Chapter 7

79 5 0
                                    

Alas-siyete pa lang ng umaga at may walang modo na namang tumatawag sa cellphone niya. Parang kapipikit niya pa lang yata ng mga mata niya at ngayon ay may tumatawag na agad sa kanya.


She cleared her throat before answering the call. "H-Hello?" bati niya sa kabilang linya.

"Sarah? Si Tita Vangie mo ito."

Napaupo siyang bigla sa kama niya. A bad move, dahil biglang pumitik ang sentido niya.

"Tita, napatawag ka po?" tanong niya dito at sinamahan niya ng ngiwi. Great! Now everything hurts! Hindi lang ang puso niya, pati na rin ang ulo niya.

"Ah, magpapatulong sana akong mag-ayos ng gamit ni Gerald sayo. Nandiyan ka pa ba sa bahay niyo?" tanong niya sa akin.

Natigilan siya. Aayusin niya na agad ang gamit ni Gerald? Pero wala pang isang linggo ah?

"Tita, nandito na po ako sa apartment ko--"

"Ganoon ba? Ah, sige, huwag na lang--"

"Hindi, Tita Vange, naiwan ko rin po yung card holder ko sa bahay. Babalikan ko rin po ngayong araw," pagdadahilan niya.

"Ganoon ba? Tamang-tama magluluto ako ng sinigang. Paborito niyo 'tong dalawa ni Gerald eh. See you later, anak!"

Tapos na ang tawag pero naiwan pa rin siyang tulala. Bukod sa kumikirot ang ulo niya ay nagsisimula na namang kumirot ang puso niya. Ibang klaseng kirot. Parang kirot na alam mong hindi mawawala kahit lumipas pa ang ilang taon.

Paglingon niya sa bedside desk niya ay nakita niyang naroon ang card holder niya kasama ang wallet at susi ng kotse niya.

Napailing na lang siya. Sana ganito siya kapursigudo noong nabubuhay pa si Gerald. Ang dami niyang pagkakataong pinalagpas noon at ngayon... at wala na si Gerald. Hindi niya na maibabalik ang mga araw na lumipas.

Mabilis na nag-ayos siya ng sarili. Makalat din ang buong apartment niya pero saka niya na iintindihin yon. Bandang alas-onse siya nakarating sa bahay nina Gerald. Ang mainit na yakap ni Tita Vange ang sumalubong sa kanya.

"Hindi ka ba na-traffic?" tanong nito.

"Hindi gaano, Tita," sagot niya.

"Pasok ka," anyaya nito. Sumunod naman siya sa loob ng bahay nila.

Napangiti siya nong pagpasok niya ay mukha ni Gerald ang sumalubong sa kanya. His face is everywhere.

"Ang gwapo ng anak ko 'no?" tudyo sa akin ni Tita. "Binigay yan ng mga kaibigan ni Gerald sa akin kagabi. Alam kasi nila na si Gerald lang kasa-kasama ko dito sa bahay kaya nag-alala sila na baka mamiss ko raw si Gerald kaya ayan..." sabi nito at itinuro ang mga picture frames ni Gerald na nagkalat. "Kaso hindi ko naman nakakausap."

Sabay pa silang dalawang nagbuntong-hininga.

"Kumain muna tayo bago natin simulan ayusin ang mga gamit ni Gerald."

Habang nananghalian ay nagkukwentuhan silang dalawa tungkol kay Gerald. Tawang-tawa silang dalawa habang inaalala ang kakulitan ni Gerald noong nabubuhay pa ito.

Bigla ulit kumirot ang puso niya. Hindi niya kayang isipin na hanggang sa kwento na lang.

Pagkatapos nilang kumain at magligpit ay dumiretso sila sa kwarto ni Gerald.

"This is where we found him..."

Parang may pumiga sa puso niya at tumusok sa lungs niya. Unti-unti na siyang nanghihina habang nasa loob ng kwarto ni Gerald. Gerald killed himself in his room.

Isa Pang ArawWhere stories live. Discover now