Chapter 1

115 2 0
                                    

"Ate Sars, si Kuya Ge!"

She quickly turned to look at what her younger cousin was pointing only, to see a cute dog running towards them. Mabilis na binatukan niya ang pinsan niya. "Nililoko mo ba ako?" naiinis na sita niya dito. Muling tiningnan niya ang direksiyon na tinuro ng pinsan niya. Walang tao na sumusunod dito.

Naiiritang binalingan niya ulit ang pinsan niya. "Walang hiya ka talaga, Posh." Muntik pang mabali ang leeg niya sa bilis ng pag-lingon niya. Yun pala wala namang tao sa likod niya! Grr!

Nag-peace sign ito sa kanya habang hawak-hawak ang tiyan at tumatawa. "Sarah, here," pag-tawag nito sa aso.

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ng pinsan niya. "Ano'ng sabi mo?!" napahawak siya sa dibdib niya. She felt offended, what the heck? Who in their right mind would name a dog after her?

"Cutie Sarah," nilalaro ng pinsan niya ang aso. "Sarah, say hi to your mom," tinuro siya ni Posh.

"Ano'ng pinagsasabi mo?!" singhal niya sa pinsan niya. Lumapit naman ang aso sa kanya at dahil mahilig siya sa aso, nilaro niya na rin ito. "Good dog," sabi niya. The dog wagged its tail happily while licking her hand.

"Kaninong asa 'to? Bakit ka-pangalan ko?" tanong niya sa pinsan niya.

"Sino pa ba? Eh di—"

"SARAH!"

Mabilis siyang napalingon sa tumawag sa kanya.

Nakakita siya ng isang anghel. She saw an angel walking towards her, nagliliwanang ang mukha nito dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nito. Damn, he still possess that boyish charm that makes her knees weak and her heart beat faster. Buti na lang hindi siya nakatayo, baka kanina pa siya natumba. She can't believe that after all these years ay ganito pa rin epekto ni Gerald sa sistema niya. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya; pinagkakapusan siya ng hangin sa baga niya, bumibilis ang tibok ng puso niya; tatakbo ba siya o tatayo na lang? Lalapit ba siya o tatakbo na lang palayo kagaya nang mabilis niyang pagtakbo niya noon?

"Laway mo ate," bulong ni Posh sa kanya.

Agad niyang isinara ang bibig niya. Shit! Ipinilig niya ang ulo niya. He's here. He's here in front of me.

"Sarah," mahinang usal nito.

Damn. She felt the shivers traveled down to her spine when he said her name.

"Sarah, come here," pakiusap nito.

"H-Ha?"

Pinapalapit niya ako? Hindi na ba siya galit sa akin?

Tumayo siya at dahang-dahang ipinagpag ang kamay at ang pantalon niya. "Ge..." mahinang usal niya habang nagsimula siyang maglakad palapit sa kanya.

Biglang tumahol ang aso at tumakbo palapit sa kanya, kumakawag pa ang buntot nito. He gently combed the dog's hair and she stood there, too stunned to function.

"Posh," bati ni Gerald sa pinsan niya.

"Kuya Ge," sagot naman ni Posh. "Nandito si Ate Sars..."

Tiningnan lang siya ni Gerald pagkatapos ay tinanguan. "Una na kami. Hindi pa nakakakain si Sarah, eh." Sabi nito at ininguso pa ang aso na 'Sarah' ang pangalan.

Did he just named his dog after her?

Isa Pang ArawWhere stories live. Discover now