Chapter 4:New Target

38 3 2
                                    

Sanity POV

Papasok na ako ngayon sa Academy. Pagkapark ko ng kotse ko kinuha ko muna ang bag ko at isinukbit sa balikat at nagsuot ng shades.Then bumaba na ako at isang matinding tili ng mga babae sa Academy ang bumungad sakin pagkapasok ko. Sanay na ako dahil every day... every year laging ganto ang nangyayari sakin.

"KYAAAAAA!!"

"I LOVE YOUUUU SANITYYY!!"

"MARRY MEEE!!"

"KYAAAAAAAA!!"

"YOUR SOO HANDSOMEEEE!!"

Yan ang mga naririnig ko tuwing dadaan ako o di kaya tuwing makikita nila ako. Ngumingiti na lang ako sa kanila at lalo naman silang titili... hay... ang hirap talagang maging campus heartrob... Habang naglalakad ako may nakita akong isang babae. Nerd. Makakasalubong ko sya at dahil hindi sya nakatingin sa daan....

*BOGSHH*

Nagkabanggan kami.

Sh*t. Paharahara kasi...

"What the--Ano ba? Bakit ka ba pahara-hara sa dinadaanan ko? Di ka ba marunong tumingin sa daan ha?" galit kong tanong sa kanya. Di ko na lang sya pinansin at nilagpasan pero maya-maya...

"GAGO" sigaw nya sakin.

What the---

Tinulak nya ako at muntikan na akong masub-sub buti na lang at mas malakas ako kaya napahakbang lang ako ng ilang hakbang pauna

Tiningnan ko sya at tumatakbo na sya paalis. Mali ka ng binangga. Lagot ka sakin pag nagkita tayo!!

Ang init ng ulo ko ng makita ko si Henrik na papalapit sakin.

"Oh? Anong nagyari sayo? Bat ganyan itsura mo? Umagang umaga ang init ng ulo" wika nya. Hay... bwisit na babae yun... di ko na lang pinansin ang tanong nya at napabuntong hininga na lamang. Naglakad na lang kami papunta sa room kaklase ko sya at course namin ay Business Ad. Ako na kasi ang mamahala ng Company namin balang araw kaya ito ang kinuha ko.


Pagpasok namin sa room. Nagtitili na naman ang mga babae sa room namin.

"KYAAAAA ANDYAN NA SILAAA"

"SANITY ANG HOT MOOOO!!"

"SANITYY MARRY ME!!"

"OH MY GODDDD!!...I LOVE YOUUU...SANITYYYY ANDDD HENRIKKK...."

"KYAAAAAAAAA!!"

Tiningnan ko na lamang ang buo ng room at sa hindi inaasahan nga naman kaklase ko pa si Nerd. Yari ka sakin. Lumapit na lang ako sa kanya at umupo sa tabi nya at si Henrik naman ay sa kaliwa nya. Bali gitna namin sya. Ng makaupo na kami ni hindi man lang sya tumingin samin parang balewala lang. Syempre ang mga nerd aral lang ang ginagawa kaya di nya kami napansin at sa libro lang nakatutok ang mga mata nya.

Maya-maya din pumasok na ang professor namin. Syempre dahil unang araw ng klase kailangan magpakilala isa-isa. Makalipas ang ilang minuto turn na ni nerd kaya ng tumayo sya at maglalakad sa unahan. Syempre dahil mainit ang ulo ko sa kanya inihara ko sa unahan ang paa ko at tinalisod sya. Nagsitawanan ang mga kaklase ko dahil halos mapaupo na sa sahig si nerd.

"Nerd!"

"Hahahaaahahhahaaa"

"Lampa kasi...hahhahaaa"

Sandra's POV

Sh*t. Kainis sino ba ang tumalisod sakin?

Tiningnan ko kung sino ang tumalisod sakin at sya lang naman yung taong nabangga ko kanina.

Behind That Glasses (ONGOING)Where stories live. Discover now