ChApTeR fOuR💖

16 0 0
                                    

Keilyn's POV

Nang makaalis na si Marco ay mabilis na bumalik ako sa loob ng bahay at umupo sa sofa.

'Iimbitahan ko pa ba siya?' pumasok agad iyan sa isip ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto ko siyang imbitahan.. meron sa loob ko na.. kahit naiinis ako sa kanya ay gusto ko siyang imbitahan sa birthday ko.

"May problema ba anak?" aniya ni Mama.

" A-Ah.. wala po ma.. nagiisip lang po ako ng mga iimbitahan ko next week para sa occasion ko.." nakangiting sagot ko.

"Oo nga pala anak.. birthday mo na next week.. ang laki laki mo na anak! im so proud of you.. napalaki kita ng maayos.. You and your kuya" masayang aniya.

"Salamat din ma.." nakangiting sagot ko at niyakap siya.

"Kayo lang? sama naman ako!" aniya ni Kuya.

"Ako din!" aniya ni Daddy.

Nag group hug kami.. ang saya saya ko.. kasi buo ang pamilya ko..

Nang matapos ang pagyayakapan namin ay pumunta ako sa kusina para magluto ng pagkain.

Nang matapos ako magluto ay naisip ko na wag na lang ako kumain at ibigay na lang iyon sa kanila..

"Mom! Dad! Kuya! nagugutom na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Oo anak.. salamat sa pagluluto" aniya nila Mommy at Daddy.

Mabilis na inihanda ko ang pagkain.. at binigyan sila.

"Gumagaling ka na magluto ah! Dati kasi puro palpak luto mo eh.." aniya ni kuya habang natatawa pa.

Pinalo ko siya sa braso.

"Aray! joke lang naman!" aniya ni Kuya.. kaya natawa ako.

"Sayo ba ito anak?" aniya ni daddy nang makita ang starbucks sa harapan niya..

Mabilis na kinuha ko ito sa table.

"Y-Yes dad.. sa akin to." sagot ko sa kanya.

"Sino nagbigay nyan sayo?" tanong naman ni mommy.

"Kaibigan ko po." sagot ko kay mom.

"Kaibigan.. o Boyfriend?" tanong naman ni Kuya.

"Kuya! ano ba! yung lalaki kanina kaibigan ko yon! wag ka nga!" naiinis na sagot ko.

"Joke lang! hindi ka na mabiro ah!" aniya ni Kuya sa akin.

Umakyat ako sa kwarto para tignan ang binigay sa akin ni Marco..

Hindi ko alam.. pero masaya ako ngayon.

Nang makita ko ang laman nito ay hindi lang pala frappucino.. may kasama pa pala itong cake..

Masayang napangiti ako.

Inuna ko munang tikman ang frapucinno.. ang sarap.. at saka ko kinain yung cake.

Nang matapos ako kumain ay bumaba ako para uminom ng tubig.. ngunit muntikan ko ng mailuwa ang tubig ng bigla akong tabihan ni Kuya.

"Keilyn ah!hindi ka nagsasabi.." aniya ni Kuya habang nakangisi.

"Nang alin nanaman?" sagot ko sakanya.. at saka siya tumawa kaya nainis ako.

"Sino yung lalaki kanina sa labas?" aniya ni Kuya.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon