PerfectPilit kong inaabot ang sobrang sinulid na nakalawit sa may likuran ko. Nasa backstage ako ngayon at kanina pa init na init kahit napakaraming air conditioning ang nakapalibot dito.
"Oh God..," singhal ko dahil hindi ko maabot ang sinulid na nakalawit. I am wearing deep v-neck red evening dress for our first ramp. Yes, this is it. Ngayon na ang patimpalak para sa Ms. Reed International kung saan kapag ikaw ang nanalo ikaw rin ang tatanghalang Campus Bell. Kaya naman halos lahat ng tao rito ay tinatawag akong Campus Bell dahil na rin sa sunod sunod kong pagkapanalo sa pageant na ito.
"What are you doing?" Frena came out of nowhere. I felt relieved.
She was wearing white angelic dress na bagay sa mukha nitong inosente na may halong kaseryosohan. Well, parehas na parehas sa personality niya. Kaya hindi na rin mahirap para sakin pagbinabasa ko ang emosyon niya. Masyado itong transparent kahit na pilit niya 'tong tinatago.
"Thank God. Help me.. please..." ngumuso pa ako para lang makuha ko ang loob niya.
Kasabay ng pagirap nito ay siyang paghugot ng mabilisan sa sinulid na nakalawit. Kanina pa kasi sagabal iyon sa pakiramdam ko. Naakakairita idagdag mo pa ang init dito sa loob.
"By the way, why are you here?" sabi ko rito nang harapin ko siya. She reached my loose hair with big curls and arranged it to its proper place. Inilagay niya itong lahat sa likod ko.
"Masama?" tanging sagot nito. She smirked.
"Okay, contestants.. Be ready. We are going to start." ani ng isang staff doon.
I shrugged at Frena. She shrugged, too. Before turning her back at me. Minsan may mga ginagawa talaga kami ni Frena na kami lang ang nakakaintindi. Ganon kami ka-weirdo. Minsan lang naman..
"Contestant number 3.. Zeakariette Pastrana Vargas representative of ABM."
Huminga ako nang malalim bago itinapak ang aking mapupula at mataas na heels paakyat ng stage.
Unang tapak ko pa lang ay kita ko na ang dami ng tao sa paligid. I love how people scream my name when I stepped in to the stage and did my best ramp so far. I twisted my waist and project with class because that's what Zeakariette is. Class and being elegant in any way.
If I have a chance to tease my supporters I would do it. I'll give flying kiss, wave at them and smile at them. This is what I am passionate about. I like being in the center sometimes when it comes in public. Gusto ko na malaman nila kung sino si Zeakariette kapag ginagawa niya ang kaniyang hilig. Dahil iba ako pag nasa baba ng stage at iba ako pag nasa stage.
Well, to be honest... I have four personalities. First, is when I am with Frena. Second, is when I am with my family. Third, is when I am alone in public and lastly, when I am doing things that I want.
Iba ang busilak ng puso ko pagdating sa mga hilig ko. Gusto ko parati akong nakaangat. Syempre, ayokong madisappoint. Hilig ko nga pero bakit hindi ako magaling. At mas lalong ayokong nasasapawan ako sa gusto ko. Babaliktad ang mundo ko pag nangyari iyon.
Ginawa ko ang lahat ng napagensayo ko. And it end well...
I forced a smile to Frena who is waiting at the backstage.
"You did well." sabi nito sabay pangalumbaba habang tinititigan ako mula taas hanggang baba. She's like examining me, though.
"What are you doing?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Nothing. I did not know you still... have that curves. Napakarami mong kinain kagabi." nangungutya niyang sabi sakin habang may nakalitaw na maliit na ngisi sa kaniyang bibig.
I rolled my eyes. "Genes... you know." I said.
Tumawa kami ni Frena kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng mapagtantong ang tao na nakatayo sa likod ni Frena.
Umawang ang labi ko sa nakabun nitong buhok. Ang dating natatakpan nitong mga mukha ay maaliwalas na tingnan. Naiwan nalang ang mga malalaki nitong mga salamin.
Hindi ko inakalang ganoon ang itsurang nagtatago sa mahahaba nitong buhok. He has this defined jaws, pointed nose, and red lips. I can't see his eyes that much because of his glasses. It was almost a perfect face.
Kita ko ang paglingon ni Frena sa tinitingnan ko at kusa itong napaatras sa nakita niya. Sino ba ang hindi magugulat sa ayos nito maski ang mga tao ay napapatigil sa paglakad.
"And last but not the least our STEM representative.. Tiffany A. Salazar." dumagundong ang boses ng emcee kasabay ang pagingay ng mga manunuod sa labas. Napalingon ako roon at nakitang rumarampa si Tiffany.
Naningkit ang mga mata ko ng maisip na mukha itong bihasa. The way she glides, the way she project. Walang palya. Malinis.
Binalingan kong muli ang taong nakatayo na sa aking harapan ngayon. Manghang-mangha ako sa itsura nito. Magsasalita sana ako ng bigla akong lagpasan nito at may inalalayang bumaba galing ng stage.
It was Tiffany.
What the hell? Magkakilala sila?
YOU ARE READING
His Dark Side
Romance2nd of Vengeance Series Synopsis: Isang sikat na campus bell si Zeakariette P. Vargas o kilala bilang si Zee sa isang kilalang paaralan ng mga mayayaman at matatalino, ang Reed International School. Sa pagiging campus bell niya ay marami siyang nag...