Chapter 52

2.4K 79 0
                                    

Chapter 52: Woman

"Mag-iingat kayo, guys!"

"Ahhhh! Mami-miss ko talaga kayo! Huwag niyo kalimutan regalo ko, girls."

"Ako rin! Group hug nga tayo!"

It's sad. Medyo mataas rin ang panahon bago kaming lahat magkita muli.

Matapos magyakapan ay nakita kong napatingin rin si Nathan sa akin. I smiled at him, he gave me a sad smile.

"Can I visit you in Fireasthrielle?" He asked.

Napakamot batok nalang ako. "I don't know, Nate..." Baka pag pumunta siya dun, may lakad kami ng mga pinsan ko.

I know my cousins. Super duper mahilig sila sa adventure. Ngayon nga lang ako nakakasama sakanila kaya I don't want to waste an opportunity. Maraming panahon na akong naging absent sa mga kasiyahan.

Also... si Eseo. Alam kong masama parin ang loob niya kay Nathan. Siguradong 'di iyon matutuwa. Ayoko naman siyang piliting gustuhin si Nathan.

Lastly, ice break is spending time with your family. Ayoko ring ma-disturb ang family time nila.

"Well.." napatingin siya sa aming lahat. "I would like to invite you all in Iceasthrielle, if that's okay?" at huli siyang napatitig sa akin.

"Seriously, fafa Nate. Kaming lahat ba talaga o siya lang?" pagtuturo pa sa akin ni Jace. Natawa naman si Liza at Jane. Bahagya akong napayuko sa hiya.

Nathan chuckled. "Kayong lahat but Elena Snow, especially. Gusto ko kasi siyang ipakilala sa pamilya ko..."

Now I think my heart is gonna get out from my chest. Dang. Alam niya talaga kung paano ako pakiligin, pero anudaw? I'm gonna meet his family? His parents, especially?!

Iniisip ko pa lang iyon ay kinakabahan na ako. But why not naman, 'di ba? I would love to meet who is behind this awesome guy.

"KYAAAAAAAAAH!" kilig na sigaw nung tatlo. Marahan akong napatawa.

"Omeged! Yes! Yes! Yes!"

"Is it okay, Elena Snow?"

"W-Why not?" utal kong sagot. Mas lalong lumakas ang sigawan nung tatlo at naghampasan pa.

Gosh! Nakakatawa talaga ang tatlong ito. At pati si Liza nahawa sa kabaliwan nung dalawa.

"Enjoy spending time with your family, Elena Snow."

"Ikaw rin, Nate."

Iyon nalang ang huling salita namin sa isa't-isa.

I never really knew ice break. Kung hindi ako pumasok sa ZLA, hindi ko rin malalaman na may ice break. Well, I knew there was a time of the year na mag sno-snow sa Fireasthrielle but all I could think back then is... it was weird.

"Oh my goodness I missed you all!"

"This is super exciting!"

"Girl power!" atsaka kami nag group hug.

Wala pa ang mga lalaki and it was a relief for these three gorgeous women in front of me. They really hate them in such a way.

Lola Helena, my titos and titas were not there to greet us. Actually, tatlong araw nga silang mawawala. Mejo nasiyahan rin sila, lalong-lalo na ang mga lalaki. Paniguradong may inuman na namang magaganap.

Dumerecho muna ako sa aking silid matapos ang maliit na reunion sa baba. I missed the smell of my room. Pabagsak akong napahiga sa kama.

I sighed.

I can't believe it's been awhile since I first landed on Zaentha Liya Academy. I cannot believe it na after all those years na nakakulong lang ako rito sa palasyo ay pinayagan na rin nila akong mag-aral at magkaroon ng buhay sa labas. I don't hate them for locking me here for a very long time, I am indeed thankful and grateful. Sa totoo lang, may mga araw na hiniling ko nalang na sana hindi nila ako pinayagang mag-aral... hindi nalang nila ako pinalaya rito. Totoong magulo ang realided ng mundo but that's life. You just have to overcome it.

Atsaka, I would've not met my beloved friends kung sakaling ganoon.

Sa pagmuni-muni ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising nalang sa paglubog ng araw. Malapit na ring mag dinner kaya napagpasyahan kong ihanda ang sarili.

"Kain na, mahal na prinsesa..."

Right. Just five minutes after I finished all my rituals. Lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa akin ang pag-aaway ng mga lalaki at babae kong pinsan.

"Hi baby!" pagtatawag sa akin ni Eseo. Tinanguan ko siya.

"Seat here, Elena Snow." si Eleo.

"No, dito lang siya!" asik ni Exel.

Natawa nalang ako at tumabi na sa mga babae kong pinsan. No Elzefire around. Very good.

"You're mean, Elena Snow."

"Shut up, boys! Para kayong mga bata! Gosh! Nakaka-inis! Bakit pa kayo umuwi dito, ah?!" galit na sumbat ni Andrea.

"Oo nga! For just one fucking whole day! Please! We wanna get rid of your freaking faces! Waaaaah!" singhal rin ni Georgina at umalis.

"Sana sa kwarto nalang ako kumain! Fuck you three!" si ate Liana na napatingin sa akin. "We're sorry, Elena Snow."

"Ayos lang, ate." sagot ko at ngumiti.

"Whatever, girls! Mga pikon!"

"Freaking crybabies!"

"BWAHAHAHAHAHAHA!"

Ngunit natigil rin ang kanilang tawanan nang mapatingin sila sa akin na masama ang tingin sa kanila. Just like kittens, nagsimula na silang sumubo ng tahimik. I sighed.

"You three should atleast say sorry. Hindi ko kayo kakausapin kung hindi niyo iyon gagawin."

Matapos kumain ay napagpasyahan kong lumabas. Nang maabot ko na ang pinto ay nahagip ng aking mata ang malaking gate ng palasyo. My forehead creased. Dahan-dahan akong lumakad palabas.

Malayo pa mula rito sa kinatatayuan ko pero kitang-kita ko na ang isang babae. Nakabestida ng itim at parang may hinihintay sa labas. My heart began to throb.

I'm scared. But I don't know why my feet is not cooperating with my feelings. Ayaw tumigil sa paglalakad. As I got nearer and nearer, her face is now more evident. Sino siya?

"M-Magandang gabi po... a-ano pong kailangan niyo?"

I spoke despite the fear I'm feeling. Never judge a book by its cover. Hindi siya sumagot. Sa halip ay nakita ko siyang napangisi. And with that, I stopped walking.

"Prinsesa,"

"Oh, my goodness!" sigaw ko dahil sa gulat.

"Ano pong ginagawa niyo rito sa labas?" tanong nung guard. "At sino po bang kausap niyo?" dagdag niya pa.

"I t-think I saw..." bumaling ako sa gate.

Nawala iyong babae.

"It's n-nothing," saad ko nalang.

"Ah, buti po pumasok na kayo dahil paparating na po rito si Prince Elzefire."

My heart skipped. Really? "G-ganoon ba? S-Sige."

Nagsimula na akong lumakad pabalik kasama ang guard. Bago paman ako pumasok sa loob ay napatingin ako muli.

There. I saw the woman again. Outside and smirking at me. Who is she?

Between Fire And IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon