Chapter 3: Pennsylvania Academy

41 5 0
                                    


Allessandra's POV

*KNOCK KNOCK"

"Mam...Ginsing na po kayo 7am po pasok nyo alas sais na po...ready na po ang breakfast nyo" wika ni Manang.


"Sige po Manang...Magbibihis lang po ako" wika ko habang kinukusot pa ang mga mata ko.Hindi kasi ako nakapag alarm kahapon.Di na rin ako nakakain ng dinner dahil sa pagod ko nakatulog ako ng mahimbing at mahaba.

"Sige po" wika ni manang at umalis na.Ako naman bumangon na at pumunta sa bathroom para maligo.Habang naliligo ako napapaisip ako kung ano pedeng mangyari mamaya.Di ko maipagkakaila pero kinakabahan din ako dahil ito ang unang araw ko sa Academy.May magiging kaibigan kaya ako? Ano kaya ang mangyayari? Ano kayang klaseng mga tao ang nasa Academy? Aishhh...madaming tanong ang pumapasok sa utak ko...malalaman ko ang sagot sa mga tanong ko kung makakapasok na ako.Hay...makaligo na lang...



Pagkatapos kong maligo lumabas na ako at nakita ang uniform ko na nasa ibabaw ng kama.Kinuha ko yun at pumasok sa closet para magbihis.Maikli lang yung palda kapartner naman nun ay longsleeves na puti na nakatak-in sa palda at long sleeves uli na black at may ribbon naman sa leeg na pula..then mahabang medyas na aabot sa tuhod at sapatos na black na may takong pero mga 4 inch. lang naman...then pagkatapos tumingin na ako sa salamin at inayos ang itsura ko...mahaba ang buhok ko hangggang baywang at straight...sinuklay ko lang at brinower ko pagkatapos naglagay ako ng contact lense na brown kasi kulay bule ang mata ko...then salamin...para mag mukang nerd at naglagay ng brace na natatanggal para pedeng alisin kasi bawal sa model ang ganyan..Pagkatapos nagpowder lang ako kasi kailangan kong maging simple lang...and then done muka na akong nerd pero maganda pa rin...


Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako para kumain at ready na nga ang pagkain ko.Umupo na ako at sinimulang kumain ng dumating si Manang dala ang bag ko na nagagamitin


"Good Morning Mam...ito na po ang gamit nyo at kumpleto na...nasa labas na po si Joseph nireready na po ang sasakyan para sa pag-alis nyo" wika ni manang.Sakto namn na tapos na ko kumain.


"Sige po..una ako salamat po" nakangiting kobg wika at kinuha ang aking gamit at lumabas...nadatnan ko don si Mang Joseph ng makita nya ako agad nya akong pinagbuksan ng pinto at sumakay naman agad ako.



"Good Morning Mam" wika nya sakin ng makasakay siya sa kotse at sinimulang paandarin ang kotse tungo sa Academy.



"Good Morning.." bati ko rin sakanya.Maya maya lang nakarating na kami sa Academy.Marami na ang mga napasok.Matapos ipark ni Mang Joseph ay pinagbuksan nya naman ako ng pinto at lumabas naman ako.Ipinalibut ko ang aking paningin sa kabuoan ng Academy.Malaki at malawak ang Academy ng Pennsylvania na pag-aari nina Tita Catharina at Tito Arthur magulang ni Eliz.Mayayaman ang mga pumapasok dito sa Academy dahil isang Private school ito at mahal ang bayad na umaabot sa 50,000 kaya tanging mayayaman lang ang nakakapasok sa ganitong klase ng paaralan.



Nagpaalam na sakin si Mang Joseph at umalis.Mamayang 5pm pa raw ang tapos ng klase ko at 5pm din nys ako pupuntahan dito sa Academy dumiretso na lang daw ako sa parking lot para makita ako.



Habang naglalakad ako sa hallway may mga tumitingin sakin at nagbubulongan.Para di ko sila mapansin naglagay na lang ako ng headphone at nakatungong maglakad ng biglang.....

*BOOGSHH"

May nakabanggaan ako?

What the hell?

Ang lakas ng pagkakabunggo nya sakin at sa lakas nun napaupo na lang ako.Sh*t sobrang sakit sa pwet....

"What the-Ano ba? Bakit ka ba pahara-hara sa dinadaanan ko? Di ka ba marunong tumingin sa daan ha? galit na sunod-sunod nyang tanong sakin at sya pang may ganang magalit eh sya nga tong nakabangga.


Tiningnan ko ang nakabangga sakin.Wala man lang tulong na ginawa sakin at mabilis na iniwan ako dahil sa sobrang inis ko tumayo agad ako at tinulak sya sabay sigaw ng....

"GAGO" sabay talikod sa kanya.At sa hindi inaasahan nga naman lahat pala ng tao sa hallway ay nakatingin samin.Binilisan ko na lang ang lakad ko papunta sa room...Aishh...Bwisit unang araw palang...kainis..






Nang makita ko ang room ko ay pumasok agad ako at napatingin sakina ng lahat well...di ko na sila pinansin at dumiretso na lang sa tatlong bakanteng upuan sa likod at naupo sa gitna.Ang course na kinuha ko ay yung sa business dahil ako naman na ang magmamanage ng company namin balang araw.





"Eww nerd"





"Yuck bat may nakapasok na nerd dito"




"Bitch"





"Another target"






Bulungan ng mga chakang palaka kung makapag bulungan sila kala mo ang gaganda ih mukha nga silang clown sa kapal ng make up




"KYAAAAA ANDYAN NA SILAAA"




"SANITY ANG HOT MOOOO!"






"SANITYY MARRY ME"




"OH MY GODDDD...I LOVE YOUUU...SANITYYYY ANDDD HENRIKKK...."




"KYAAAAAAAAA"





Tiningnan ko ang dalawang lalaki na nasa pintuan at laking gulat ko ng makita ang lalaking nakabangga ko kanina may kasama syang lalaki at pareho ko silang hindi kilala.Tumungo na lang ako at di sila pinansin.Maya-maya lang may umupo sa parehong gilid ko na bakante kanina pero di ko na sila pinansin at hinayaan ko na lamang sila.

Behind That Glasses (ONGOING)Where stories live. Discover now