Chapter 50

2.7K 106 8
                                    

A/N: Down to chapter 50! Who's excited for the great reveal!? Charot! HAHAHAHA! Stay tuned for more updates. I'm planning to finish the story before 2019 ends. Hopefully, kayanin ko. Aja guys!

Thank you for your patience guys! I couldn't do this without all of you. Maraming salamat! Love you all!

[Let us start the count down!!!!]

-Zily

***

Chapter 50: My princess

So today's the day! Kakatapos ko lang ayusin ang banner para kay Nathan habang naghihintay sa tatlo na ngayon ay nagbibihis pa. Ngayong gabi pala gaganapin ang pagtatanghal na sinasalihan nina Nathan. I smiled. I've never been this satisfied with my art. Kahit 'di talaga ako marunong.

GO NATHAN!!! <3

'Yan ang nakasulat sa banner. Ayoko sanang lagyan ng heart pero pinilit naman ako nina Liza. Nakakahiya pero bahala na. Bahala na si batman!

"I'm done!"

"Ready na din ako!"

"Ano, tara na? Mukhang excited na yung isa dito, e..." biro pa ni Liza sabay tingin sa akin.

I arched my right brow. "Sino naman 'yung excited?"

"Why are you asking the obvious, Elena Snow? Hay naku, teh! Tara na nga! Makikipaggiyera pa tayo," pabaklang sabi Jace.

Mahina kaming napatawa. Oo nga. Rinig na rinig na nga namin ang ingay mula sa labas.

Zaentha Liya Academy's Day rin bukas. Ewan ko kung anong pasabog meron ang academy bukas pero feeling ko ay wala naman. Parang day-off lang ganern siguro. Wala daw kasing pasok, sa pagkakaalam ko lang.

Nang makarating kami ay sumalubong sa amin ang ingay ng lahat. Halatang nasasabik sila sa pagtatanghal. Sino kaya ang mananalo? Buti na nga at may pagka-automatic rin itong kaibigan ko na si Jace. Maraming connections. Ayan tuloy, salamat sakanaya at nasa pinakaharap kami nakaupo.

"Galing mo, baklush!"

"I know right." kindat ni Jace.

Napatingin ako sa paligid. Ang gara ng mga disenyo sa paligid. Nakakabilib. Hindi ko akalain na ganito pala kasaya ang araw na ito para sa mga estudyante rito.

Naisip ko bigla si Nathan. Kumusta na kaya ang isang 'yun? Hindi ko pa naman siya nasabihan ng goodluck. Hindi rin natuloy 'yung usapan namin na magkikita kami bago magsimula ang pageant nila. These days, bilang nalang ang araw na nagkikita at nagsasama kami. Minsan pa nga ay limitado. 'Yung iba araw ay hindi na talaga natutuloy.

Hindi rin naman ako nagtatampo. Alam ko naman ang rason at mabuti iyon. Ayoko ring maging kill joy at may pinagkakaabalahan rin naman ako.

"Beautiful students of Zaentha Liya Academy!!!"

Biglang sigaw nung host. Hindi ko rin kilala. Pero dinig ko kay Liza ay kaklase nila ito.

"Are you ready for tonight?!!!"

Students gone wild after that question.

"YYYEEEEEEEESSSSS!!!"

"Good! I won't waste the time anymore! Let us all welcome the candidates with their production number!!!!"

"AHHHHHHHHHHHH!!!"

"KYAAAAAAAAAAAHH!!!"

"WWAAAAAAAAAHHHH!!!"

Sa bawat strand ay iisang pair lang dapat ang magre-represent. Akala ko pa noong una ay para lang sa section namin. Bale all in all, may five pairs na maglalaban-laban para sa korona ngayon.

Between Fire And IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon