Chapter 2

90 4 0
                                    

"What are you doing back here?" gulat na tanong ni Cookie sa kanya nang walang pasabing pumasok siya sa opisina nito.

"Tapos na ang bakasyon ko,"  sagot niya. Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ng mesa nito at inilabas ang folder na naglalaman ng kantang isinulat niya. "I got you something!"

Tumaas ang kilay ni Cookie habang tinatanggap ang folder na inaabot niya. "What's this?"

Ngumiti siya habang binubuksan ni Cookie ang folder. "Sarah..."

"Hindi ba ipinagbakasyon mo ako para makapagsulat ng kanta, ayan," proud na sagot niya. May tatlong kanta siyang naisulat habang nagbabakasyon siya kasama ang pamilya niya. Hindi biro ang tatlong kanta sa isang buwan ha!

"I'm all alone so why don't you pick up your phone?
This time I won't be scared, this time I'll dare,
I'm gonna give you my all, so let's jump again and fall."

"Again," that's the title of that song she wrote.

Cookie eyed her suspiciously.

"May back-up guitar na yan. I'm thinking of an acoustic vibe," dagdag niya pa.

"Alam kong nasaktan kita ngunit hindi mo ba nakikita?
Umiiyak ang puso ko, nangungulila sa iyo.
Babalik at uuwi pa rin ako sayo, kaya patawad," nakataas ang kilay ni Cookie habang tinitingnan siya.

"Patawad. Sa piano ko nagawan ng melody yan. Ready na for producing. That is kung papayag ka, I mean, this is your record-"

"I'm sorry. I missed you. I love you. I'm sorry. Can we start over again?"

"Bet ko si Christelle Solis. Medyo pop yan-"

"Kumusta bakasyon mo? Nagkita ba ulit kayo ni Crazy love?" sa halip ay tanong ni Cookie sa kanya.

"Ah, well, uhm," napakagat-labi siya. "Yeah?"

Technically, nagkita nga naman sila ni Gerald. Nagkita lang.

"Nag-usap kayo?"

Nagusot ang mukha niya. "Ayaw ata akong kausapin eh."

Isang beses lang yata sila nagkaroon ng interaction ni Gerald. Yung araw na nilaro niya ang aso nito na ang pangalan ay 'Sarah'. To her horror, sumasagot ang aso sa pangalang Sarah. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya, maiinis ba siya dahil pinangalan ni Gerald na Sarah ang aso nito o kikiligin ba siya kasi ibig sabihin ay naalala pa rin siya nito.

"Halata naman sa mga kanta mo," sagot ni Cookie sa kanya.

"Ayan, may kanta ka na. Baka pwede na makuha ang incentive ko," biro ko sa kanya.

Cookie sighed and scribbled something on her checkbook. "Here. These are great lyrics, by the way."

Ngumiti siya. Duh? She's Sarah Geronimo! The most prized-songwriter in the country! Swerte talaga ng Cookie Media at nakuha nila ang serbisyo niya.

"Ayan, may pang-shopping na ako," tuwang-tuwa na sabi niya at itinaas pa ang cheke sa ere. "See you!" paalam niya sa kaibigan.

"Hindi talaga kayo nakapag-usap ni Gerald?" pahabol na tanong sa kanya ni Cookie.

"Wala naman kaming dapat pag-usapan eh." malungkot na sagot niya.

May dapat pa ba silang pag-usapan? Wala na. Tapos na sila. Walang naiwan na bagay na dapat pag-usapan. Nagkasakitan na sila. Nagkawasakan na ng puso. Naiyak niya na ang lahat. Wala na. Ubos na. Tapos na.

Pero kahit na alam niyang wala na nga sila, hindi niya pa rin matanggap. Wow. Ilang beses niya na bang binatukan ang sarili niya. Sino ba ang nang-iwan?

Kaya naiintindihan niya si Gerald kung bakit hindi siya nito pinapansin. Nagegets niya kung bakit hindi siya nito kayang tingnan man lang. Gets niya. Nasaktan niya ito. Sino ba namang hindi masasaktan sa ginawa niya? Binigay na sa kanya lahat pagkatapos aalis siya?

"Tanga ka, Sarah,"

Oo. Tanga nga siya.

For hoping that Gerald would welcome her back in his life again.

Dumiretso siya sa townhouse niya. Kanina ay plano niya pang pumunta sa mall at mag-shopping at magpaganda. Plano niya pang bumalik sa Batangas para suyuin ulit si Gerald. Pero umasim na ang mood niya. Naalala niya kung paano tanggihan ni Gerald ang mga inaalok niyang ulam. Naalala niya kung paano siya nito lagpasan na para bang hangin lang siya. Nasaling talaga ang pride niyang kasingtaas ng Mt. Everest.

"Akala mo kung sinong gwapo. Ang sungit-sungit naman!" himutok niya habang binubuksan ang gate ng townhouse niya. "Pasalamat siya at ma-"

"May kaaway ka?"

"Ay, Gerald!" malakas na sigaw niya. Napalingon siya sa nanggulat sa kanya.

Nanlamig ang buong katawan niya. Nakatayo lang naman sa harap niya ang lalaking kanina niya pa iniisip.

"Ge-"

"Hello."

Isa Pang ArawWhere stories live. Discover now