EDITING
"Tangina bakit ngayon lang kayo-" Bigla nalang napaputol ang dila ko at nawala na ang mga ngiti sa labi ko nung nakita kong pumasok si junhoe sa kuwarto ko.
Bakit siya nandito????
Baka nandito lang siya para pag usapan ang nangayari sa bakery niya pabalik sa busan.
"Hi jimin hehehe" tumawa si taehyung na mahina sabay kamot pa sa batok mukang awkward na awkward siya sa atmosphere nato.
"Ah iwan muna namin kayo ha!" Sabi ni jeongyeon at hinila pa si taehyung pati si mama palabas ng kuwarto nato. Nung sinarado na ang pinto naging tahimik na ang lahat. Kita ko mukang seriyosong-seriyoso ang muka ni junhoe at sobrang tindi pa ang sama ng tingin niya saakin parang deretso na sa kaluluwa ko. Nang nakalipas ng ilang minuto nag salita na siya.
"Alam ko matalino ka at mabait kang tao jimin pero kailangan ko to sabihin sayo to ng derechahan." Sabi niya. Bigla nalang ako napalunok at mabilis pa tumibok ang puso ko sa kaba hindi ko alam kung bakit. Parang masama ang pakiramdam ko dito. He started to fold his arms over his chest.
"Bakit mo ba to ginagawa kay chaeyoung?"
"H-Ha?"
"Hindi mo ba ako narinig?" Sabi niya at tinaasan niya ako ng kilay.
"- Bakit mo ba to ginagawa kay chaeyoung? Pagkatapos mo mahimatay nung araw nayun. Hindi mo pa siya hinayaan pumasok dito at magpakita sayo. Hindi mo ba alam alalang-alala siya sayo?" Sabi niya saakin halos napataas na ang boses niya.
"Bakit kailangan niya pa pumunta dito? Alam niya naman na gising na ko at okay na ko bakit gusto niya pa ako makita?" Sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Makasalita ka parang wala kayong pinagsamahan ha" sabi niya mg kalmado at tumawa siya ng sarcastic.
"-Akala mo wala akong kaalam-alam tungkol sa pagitan niyo ni chae dati? Mali ka dahil alam ko ang buong detalye tungkol sayo at sa ginawa mo kay chaeyoung. Hindi mo ba alam kung anong naranasan niya sa loob ng mga taon nayun? Sabagay iniwan mo siya ng walang dahilan kaya ayun wala kang kaalam-alam. Nandiyaan ako habang nag luluksa at umiiyak siya dahil sa isang lalaking katulad mo."
"Kaya nga ako lumalayo sakaniya diba? Matagal ko nang alam na toxic ako sa buhay niya. Sa tingin mo ba ginusto ko magkipag hiwalay sakaniya?"
"Hindi mo nga ginusto pero duwag ka naman." Bigla nalang ako napasampal sa sinabi niya saakin.
"Bakit kailangan mo pa ipagmuka saakin yan?" Sabi ko halos napataas na ang boses ko.
"-Bakit kailangan mo pa pumunta dito at kausapin ako ng harap-harapan? Diba masaya na siya ngayon dahil nandiyaan ka naman para sakaniya?"
BINABASA MO ANG
Happier
Короткий рассказBLACKTAN SERIES #1 Park Jimin's Point of View "I knew one day you'd fall for someone new" /This is a Filipino Fanfiction/ /No Plagiarism/ ParkShinDae16,2018 All Rights Reserved