Chapter 5

115 6 0
                                    

Galing siya sa isang bar at halos alas-dos na ng madaling araw nang makarating siya sa townhouse niya. Idea ni Cookie. Alam nito na may pinagdadaanan siya kaya niyaya siya nitong mag bar-hopping kasama ang iilan sa mga artist nito.

First time niya din gawin ang bagay na yon. Ang magpakalasing. Ang gamitin ang alak para kalimutan si Gerald.

Pero walang epekto ang alak sa kanya.

False.

Hindi totoo na makakalimot ka sa alak.

Maaalala mo lahat.

Lahat lahat.

Ang mga tawa niya.

Ang mga ngiti niya.

Kung paano ka niya tawagin sa pangalan mo at sa mga endearments niyo.

Yung mga texts niyang '522' na code niyong dalawa.

Kung gaano ka perpekto ang hulma ng kamay niya kapag hawak ang kamay mo.

Kung paano ka niya tingnan.

Kung paano ka niya alagaan.

Kung paano ka niya mahalin.

Yung handa siyang ibigay ang lahat ng meron siya sayo.

"Something's telling me it might be you," unti-unting lumuhod si Gerald sa harap niya at hawak-hawak ang kamay niya. Pakiramdam niya ay nagkakarera na naman ang mga elepante sa puso niya at tiyan niya.

"So, Miss Sarah Geronimo," nakangiting sabi ni Gerald. "Will you please, marry me?"

Ang malakas na pag-ring ng cellphone ko ang gumising sa kanya.

Kinapa niya ang cellphone niya para patayin iyon pero napalitan naman yon ng ingay na galing sa landline niya.

"Argh!" kumuha siya ng unan at itinakip yun sa ulo niya.

Pero hindi pa rin sumusuko kung sino man ang caller niya.

Walastik! Makakatikim talaga ito sa kanya!

Nakasimangot na bumangon siya. Pakiramdam niya ang bigat-bigat ng ulo niya. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan dahil pakiramdam niya umaalon ang buong paligid niya.

Masamang ideya ang magpakalasing para makalimot. Walang epekto sa kanya. Lasing lang siya. Ilalagay niya yan sa pintuan ng ref niya.

"Oo na," mahinang sabi niya. "Andiyan na."

Ayaw talagang tumigil ang telepono niya sa kariring.

"Alam mo ba kung anong oras na?" sita niya sa tumatawag sa kanya. "Alas-dos-"

"Sarah,"

Parang nawala ang kalasingan niya. "Mmy?" pagkumpirma niya.

"Sarah si Gerald..."

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan na binanggit ng Mommy niya habang umiiyak.

"Anong nangyari?" kinakabahang tanong niya. Iba ang tibok ng dibdib niya eh. Hindi niya maipaliwanag ang kaba niya.

"Si Gerald..."

Isa Pang ArawWhere stories live. Discover now