Life"Right now, here in the stage, we will announce our Miss Reed International or our Campus Bell. Who will it be?"
The emcee, who is standing in the middle of the stage while us, the contestants were standing behind him for the announcing of winner.
I am all in smile, waving and confidently standing. Not minding the other contestants, that I assume they are getting nervous right now. Dahil na rin siguro sa kasanayan ko ay parang balewala na sa akin ito. At alam ko naman na sa dulo ay alam na natin kung sino ang panalo.
Kita ko ang mga mata ni Frena na nakatuon sa akin. Lumapad ang ngiti ko. My supportive best friend at any cost.
I can hear the people screaming at my name. They all know.
"Drum roll, please..." the emcee commanded.
The audience laughed, and so am I.
"Lets give it up for..." he added.
I smiled and getting ready for the final walk.
"Our new Miss Campus Bell! From STEM representative, Tiffany A. Salazar! Congratulations! You can now take your first walk as Miss Reed International or shall we say, our new Campus Bell!"
Parang tumigil ang mundo ko. What the hell?!
Padabog akong umalis ng paalisin kami ng mga staff roon pra makalakad na ang nanalo.
I saw Frena waiting for me when I reached the bottom of the stairs.
"I can't fucking believe it! What the hell?!" bungad ko rito habang tuloy tuloy ang paglalakad ko patungo sa dressing room para makapagpalit na dahil nagiinit na 'ko.
"She deserves it. Magaling siya." sabi nito habang sinusundan ako.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Naniningkit ang mata, tinanong ko siya.
"Really? Which side are you?" nagawa ko pang humalukipkip sa kaniyang harapan.
Ginaya niya rin ako kasabay nang pagsingkit nito ng mga mata.
"This time. Wala. Where's your sportsmanship? Hindi porket consistent ang pagkapanalo mo for how many years ay wala nang makakatalo sa'yo? Ngayong may katapat ka na. Ano sa tingin mo? Hindi ba dapat you'd be greatful dahil ngayon malalaman mo na na may kahinaan ka pala and to improve it for future purposes? Huwag kang mag-inarte d'yan dahil talo ka. It's not you. The Zee, I know is not just a competitive person but a fighter, too."
Bumuntong hininga ako kasabay nito ang pagharang ng isang lalaki sa aking harapan ng umamba akong ipagpatuloy ko ang lakad ko kanina.
Nanlulumong tinignan ko ito. It is him.
Nag-iwas ito ng tingin sa akin. Nakakamangha pa rin ang itsura nito hanggang ngayon. Kaya naman halos lahat ng tao roon ay tinititigan siya at 'yung iba naman ay tumitili.
Nakaawang ang bibig ko. Magsasalita na sana nang umalis ito iniwan akong nasa ere. I thought... kakausapin niya ako..?
He has this very manly face yet his personality is like that?
Umirap na lang ako sa ere. At nagpatuloy sa paglalakad.
Akala niya kung sino siya. Hindi porket nagayos lang siya ng buhok, kinagwapo niya na. Duh. He still doesn't reach my standards.
"Masyado ka. Alam mo 'yon?" si Frena habang nakahalukipkip na naghihintay sa akin. Tapos na akong magbihis ngayon. At uuwi na kami maya-maya pero ang isang 'to nagaya pang kumain dahil gutom na raw siya.
"Ano na naman?" sabi ko nang hindi siya tinitignan. Pinagsama sama ko ang mga make up kits at pang hairdo ko kasama ang mga damit ko sa isang maleta. My make up artist always using my own cosmetics and tools because I have sensitive skin.
"Hindi mo ba alam nagmukha kang tanga kanina?" kahit kailan ang babaeng ito hindi marunong magisip kung nakakasakit ba 'yung mga sinasabi niya. Ang prangka masyado.
"Saan?" maldita kong sagot. I faced her. Nakaupo ito ngayon sa isa sa mga sofa roon habang naghihintay sa akin. Tumayo ito ng mapagtantong tapos na ako.
"Wala." tanging sagot nito. Kununot naman ang noo ko.
Inayos ko ang puting bestida na suot ko. Itinali ko ang buhok kong naninigas sa hairspray kanina. I pony-tailed it.
Sinundan ko si Frena na ngayon ay nangunguna sa paglalakad. Kanina pa siya nagrereklamo na gutom na kaya naman naintindihan ko.
She clicked something on the remote she's holding that make her car to open.
Tahimik akong pumasok roon. At siya rin.
Life is full of choices. Pagkasilang palang natin sa mundong ibabaw ay hindi pawang pipili ka lang sa nakahain na mga pagkain sa harap mo bagkus kailangan mo pumili sa mga nakahain kung ano ang pinakamasarap sa lahat. Na siyang magiging bunga sa hinaharap mo. I chose to be strong when I was a child back then. Palaging nag-aaway ang mga magulang ko at hindi ko alam kung saan ako lulugar. Naging independent ako sa murang edad pa lamang. Kaya naman ngayon kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa at kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko. But sometimes, I fail. Walang masama roon. Kung nalagpasan ko ang mga problema ko dati ay tiyak na malalagpasan ko rin iyon ngayon. 'Yun ang palagi kong iniisip sa tuwing nagkakamali ako. Hindi likas sa akin ang i-down ang sarili ko. Dahil mataas ang expectation ko pag dating sa aking sarili.
YOU ARE READING
His Dark Side
Romance2nd of Vengeance Series Synopsis: Isang sikat na campus bell si Zeakariette P. Vargas o kilala bilang si Zee sa isang kilalang paaralan ng mga mayayaman at matatalino, ang Reed International School. Sa pagiging campus bell niya ay marami siyang nag...