Chapter 3

7 1 0
                                    


Settle

Ngayon na ang simula para sa pageensayo namin sa pageant. Nasa lobby ako ngayon ng aming school at hinihintay si Frena. She told me that she forgot something upstairs. Kaya naman hinihintay ko siya ngayon dito.

"Grabe ang ganda ni Tiffany ano? Mukhang anghel!"

"Oo nga eh. Tingin mo ba matatalo niya ang campus bell natin? Si Zeakariette.."

Inangat ko ang aking tingin mula sa binabasa kong magazine. Nakita ko ang isang grupo na mga babae na naglalakad ngayon sa aking harapan. Hindi ba nila ako nakikita rito? Lakas ng loob pag-usapan ako.

Pasimple kong tinakip ang magazine sa kalahati ng mukha ko. Mula sa ilong pababa para hindi nila ako mapansin at makausyosyo pa ako. Bukod sa akin, pinaguusapan ba nila ay 'yong transferee?

"Sa tingin ko.. pero you know naman that Zeakariette masasaktan ang pride niya kapag natalo siya ng isang tranferee." tumawa ng malakas ang isang babaeng may makapal na make-up. Natanguan naman ang ibang mga kasama nito. Ang kakapal ng mukha ng mga 'to pag-usapan ako na walang permiso?! Sing kapal ng mukha niya make-up niya.

Pabagsak kong binaba ang magazine na ginawa kong pantakip at gulat na napatingin sa akin ang mga babaeng walang hiyang pinaguusapan ako.

"Z-Zee..," sabi nito.

Inirapan ko ito at lumayas na sa inuupuan kong sofa bago ko pa mabugahan ng apoy ang mga ito 'tsaka sinalubong si Frena na kakalabas lang ng elevator. Reed International Schol is like a hotel. Kaya pag pasok mo palang sa eskwelahan na 'to aakalain mo na nasa isnag five star hotel ka dahil sa mga kumikinang na kisame at magagarang mga disensyo nito.

"Ano na naman ginawa sa'yo ng mundo at nakabusangot ka r'yan?" si Frena nang makita ako.

"Nakita mo na ba 'yung babaeng transferee?" tanong ko rito.

Nakakunot na binalingan ako habang hindi tumitigil sa paglakad habang ako naman ay sinusundan lang siya. Sasamahan niya raw kasi ako sa pag-eensayo ngayon dahil wala naman daw siyang gagawin.

"Hindi pa. Makikita ko lang mamaya sa practice niyo. Bakit?" tanong nito.

Sinimangutan ko ito. "Kaya ba sasama ka sa akin ngayon kasi gusto mo siyang makita? Ipagpapalit mo na ba ako?"

"My God, Zee. Grow up. Malamang makikita ko siya kasi kasali siya sa pageant right?" Inirapan ako nito bago nagpauna na sa paglalakad. Ang hilig mangiwan ng babaeng 'to. Paano nalang pag nagka-boyfriend 'yan tiyak na palaging naiiwan 'yung kawawa niyang jowa dahil sa kaniya.

With poise and proper posture, I entered the theater room here in our school where the practice are going to be held. Maraming tumawag at bumati sa akin habang nginingitian ko nalang ang mga ito.

"Iha.. walang palya ang kagandahan mo talaga! Kaya hindi ka nawawalan ng mga admirer mo eh." ani Mrs. Aguila habang hinahaplos ang akin buhok. Matagal ko ng guro si Mrs. Aguila simula pa noong elementarya ko at alam ko kung paano siya humahanga sa akin pag nananalo ako sa mga pageant tulad nito.

Nahihiya akong tumawa. "Hindi naman po.. Gusto lang naman po ata nila makipagkaibigan."

Pagkatapos ng usapan namin ni Mrs. Aguila ay tinawag na ako ng isa sa mga organizer para sa aming culminating activity. Nagsimula na kami sa pageensayo ng may isang dumating sa loob na isang babae. Pinagtitinginan ito dahil nagmamadaling pumunta sa backstage na may mga butil ng pawis sa buong mukha. Ew, gross.

"Miss, pasensya na po may pinasa lang po kasi ako para sa subject namin. Pasensya na po." sabi nito habang hinihingal pa. God, can she just paused and rest for a bit? Nagmumukha siyang aso sa paghingal niya. Don't get me wrong pero totoo naman.

"Ah, ikaw ba si Tiffany Boromeo? Halika na." sabi ng aming facilitator.

Tiffany? I think i've heard it before. Ah, those girld, yeah. She might be the one who transferred in the middle of the term.

She looks like a mess right now with those loose messy hair, loose t-shirt and pants. She looks like an innocent child who focus only in studying.

Sinundan ko ito ng aking mga tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Nakita ko si Frena na naglalakad papalapit sa akin. Nakatitig siya sa akin kaya akala ko ay titigil ito sa harap ko pero dere-deretso lang ito ng hindi pinuputol ang titig sa akin parang tinatantya ang reaksyon ko.

Susundan ko sana ito nang may pumigil sa aking braso. Tinignan ko ang kamay na 'yon paangat sa taong nagmamay-ari non. Verleigh?

Gulat akong napatitig dito. As usual, natatakpan ng mahahaba niyang buhok ang mukha nito at ang malaking salamin nito. Kunot noo kong inalis ang nanlalamig at nanginginig nitong kamay.

Kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang mga nakikiusyosyong mga chismoso't chismosa sa gilid.

"Z-Zeakariette.. L-Lunch tayo?" he stuttered while his head was down.

I still don't get it. May lakas siya ng loob lumapit at kausapin ako pero wala siyang lakas ng loob iharap sa akin ang mukha niya. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang mapanuring mga tingin. Nababasa ko ang mga nasa isip nila, alam nilang tatanggihan ko ito dahil wala sa standards ko ang isang tulad ni Verleigh. Alam nila na isang lalaking matapang at handa parating lumaban ang mga tipo ko. Ang mga mapanuring tingin nila kay Verleigh ay parang isa itong tae na naghahangad na maging malinis.

Standing straight and with a poise I said, "Know where you belong. Isipin mo hindi ka bagay sa katulad ko."

Rinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid na parang ginagatungan pa ito. I hushed them. He should thank me. Why? Dahil pagkatapos nito ay hindi na siya mapapahiya pa. Hindi ko kayang isakripisyo ang tingin ng mga tao sa akin ngayon. I don't want them to see me like a cheap girl. I am Zeakariette Belle Vargas, anak ng nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya sa buong bansa. I don't settle for less. We girls should not take any offer that is less than what we truly deserve.

——————————————————

A/N: Naiinis kayo? Ako rin eh HAHAHA. Btw, sorry for late update guys. Super busy sa school and now ko lang siya naisingit, Thank youuu! Hope you enjoyed this chapter..

His Dark SideWhere stories live. Discover now