko sa isang lalake. I am not a cheap woman. I have high standards in dating a boy.
Sa buong buhay ko nabuhay akong nasa akin ang atensyon ng lahat. Bukod sa nakakalingon ang kagandahan ko ay may matapang din akong personalidad. Tinuruan ako maging matapang sa kahit na anong bagay ng aking mga magulang. Dahil sa raw sa panahon ngayon kung ikaw bilang isang tao ay palamya-lamya hindi ka makakasurvive sa buhay mo. That is what my parents taught me. You need to be strong everyday.
-----------------------------------------
A/N: Hi guys! Let me know what you think about this chapter. Can you predict what will happen next?
YOU ARE READING
His Dark Side
Romance2nd of Vengeance Series Synopsis: Isang sikat na campus bell si Zeakariette P. Vargas o kilala bilang si Zee sa isang kilalang paaralan ng mga mayayaman at matatalino, ang Reed International School. Sa pagiging campus bell niya ay marami siyang nag...