Epilogue

493 19 18
                                    

"Ang ganda..." Dalawang araw na ang nakalipas. Nandito kami ngayon sa balcony pinag mamasdan ang mga bitwin. Lagi naman namin ginagawa yan tuwing gabi.

"Parang ikaw ayieeee" biro ko sakaniya.

"Ang corny mo." Sabi niya at tinarayan niya pa ako. Napanguso nalang ako.

Bigla ko nalang ulit narmdaman ang matinding sakit sa ulo. Palala ng palala na ang sakit. Simula kahapon may nararamdaman ako ng paralization. Kanina halos hindi ko na magalaw ang katawan ko at pinilit ko pa ibuka ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko na mauubos na ang oras ko pero pinilit ko parin gumalaw at pinilit ko rin gumising para lang sakaniya.

"Tangina...." mura ko sa sarili ko. Pupunta sana ako sa cr kaso bigla nalang ako napabaksak sa sahig dahil sa sobrang hina na ng katawan ko.

"Jimin!" Agad nalang sumugod si chae at lumuhod siya sa harap ko. Kumapit pa siya sa braso ko ng sobrang higpit.

"Jimin okay ka lang ba?" Inosenteng tanong niya. Pinilit ko nalang ngumiti sakaniya para ipakita ko sakaniya na malakas pa ako. Hinawakan ko ang kamay niya na naka kapit sa braso ko.

"M-Malapit na siya." Halos nanginig na ang boses ko dahil sa sobrang hina ko na ngayon. Bigla nalang lumaki at nag simula na matutubig ang mga mata. Alam niya na siguro ang ibig kong sabihin. Ito na siguro ang oras na kailangan ko nang mag paalam sakaniya.

"W-Wag mong s-sabihin yan jimin, m-may natitirang oras pa para saatin." Halos nauutal na rin siya. Nakita ko agad na lumabas ang mga luha sa mata niya. Hinaplos ko nalang ang pisngi niya at punasin ang mga luha na naka mantsa sa pisngi niya.

"Pumasok na tayo..." aya ko sakaniya at tumango nalang siya. Tinulungan niya ako tumayo at inalalayan niya ako pumasok sa kuwarto. Dahan-dahan niya ako binitawan nung nakaupo na ko sa kama. Humiga na ko at inayos ko ang sarili ko para maging comportable ang pag higa ko sa kama. Humiga na rin si chae sa tabi ko at agad niya niyakap ang katawan ko ng mahigpit parang ayaw niya na akong bitawan. Nakahiga pa ang ulo niya sa dibdib ko para pakinggan niya ang pag tibok ng puso ko.

"Masakit parin ba?" She asked me with a full concern in her voice.

"Hindi na yan importante importante saakin..." sabi ko at tumawa nalang ako ng mahina.

"Pero nag-aalala ako sayo, nag-aalala ako kung ano mangyayari sayo pagkatapos nito."

"Sorry jimin, sobrang selfish ko. Mas pinili ko pa ang sarili ko kesa sa sarili mong kalagayan imbes na alagaan kita nag tanim pa ako ng galit sayo." She said as she buried her face on my chest.

"Bakit kailangan mo pa mag sorry? May karapatan ka naman magalit dahil deserve ko naman to eh. Dapat ako mag sorry dahil sinaktan kita at iniwan kita ng walang dahilan..."

"Walang dahilan ba yang sakit mo?" Tanong niya saakin. Nag pa buntong hininga nalang ako.

"Nung nalaman ko na mamamatay ako akala ko mas ikakabuti pa itago ko nalang sa sarili ko at makipag ihawalay sayo kahit masakit pa saakin. Ayaw ko sayangin mo lahat ng oras mo ng dahil saakin, I can see a bright future ahead of you pero ayaw ko mag laho lahat ng mga pinag hirapan mo dahil lang sa sakit ko nato........ Pero ngayon na realize ko kailangan ko pa ng ilang araw, ilang oras para makasama ka lang dahil sinayang ko na ang pagkakataon ko, sinayang ko na ang limang taon nayan......... Gusto ko pa ng isa pang oras, hindi pa sapat ang pag mamahal na binibigay ko sayo......"

"Kaya gawin mo jimin, bigyan mo pa ng sarili mo ng isa pang oras..."

