Chapter 4

7 2 0
                                    


Familiar

Ngayon na ang huling araw ng page-ensayo namin ngayon. Nakabusangot ang mukha ko nang makita ko si Tiffany na kausap ang mga lalakeng nakapaligid dito. Her angelic smile was all out habang ang mga lalaking nasa paligid nito ay halos tabunan na siya. Pinaningkitan ko ito ng mata. 

Inis akong humakbang palapit sa pwesto nito. I fixed my expression. From grumpy to being expressionless. Tumigil naman ang mga usapan nito at binalingan ako nang mapansin ang presensya ko roon.

"Tiffany Boromeo, isn't it? Magp-practice na ulit." saad ko rito. She smiled sweetly and nodded. Nauna na akong naglakad pabalik sa backstage. Pinatawag kasi sa akin ang Tiffany na ito dahil bigla nalang nawala kanina at ayon na nga nakita kong nakikipaglandian sa mga lalake. I thought she's innocent nagkamali ako. May kulo rin sa loob.

"Last na ba ang practice natin ngayon?" hindi ko napansin na naabutan  niya na ako sa paglalakad.

Ayan. Puro ka kasi sa lalaki ang atensyon mo wala kang ka-alam alam. I badly want to say this to her but I want to keep my cool and chill image.

"Oo," ang tanging nasagot ko. Hindi ko man lang siya naisipang lingunin non. Para san pa? 

"Zee, can you come with me later?" si James, ang MVP ng basketball sa amin. Kita ko ang pagkawala ng ngiti ni Tiffany habang titig na titig sa nasa harapan namin ngayon. Katulad ko ay napatigil din siya sa paglalakad.

"For what, James?" tanong ko rito. James has this kind of attitude na mahangin at palaging confident sa sarili. His messy brown hair matched his hazelnut eyes. Maputi at may dimple sa may kanang bahagi ng pisngi. 

"I know you love ice cream. Maybe I can treat you?" nagpintig naman ang tenga ko roon. Hindi ko alam paano niya nalaman 'yon. 

"Alright!" ngiti kong sabi. Nang dahil sa pageant na ito ay ilang linggo akong nagtiis hindi kumain ng ice cream. Sugar can make you fat. 'Yun palagi ang iniisip ko dahil tamad ako maggym.

"Ah, eh? Hindi ba meron tayong practice, Zee?" si Tiffany. Akala ko ay umalis na itong babaitang ito. When I turned to her she looked paled. May namumuo ring mga pawis sa kaniyang noo. Malamig naman dito sa theater ah? 

"Duh? Why do you care? Atsaka s'yempre pagtapos mamaya." Inirapan ko ito dahil sa nakakainis nitong nakakaawang pagmumukha. I do not know what's into me pero kumukulo nalang ang dugo ko pag nakikita siya kahit wala naman siyang ginagawang masama. 

"Salamat, Zee!" ngiting tagumpay ang huli kong nakita sa mukha ni James bago ko tinalikuran ang mga taong naroroon. 

Nang makarating ako sa backstage ay pumila na ako dahil magsisimula na ang aming ensayo. I even caught Tiffany's depressed face. Pero pinag-sawalang bahala ko 'yun.

The practice went well. Nahusayan ang mga staff dahil naaayon lahat ang mga nangyayari sa plano niya. Palagi kong tinitignan si Tiffany sa kadahilan na iba ang pagkatao niya pag nasa backstage ito at pag nasa stage mismo. May dating, oo. Pero alam kong hindi niya mapapantayan ang tulad kong bihasa. Hindi sa pagmamayabang pero totoo naman, diba?

Maraming pumuri pagbaba namin ng stage. Nadaanan ng mga mata ko ang katawan ni Verleigh na nakatayo mula sa bukana ng theater.  Walang balak lapitan ako? Hmm. Tinaboy ko nga pala siya.. And why the heck am I assuming that his purpose being here is me?

Nilingon ko ang bandang kaliwa ko at nakitang nag-uumpugan na naman ang mga lalaki sa paligid ni Tiffany. I get it. Nakilala ko na agad ang babaeng ito base sa pag-obserba ko. I am not judging her, okay? I am just saying what I saw because to see is what to believe. 'Yun ang pinaghahawakan ko.

"Let's go?" parang kabute kung sumulpot si James sa gilid ko, muntik pa akong mapatalon sa gulat. 

Napakurap-kurap ako sa taong nasa harap ko na ngayon. I remember ililibre niya pala ako ng ice cream. Nginitian ko ito at tumango na. 

"Z-Zee!" may isang babaeng boses ang sumigaw sa pangalan ko. Natahimik ang buong lugar kaya naman binalingan ko ito at nakita ang nagtatakang mukha ni Tiffany. Napalingon na rin si James na nasa tabi ko.

Tinaasan ko ito ng kilay. 

"A-Alis ka na?" she asked. But guess what? Hindi ko alam kung sino ang tinatanong nya dahil ang mga mata niya ay na kay James. Tinawag niya ako para don? What the hell?

Kumunot ang noo at parang binagsakan ng malaking bumbilya ang ulo ko. Oh... girl. You like him. Tumaas ang gilid ng labi ko.

"Oo, hindi ba narinig mo naman kanina? Aalis kami kasi ililibre niya ako ng ice cream?" I said to her. I smoothly caressed James broad shoulders.

 Yeah, I'm a bitch. Gustong gusto kong paglaruan ang feelings ng mga tao. Masyado akong nae-entertain sa kanila. Pero pakiramdam ko ang isang 'to ay maganda kalabanin dahil may tinatagong kulo. I can see it, though. 

Gulat at halo-halo ang emosynong tumakbo palabas ng theater room. Huminga ako nang malalim at ibinuga iyon. Inaya ko na si James palabas dahil kating-kati na ang lalamunan ko parang nagrereklamo na ito.

Binilhan ako ni James ng ice cream sa isang ice cream store malapit sa RIS. He asked me what flavour I want, sinagot ko naman ito which is the strawberry. Inilibot ko ang paningin sa buong store at nahagip nito ang isang lalaking nakatayo sa labas ng store. Hindi ko ito gaano maaninag dahil sa sinag ng araw. Parang pamilyar... Kita ko ang buhok nito na nakatali ng pusod. Pinaningkitan ko ito ng mata at inilapat nang kaonti ang mukha na para bang maaaninag ko 'yon sa ganung posisyon.

Maaninag ko na at malalaman kung sino 'yon na may isang bus ang dumaan at paglagpas nito ay biglang nawala ang taong tinititigan ko. Kumabog ang dibdib ko sa nangyari. Naguguluhan. I know him. I am maybe just too pre-occupied because of tiredness but I am sure I know him. He seems familiar to me. Those skinny body... 

----------------------------------------------

A/N: So ayun po ano.. Hehe. Please expect na babagal po ang update ko dahil nalalapit na po ang final exam namin at next week na siya :< wish me luck guys. Alam kong nabitin kayo pero sana naenjoy niyo ang chapter na 'to. Comment your thoughts about sa ugali ni Zee :>

His Dark SideWhere stories live. Discover now