Chapter 13

206 12 12
                                    

"Chimchim!" Bigla ko nalang siya nakita sa malayo at kumakaway siya saakin. Tumatakbo siya papunta saakin at ako naman pinapatuloy ko naman ang pag lalakad ko habang palapit na siya saakin. Yayakap na sana siya saakin pero agad ko nalang siya iniwasan at dinaan ko lang siya parang pinagmuka ko nalang siya tanga sa corridor.

At yun hindi ko na nakalimutan ang araw na una ko siyang iniwasan. Dalawang buwan na ang nakalipas, hindi na kami nag uusap ni chae ng tuloyan. Hindi na ko sumasabay sakanila tuwing lunch madalas nalang ako tumatambay mag isa sa classroom o mag babasa nalang ng libro sa library, minsan tumatambay rin ako sa rooftop pag kasama ko sila hyung. Dati lagi parin naglalagay ng sticky note si chae sa locker ko. Tinatanong kung okay lang ba ako, kung anong problema ko at bakit ko raw ba siya iniiwasan imbes na tinago ko nalang ang mga iyon katulad nung dati, nilukot ko nalang ang mga yon at tinapon kung saan-saan. Lagi ako kinakabahan tuwing dinadaanan ko siya masakit para saakin na nagkukunwari pa ako na hindi ko siya kilala.

"Kelan ka pa ba mag papanggap, jimin?" Tinanong ako ni hoseok ng kalmado habang nag lalaro ako sa phone ko. Tumatambay kami ngayon sa rooftop at yung iba naman kasabay nila chae sa cafeteria.

"Hindi ko alam hyung...." sabi ko, sinarado ko ang phone ko at napahilot ako sa sentido ko.

"Alam mo halos na babaliw na si chae, alalang-alala na siya sayo." Sabi niya.

"Kelan mo ba sasabihin sakaniya tungkol sa sakit mo chim? Bukas na ang graduation natin." Tanong niya naman saakin.

"Pag gumaling na ko..." Simpleng sagot ko.

"-Pupunta ako sa america bukas pagkatapos ng graduation natin tapos pag na tanggal ang tumor nayan sa utak ko babalikan ko na si chae at sabihin ko sakaniya ang lahat." Dagdag ko naman.

"Parang impossible naman ang plano mo chim. Paano pag huli ka na?" Bigla nalang ako napasampal sa tanong ni hyung. Kahit kelan hindi ko naiisip yan. Paano nga pag balik ko dito sa seoul at magaling nako pero huli na pala ako? Nakahanap na siya ng iba.

"Edi game over na..."

Kinabukasan graduation na namin. Kakatapos lang ng awarding namin nun. Nakaupo lang kami mga graduating students at agad ko nakita si chae umaakyat sa stage. Bigla nalang ako sinikuhan ni tae. Kuwento nila saakin na isang cumlaude si chae at tama nga sila.

"Good afternoon Mr. Kang our beloved principal, staffs, faculty members, our loving families and of course our fellow graduates."

"-Choosing the path of our future is the hardest thing that we've encountered right? Hindi natin alam kung ito talaga ang para satin o hindi. Simula ng bata pa tayo we always wonder what is like outside of the box. Akala natin ganun lang ka simple ang buhay pero habang lumalaki na tayo we realize it's not that easy to reach that dream. It takes alot of effort to reach it. Looking back to the 4 years we've spent in this institution. We've experienced different struggles and challenges in our lives. And of course all of us got stressed because of the heavy works but all of those struggles learned us and give us realization. All of our hard work lead us to a better life. Without work and effort, We'll never reach that main our goal in our lives and fulfill our own dreams. And now let us write a new chapter and enter the real world with our independence. Congratulations, my fellow graduates" Napangiti at nululuha rin ako habang pinapakinggan ko ang speech ni chae. Agad ako pumapalakpak ng malakas pagkatapos ng speech niya. Sobrang proud ako sakaniya gusto sumigaw sa lahat na girlfriend ko yan. Gusto ko siyang yakapin pag baba niya ng stage dahil pero ang problema hindi na kami nag uusap ni chae at isang siyang malaking sampal saakin.

HappierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon