ChApTeR tWo💖

21 1 0
                                    

Marco's POV
Oh shit.

Napangisi ako ng makita ang mga humarang sa amin.. hindi kaya sila yung muntikan nang sumagasa sa amin non? makakatikim din sila.

"Hindi ba talaga kayo titigil? gusto niyo sigurong makatikim hindi ba?" nakangising sabi ko.

"Wag kang magyabang.. hindi uubra yan samen!" nakakalokong ngiti at tawa ang pagkakasabi sa akin ng lalaking yon at tumawa ang mga kasamahan niya.

"Gago ka pala eh!" inambaan ko agad siya ng malakas na suntok sa mukha.

Napangiwi siya sa sakit at napatingin sa nagdudugo niyang labi at saka siya ngumisi at sinuntok din ako ng malakas sa sikmura.

Napaupo agad ako sa sahig at napangiwi sa sakit.. dahil tumama ang pwetan ko sa bato na nandirito sa aking tabi!

"Mayabang ka ha!" aambaan niya dapat ako ng suntok ngunit umiwas agad ako at hinila ang damit niya at hiniga siya sa sahig.

'Pinagsusuntok at sapak ko siya ng paulit ulit'

Napangiwi siya sa sobrang sakit ng suntok at sapak ko kaya tinulungan siya ng gang niya na tumayo.

"Bitiwan niyo nga ako!" naiiritableng sagot niya sa mga kaibigan niya.

"Boss may araw den yan sa atin.." nakangising sabi ng isa sa mga kagrupo niya.

" May araw din kayo sa akin!" nakangising sabi niya at sumakay na din sa motor nila at pinaandar ito.

'Yung gwapo kong mukha nadungisan na'

"Sa wakas nahanap ko din kayo huma-----"
napatigil sa pagsasalita itong mataray na babae na ito ng makita ang mukha ko.

"Anong nangyari diyan?!" sigaw niya. Kitang kita ko sa mata niya ang pag aalala ngunit hindi ko naman ipinahalatang masaya ako sa pag alala niya sa akin.

"Nabugbog ako.. wag mo sabihing hindi mo nakita?" naiinis kunyaring sabi ko.

"Malay ko ba! halika nga dito! mag thank you ka na lang kasi tutulungan kita! halika sa clinic!" Iritableng sagot niya.

Tss..

Naglakad na ulit ako papasok ng school at pumunta kami sa clinic para gamutin ito sugat ko.

'Putcha! yung gwapo kong mukha wala na!' naiinis na sabi ko sa isip ko.

" Oh eto na gagamutin na kita!" naiinis na sabi niya.

Tumango lang ako at umupo ng maayos.

"A-Aray!" napangiwi ako sa sakit dahil madiin masyado ang paggagamot niya sa sugat sa mukha ko.


"Wag ka ngang maginarte! ikaw na nga tong tinutulungan!" naiinis na sagot niya.

"Sinabi ko bang tulungan mo ako?!" inis kunyaring sagot ko.

"Oh edi wag!" iritableng sagot niya at lumabas na ng clinic at iniwan sa akin ang gamot para sa sugat ko.

"Wow pare! nagiging close na kayo ah! mukhang may chance ka na!" Aniya ni Lee.

"Gago! hindi ko naman gusto yun.." pagsisinungaling ko kay Lee.

"Siguraduhin mo lang.. pupusta ako may gusto ka don!" aniya nanaman ni Lee.


TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon