Chapter 3

69 5 0
                                    

"Coffee? Juice? Tea? Water?" alok niya kay Gerald.

"Hindi na. Napadaan lang ako."

Napadaan? Nasa isang exclusive subdivision ang townhouse niya. Kailangan pang mag-iwan ng ID sa gate bago pumasok.

"Buti hindi hassle sayo?" nilingon niya ito.

"Ah, hindi. Nasa kabilang block naman nakatira si Patty."

"Ahh..."

Sinong Patty?

Umupo si Gerald sa pang-isahang sofa niya. Tinitingnan niya lang ito habang busy ito pagmasdan ang kabuuan ng townhouse niya.

"Nice place," komento nito maya-maya.

"Ah, hehe," inikot na rin niya ang tingin sa paligid niya. Hindi naman ganoon kalaki ang townhouse na nakuha niya. Tamang-tama lang ang laki sa isang kagaya niyang mag-isa. Kulay beige ang dingding niya at may red accent, ang favorite color niya.

Natuon ang pansin ni Gerald sa mga award plaques na natanggap niya mula sa pagsusulat ng kanta. "You should start singing," sabi nito.

Napakagat labi siya. Sing? Again? "Mas magaling akong songwriter,"

"I disagree," sagot nito. "Ang ganda kaya ng boses mo."

Napangiti siya sa papuri nito. "Binobola mo naman ako eh."

"Ha? Hindi kita binobola. Totoo naman ang sinasabi ko."

Napayuko na lang siya para itago ang pamumula ng pisngi niya.

Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo ngang maganda ang boses niya. Pero itinigil niya na ang pagkanta. Matagal na panahon na. Umangat ang tingin niya nang marinig ang marahang pagtawa ni Gerald. Nakatingin pala ito sa picture frame sa ibabaw ng coffee table niya. Family picture nila yon nong college graduation niya.

"Ang cute niyo dito,"

Ano ba ang ginagawa nito sa townhouse niya? Ah. Di bale na. Ang mahalaga ay nasa harap niya na ito. Kahit pala hindi siya nito pinansin-pansin sa Batangas, susundan pala siya nito dito sa Manila.

Hay, ang haba ng hair ko!

"Ge, hindi ko alam kung bakit ka nandito," simula niya. "Pero kukunin ko na ang pagkakataon na ito na humingi ng tawad sayo kung nasaktan man kita noon-"

"Matagal na yon, Sars," putol nito sa sinasabi niya. "Kalimutan mo na yon."

"Pero-"

"Kinalimutan ko na yon."

"Kasi may Patty na?" biglang tanong niya. Halata din na nagulat si Gerald sa naging tanong niya.

Parang piniga ang puso niya nang makita ang dahan-dahan nitong pagtango. "Kasi may Patty na."

Iniwas niya ang tingin niya. May Patty na. May Patty na siya.

Pinuno niya ng hangin ang baga niya. "Masaya ako para sayo."

"Salamat." mabilis na sagot nito.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hindi niya na alam kung ano ang sasabihin niya. Wala na yata siyang sasabihin.

Pero pakiramdam niya si Gerald ang may gustong sabihin. Kung wala eh bakit nandito siya ngayon sa harap niya?

Para sabihing may Patty na siya?

Parang ang sakit naman yata non.

"Masaya ka ba?" basag ni Gerald sa katahimikan.

Hindi.

Isa Pang ArawWhere stories live. Discover now