"Parang sobra naman yan..." sabi ko at tumawa ng mahina.

"Ayaw mo ba ako makasama?"

"G-Gusto ko p-pero h-hindi ko na k-kaya" Halos manginginig na ang boses ko dahil ramdam na ramdam ko humihina na ang katawan ko.

"Kahit ilang minuto lang jimin, Please." Makaawa niya saakin dahan-dahan nalang ako tumango.

"Pagkatapos nito ituloy mo na lahat ng mga pinlano niyo ni junhoe, Ituloy mo na ang mga sinimulan mo kasama niya. Wag na wag kang tumingin pabalik sa nakaraan. Wag mo isira ulit ang buhay mo ng dahil saakin. Lagi mo tandaan na lagi ako nandito para sayo kahit hindi mo ko nakikita o nararamdaman nandiyaan lang ako. Puwede kang umiyak pagkatapos nito pero mangako ka saakin na wag ka nang iiyak pag dumating na ang pag sikat ng araw. Alam ko na mas mahigit ka pa diyaan chae. Alam ko mawawala lahat ng mga sakit nararamdaman mo ngayon. Basta ituloy mo lang ang buhay mo dito."

"Wag mo ngang sabihin yan parang sinasabi mo na aalis ka na"

"Aalis nga ako..." Sabi ko sakaniya ng deretso. Pasakit ng pasakit nanaman ang kirot nararamdaman ko sa ulo ko, gusto ko sumigaw ng dahil sa sakit nito parang pinupukpok ako ng martilyo sa ulo pero pinilit kong maging kalmado para lang kay chae. Ayaw ko makita niya akong mamatay ng kasindak-sindak.

"Pero naniniwala ako na magkikita tayo ulit balang araw. Pag dumating ang araw nayan tatakbo ako papunta sayo at yayakapin kita ng sobrang higpit." Sabi ko at ngumiti nalang ng sobrang tamis habang pinag lalaruan ko ang malambot niyang buhok.

"Alam mo nag papasalamat ako sa diyos dahil binigyan pa nila ako ng isa pang pagkakataong makasama ka ulit at ginawa na natin lahat ng matagal na natin pinangarap. Nag papasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko......" Hindi ko alam kung handa na ko pakawalan siya. Natatakot ako kung anong mayayari sakaniya pag iniwan ko na siya ng tuluyan pero wala na ubos na ang oras ko ang kailangan ko nalang mag paalam sakaniya at sabihin ko sakaniya kung gaano ko siya kamahal.

"-Mangako ka saakin chae, wag mo sirain ulit ang buhay mo, wag ka nang iiyak ulit ha" sabi ko hindi siya makasagot, dahan-dahan lang siya tumango.

"I love you jimin....." Ang sarap talaga pakinggan ang salita nayan galing sakaniya at musika siya sa tenga ko.

"Mahal rin kita chaeyoung....." sabi ko at hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo niya.

"Hinatayin mo ko jimin ha kahit anong mangyari hintayin mo lang ako" Tumango nalang ako

"Promise?"

"Promise...." sabi ko at huminga ako ng malalim.

"Tutulog na ko ha." Paalam ko hindi siya makasagot, dahan-dahan lang siya tumango. Alam niya na siguro ang ibig kong sabihin.

"Goodnight jimin, sweet dreams...." Mahina niyang sinabi saakin.

"Goodnight...." Imbes na sasabihin ko sakaniya na aalis na ko nag goodnight nalang kami sa isa't isa para minsan naman mababawas naman ang sakit nararamdaman namin ngayon. Mag kukunwari nalang kami na natutulog nalang kami ng mahimbing.

Dahan-dahan ko ipinikit ang mga mata ko. Bigla nalang may lumabas na isang patak na luha sa mata ko habang nakangiti pa ako. Kahit mapaano nag karoon naman kami ng oras para sa isa't isa kahit kulang pa atleast pinakasalan ko na ang babaeng minamahal ko ng buong-buo. Naniniwala parin ako na magkikita parin kami balang araw at hindi ko na sasayangin opportunity nayan.

-------------------------------

I want you to be your light baby
You should be your light
So you won't hurt anymore, so you can smile more, I want you to be your night, baby
You could be your night
I'll be honest with you tonight

-Promise by Jimin

-------------------------

-THE END-

HappierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon