Chapter 6

54 6 0
                                    

"Sarah..."  tawag sa kanya ni Tita Vangie. Napatingin siya sa matandang ginang. Bakas sa mukha nito ang pagod at kalungkutan pero sa kabila noon ay nakangiti pa rin ito.

"Tita..." lumapit siya dito at tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

"Hindi kita masyadong nakakausap nitong nakaraang gabi dahil parehong busy sa pag-aasikaso sa mga bisita..." sabi nito sa kanya. "Nais kitang pasalamatan sa pagtulong mo sa amin, Sarah. Kahit na hindi ka naman obligadong gawin 'yon eh tumulong ka pa rin."

Malungkot na ngumiti siya. "Kahit naman po hindi po kami nagkatuluyan ni Gerald, pamilya na po ang turing ko sa inyo."

"Salamat, Sarah," sabi nito at sumandal sa akin. "Noong nabubuhay pa si Gerald, palagi kong sinasabi sa kanya na ligawan ka niya ulit. Tawa lang ang isasagot niya sa akin."

Pati siya ay natawa rin. Rinig na rinig niya ang paghugot nito ng hininga. Hindi namamalayang gumaya na rin siya. Sabay pa silang natawa nang ma-realize kung ano ang nangyari.

"Sarah, bilang ina ni Gerald, gusto kong pasalamatan ka dahil pinasaya mo siya noong nabubuhay pa siya. Minahal ka niya, Sarah..."

Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang sariling mapahikbi. "Tita..."

"Mahal ka ni Gerald, Sarah. Sigurado ako doon. At lubos ang pasasalamat ko sayo dahil naging masaya siya sayo. Dahil sayo, natuto ang anak kong magmahal. Dahil sayo, nakita ko kung paano magmahal ang anak ko. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Gerald noon, anak. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya. Kaya salamat, Sarah. Naranasan niyang magmahal at mahalin."

Mas lalo pang lumakas ang paghikbi niya. Mabigat sa puso, sa damdamin, sa kalooban ang nangyari. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin lubos maisip na hindi niya ma muli masisilayan pa si Gerald. Mababaliw siya sa kaiisip kung paano siya mabubuhay sa realidad na hindi niya na muling makikita si Gerald, na hindi niya na muling maririnig pa ang boses ni Gerald, na hindi niya na muling mararamdaman ang init ng yakap ni Gerald.

Hindi niya alam kung paano niya ipagpapatuloy ang buhay. Kaya niya ba?

She's been blaming herself for what happened to Gerald. Siya ang huling kaibigan na pinuntahan ni Gerald. Iniisip niya na hindi lang simpleng dalaw ang ginawa ni Gerald. He was saying good bye to her and she's a dumb fuck not seeing the signs. Mas inuna niya pa kasing isipin ang sariling feelings niya.

Unti-unting nabawasan ang mga tao pero siya ay nanatiling nakaupo pa rin sa damuhan. Nang mapansin na nag-iisa na lang siya ay humiga siya sa damuhan, sa tabi ng pangalan ni Gerald.

"I miss you."

Isang malakas na ihip ng hangin ang sumagot sa kanya. Imbes na matakot ay napangiti siya.

"Kung pwede lang humingi ng isa pang araw, Ge. Kung pwede lang."

Tahimik lang siyang nakahiga sa damuhan. The silence is comforting her. Gusto niya sanang magkwento kaso naalala niyang wala nga pala siyang masyadong ginawa kundi umiyak nitong mga nakaraang araw. For sure, hindi magugustuhan ni Gerald na marinig yon.

Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya. Pagmulat niya ay nag-aagaw na ng kulay ang kalangitan.

"Babalik ako bukas, Ge," kausap niya sa hangin. Tumayo na siya at pinagpag ang puting dress na suot niya. "Baka masesante na ako ni Cookie eh."

"I love you," madamdamin niyang bulong sa hangin. May hangin muli na dumampi sa pisngi niya. Naniniwala siyang si Gerald 'yon kaya napangiti siya. Simula ngayon ay naniniwala na siya sa multo. If that's the only way she could see Gerald again.

Isa Pang ArawWhere stories live. Discover now