Chapter 30

3.3K 96 0
                                    

Chapter 30: The Truth

"Idiot. I will never accept you as my cousin."

Parang may milyong-milyong kutsilyo ang sumaksak sa aking puso matapos kung marinig iyon. Napanganga lang nga ako habang pinoproseso ang mga masasakit na salita.

"E-Elze..." Hindi na matuloy-tuloy ang sasabihin sana dahil may biglang bumara sa aking lalamunan. Nag-iinit na rin ang gilid ng aking mga mata.

Tatalikod na sana si Elzefire nang bumukas ang pinto ng dorm. Bumungad sa amin ang tatlo. Tuluyan na akong naubusan ng dugo sa mukha.

Nanlalaki ang mga mata at nahulog ang panga nina Jane at Jace. Si Liza naman ay napasinghap lang. Ilang segundo ang nagdaan bago may nagsalita.

"M-Magandang gabi, Prince E-Elzefire..." bati ni Jane. Yumuko matapos ang tatlo. Isang tango lang ang isinagot ni Elzefire at umalis na.

Hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata nina Jane at Jace habang nakatingin sa akin. I sighed. This is the right time to tell them.

"BAKLAAAAAAAA!!! ANONG IBIG SABIHIN NUN, HA? BAKIT MAGKASAMA KAYO NI PRINCE ELZEFIRE? MYGOSH!"

"SINASABI KO NA NGA BA! MAY LIHIM TALAGANG PAGTINGIN SI PRINCE ELZEFIRE SAYO, TEH! SWERTE!!!"

"NAKAKAINGGIT KA, ELENA! AHHHH! MAGKWENTO KANA BAGO PA KAMI MA STRONG DITO! IKAW, HA?! HINDI KA NAGSABI!"

"OO NGA! NAKAKAINIS KA! MAGKAIBIGAN TAYO!"

Matapos nilang magsigaw-sigaw at tilian ay tinanggal ko na ang aking mga kamay mula sa aking tenga. Ginamit ko kasi itong pantakip. Pati nga si Liza, e. Hindi nakayanan ang kaingayan ng dalawang 'to.

"It's not what you think, guys..." saad ni Liza. Tumingin sakanya ang dalawa.

"MAY ALAM KA PALA?" sabay na sigaw nung dalawa. Tumango si Liza. "Ba't di ka nagsabi?! Nakakatampo kayo, ah!"

"Guys, mali ang iniisip niyo," seryoso kong saad.

"Eh, ano?!"

I sighed deeply before answering. "Magpinsan kami ni Elzefire, okay? Mali 'yang mga iniisip niyo."

"WHAT THE HELL?"





"So, ikaw pala ang nawawalang royalty ng Fireasthrielle?! ANG ANAK NI PRINCESS FELICE? Mygosh! 'Di ko keri to, wakla!"

"Elena naman, e! Sana sinabi mo agad! We could've been—"

Pinutol ko si Jace.

"'Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin ang totoo. Ayoko ng special treatment. I want to be an ordinary student with a peaceful life here in ZLA. Kaya please, huwag niyong baguhin ang trato niyo sa akin..." wika ko naman. Tumango ang dalawa at niyakap ako.

"Syempre naman! Nakasanayan na kaya namin ang tawagin kang bakla," natatawang sabi ni Jane. Natawa na rin kami.

"Oo nga," I agreed. "Please don't tell others about this, ah? Let's keep this a secret... for now."

"Okay," lumingon si Jace kay Liza. "Itong si Liza? Royalty rin ba 'to? Sabihin niyo na ang totoo! Baka mahimatay na ako ng tuluyan dito."

Tumawa si Liza. "Hindi, 'no. Isa ang pamilya ko sa mga taga-silbi ng Fireasthrielle. Kaya half of my life is in the kingdom, and that was where I met Elena Snow. It was an unexpected best friendship."

"Ako nga rin, e!" mahina akong hinampas ni Jane. "Bigatin pala 'tong kaibigan ko! I did not expect this!"

"Hay nako!" Jace sighed. Napa-isip siya sandali bago nagsalita. "Pero pansin naman nating lahat, especially noong potion presentation na may something sa'yo ang mga elemental guardians. You know parang... hindi ka nila gusto? They were treating you badly, am I right?"

Between Fire And IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon