Chapter 2

8 1 0
                                    


Effort 

"Teka lang." pigil ko kay Frena. Naglalakad kami ngayon papasok ngayon ng aming room pero nakita ko 'yong lawit sa bag niya. Tinanggal ko ito at inangat para makita niya kung ano man 'yong hinugot ko sa kaniyang bag.

"Ano meron?" pagsasawalang pake niya sa kinuha ko sa bag niya. Isang letter na may kulay pulang ribbon. 

"Hello? Hindi ba dapat natutuwa ka kasi may admirer ka na rin?" sabi ko sabay wagayway ng letter sa harap ng mukha niya. 

"Tss. Death threats 'yan." sabi nito at tinabig ang kamay ko. Naiwan naman akong nakanganga habang siya naman naglakad na papasok sa room. 

Parang noong isang araw nakita ko na nakalip tint siya ngayon naman may letter na sa bag niya? Wow ha.. luma-love life.

Nangingiti akong pumasok sa room namin. Antok na antok ako buong hapon. Kung hindi lang siguro strikto ang mga instructor namin tinulugan ko na 'to. Wala man lang pampagana sa pagtuturo. Dapat magisip naman sila na makakapagpasaya sa amin para hindi maboring 'yung mga tinuturuan nila. 

Madali akong maboring sa isang bagay na lalo na kung steady lang ito. Gusto ko palaging nach-challenge ako o kaya naman ay may panibago akong nalalaman sa pamamagitan ng masayang paraan that will not make me bored.

Bumukas ang pintuan ng aming room at iniluwa non ang aming homeroom adviser. Seryoso itong naglalakad nang may awtoridad. Tumahimik ang buong klase.

Tumikhim si Mr. Klaus, "May announcement ang red para sa darating na culminating activity natin sa pebrero." 

Naintriga naman ang buong klase. Napuno ito ng mga bulungan. Nilingon ko si Frena at nakita kong walang ekspresyon itong nakatitig sa harap. Siniko ko ito. 

Kita ko sa peripheral vision ko na tamad ako nitong nilingon at tinaasan ng kilay.

Nagkunwari naman akong walang alam. Binalingan ko ito at ginaya ang ekspresyon niya. Tinarayan ako nito at ibinalik ang tingin sa harap.

"Magkakaroon tayo ng isang pageant kada-strand. At alam ko naman na iisa lang ang pipiliin niyo." tumingin sa akin si Sir kasabay nito ang pagtingin ng aking mga kaklase. Tinaasan ko ito ng kilay. As usual, pag dating sa mga ganito ay ako ang isasabak nila at wala na naman maglalakas ng loob na sumaling iba. 

"Sorry sir, pero parang unfair naman po sa mga gustong sumali. Kung ako nanaman po ang isasali ninyo." sabi ko rito na may kaonting hiya at puno ng confidence.

"May sasali na sa STEM, iyong transferee. At sa GAS at HUMSS naman ay iyong dati pa rin." paliwanag ni Sir Klaus.

Oh, may transferee na sasali? Hindi ba ito mahihirapang mag-adjust? Ah baka naman siguro wala pa siyang alam na malaki ang tsansang matalo ito.

I shrugged. Sanay na ako.

Pag katapos ng announcement na ginawa ni Sir Klaus ay pinauwi na kami. Isang linggo nalang at gaganapin na ang culminating activities. Si Frena na member ng dance club dito sa school ay magsisimula na raw sila magpractice bukas para sa intermission nila. Maiiwan na naman akong mag-isa parati. I don't have any friends kundi si Frena lang. Wala lang. Ayoko kasi ng paplastic-in lang ako. Like duh? Bakit ba naman kasi makikipagkaibigan ka tas papalastic-in o ibaback stab mo lang. Tamang saksakan lang pag nakatalikod. Hindi mo alam napakaganda ng turingan niyo sa isa't isa pero pag nakatalikod kana binabagsak ka na pala. 

Kung may makikipag-kaibigan man sa akin ay tamang pagkakaibigan lang. Like, you know each other. That is fine. Ayoko ng may attachment. Sa buong buhay ko bata pa lang ako na si Frena ay sapat na sa akin bilang kaibigan dahil all around siya. Char. I love my bestfriend. Kahit napaka-prangka niya.

Lumabas ako ng room at nakita kong may isang lalaking pamilyar ang naghihintay sa gilid ng pinto. Nakayuko ito at may dalang kulay asul na mga tulips. Nang makita ako ay iniabot ito sa akin at nagmamadaling tumalikod at tumakbo. Tss, childish.

Inamoy ko ang tulips na 'yon. Siya lang talaga ang nakakaalam ng mga gusto ko at hindi ko alam paano niya nahulaan ang lahat ng 'yon. Ni minsan hindi niya naisipang bigyan ako ng mga tsokolate katulad ng iba na gabundok ang ibinibigay sa akin. Puro tulips lang at ang mas nakakamangha pa, rare colors ang ibinibigay sa akin. It seems like he got it abroad dahil wala namang pwedeng pagkuhanan sa Pilipinas ang ganung klaseng mga tulips. Meron pero sobrang bihira.

"Nice. Effort kung effort." si Frena sa aking gilid habang walang ganang inusisa ang hawak kong bulaklak. 

"You think galing pa itong ibang-ibansa?" tanong ko pero ang buong atensyon ko ay nasa bulaklak. Ang ganda tignan ng mga iyon. Nakakakalma. 

"Indubitably." pataray na sagot niya sa akin bago ako iwanan na namang mag-isa. Ang babaeng 'to walang ginawa kundi ang iwanan ako. 

Wala akong nagawa kundi bitbitin ang mga tulips na 'yon pauwi dahil wala na akong time pumunta pa ng locker room. Kanina pa kasi ako pinagmamadali ni Frena eh hindi naman ako makareklamo dahil nakikisakay lang ako sa kniya ngayon sa kadahilanan na tamad akong mag-drive.

Pagkarating sa bahay ay naintriga naman ako sa mga tulips na naiiuwi ko kaya naisipan kong magsearch about dito. I turned on my laptop and typed: Blue Tulips.

I browsed some of the article about the blue tulips. Nakita ko na isa itong rare o bihira lang ang kulay ng bulaklak na ito. The blue tulips or what they call Deep violet tulips was like a customize flower. To create such things of this they should dye the white tulips with some colors to achieve the right color. 

Hindi ko alam na marami pala ang proseso bago ito magawa ng tuluyan. I thought they will just going to plant it to the soil and after months they will harvest it like what they do to other flowers pero ang isang ito ay marami pang gagawin pagkatapos i-harvest.

Wow, Frena was right. This is too much effort. 

Broul Verleigh Hemsworth is indeed desperate. I laughed at the idea of that. 


His Dark SideWhere stories live. Discover now