Keilyn's POV
Nagulat ako ng marinig na tumunog ang alarm.. at nabigla ako ng makita ang oras 8:00 am na ang haba ng tulog ko!Nagmadali akong tumayo at nagluto ng breakfast ko..
"Ang bango nun ah! saan galing yon?" sigaw ni kuya ng maamoy ang niluluto ko ang favorite kong breakfast.. bacon and egg.
"Hoy! konti lang tong niluto ko wag mo sabihing makikihati ka nanaman ah!" sigaw ko kay Kuya.
"Oo na! sayo na yan.. magluluto ako ng carbonara mamaya.. wag ka din hihingi ah!" sigaw nya saken.
"Hindi talaga!" sigaw ko din pabalik.
Nang matapos akong magbreakfast ay mabilis akong pumunta sa kwarto ko at naligo.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na agad ako at nagmadali.. nagpaalam na ako sa kanila.
Pumasok na agad ako sa kotse at nag pahatid sa school.
Nang makarating ako ay kinabahan pa din ako.. dahil naalala ko nanaman ang sinabi ng lalaking tumawag sa akin..
Bago ako pumasok ay naisipan ko muna dumaan sa cafe na malapit sa school namin dahil 8:40 pa lang naman.. may 20 minutes pa ako.
Paglabas ko ng coffee shop ay nagtataka ako dahil parang wala masyadong tao sa labas..
Mabilis na tumakbo ako papasok.. pero may humila sa akin.
Nagulat ako kahit hindi ko pa nakikita ang mukha nito ay kinagat ko ang braso niya.
"Ahhh! ano ba?!" sigaw ni Marco.
"Marco?!" nagulat ako ng makitang si Marco pala yun..
'Shet! nakakahiya!'
"S-Sorry! akala ko kasi sinusundan ako ng mga lalaki ulit!"
"Aso ka ba?!" sigaw niya sa akin.. napataas ang kilay kong isa.
"Sa ganda kong to? Aso ako? Pusa siguro pwede pa." sagot ko.
"Tulis ng ngipin mo! pumunta na tayo sa room late na tayo!"
Mabilis na tumakbo kami paakyat.
Papasok na sana sya pero pinigilan ko sya..
"Tignan mo sino professor natin ngayon.." itinuro ko kay Marco.
Nagulat siya ng makitang si Maam Rosales iyon kaya tumakbo kami pababa ulit.
"Lagot tayo kung nagkataon na pumasok tayo!" aniya ni Marco
"Oo nga eh. Buti hindi tayo pumasok noh? Pasalamat ka pinigilan kita!" natatawang sabi ko.
"Buti nga pinigilan mo ako" natatawa rin niyang sabi sa akin.
Nagulat ako ng may makitang professor sa harap namin.
"A-Ah.. Hi Ma'am. " nahihiyang sabi ko.
"What are you doing here? class time nyo ngayon hindi ba?" aniya ni Ma'am Macapagal.
"O-Opo.. kaso late po kami." nahihiyang sagot ko.
"Alam niyo mabait akong professor sa inyo.. pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan ko kayo na gawin iyan.. dahil diyan ay may punishment kayo." Aniya ni Maam.
Dinala niya ako sa pool nang school namin.. para maglinis rito.. at si Marco naman ay sa Gym.
'Break time na pala nang mga classmates ko..' naalala ko.
"Hi Keilyn." Aniya ng babae na nasa harap ko ngayon.
Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi ko naman sya kilala.
"Hi." yun lang ang tanging naisagot ko.
"Wag kang magtaka.. Kilala mo ako." Nakangiti niyang sagot.
"It's me.. Vivienne.. Your old classmate." Vivienne? kung hindi ako nagkakamali siya yung nang bully sa akin noon.
"Vivienne? my grade school classmate?" tanong ko.
"Oo.. alam ko.. hanggang ngayon may inis ka pa rin pero sana maging ok na tayo" nakangiti niyang sabi.
Hindi ko siya sinagot.
Tinanggal ko muna ang necklace ko.. dahil ayoko may nakakakita nito.
Nagulat ako ng makitang mahulog iyon sa pool.. mabuti at lumulutang pa din.. ngunit palayo ng palayo ito.
'Hindi ako marunong.. magswimming'
Sinubukan kong kunin ito.. nakuha ko na pero nagulat ako nang mahulog ako sa pool dahil itinulak ako.
"Tulong!" sigaw ko.. nagulat ako ng makitang umalis si Vivienne at iniwan ako habang nalulunod sa pool.. kaya ko sana makaangat sa pool ngunit masyadong malalim ang tubig rito.
Unti unti ako nawawalan ng hininga kaya ang sunod na lang na naramdaman ko ay napapikit ako.
Marco's POV
Naglilinis ako ngayon sa gym dahil sa punishment na yon! sayang oras ko!
Pumunta ako sa pool dahil wala namang professor ay hindi ako mahuhuli kahit na umalis ako..
Pumunta akong pool para makita si Keilyn.
Ngunit pagkarating ko roon..
"Keilyn!" nakita ko nalang sya na walang malay at lumulutang sa pool.
Buti ay marunong ako magswimming.. tumalon ako para sagipin siya at saka ko siya nilagyan ng hangin.
Buti ay nagising siya at medyo inuubo pa sya.
"Ok ka lang?!" nagaalalang tanong ko sa kanya..
"Oo.. pero.. masakit yung ulo ko." aniya ni Keilyn.
"Dadalhim kita sa clinic!" bubuhatin ko na sana siya.. pero umayaw sya.
"Hindi na.. kailangan ko lang ng pang palit ng damit." aniya.
"Sige.. hintayin mo ako pupunta akong clinic." sagot ko at pumunta sa clinic..
Buti ay may extra uniforms sila..
Bumalik ako at ibinigay iyon kay Keilyn.
"Magpapalit na ako! tumalikod ka nga! habang walang tao!" sigaw nya nanaman.
"Ang sunget mo talaga.." natatawang sagot ko at tumalikod.
"Pero teka.. bakit hindi ka na lang sa cr?" tanong ko habang nakatalikod.
"Masakit nga ulo ko!" sigaw nanaman niya.
Natawa ako sa reaction niya.
Nang matapos siya ay umalis na lang kami ng school.. kahit na hindi na kami maglinis ay ok lang dahil may dahilan naman.
BINABASA MO ANG
Tadhana
RomanceTADHANA❣ Siya si Keilyn Gonzales. Masiyahin,Kalog, pero mataray. Sa kabila ng pagtataray niya kay Marco Villena na kinaiinisan niya posible kaya siyang ma inlove rito o tatarayan pa rin niya Ito? Si Marco Villena? yung lalaking babaero, mabisyo, mah...