JANE'S POV
nasa mall ako ngayon namamasyal naka ngiti na parang baliw habang naglalakad hahaha diko maiwasan ang saya na nararamdaman ko
pero nawala ang ngiti ko ng makita ko si jake na kasama si beatrice
magka akbay habang naglalakad diko namalayan tumulo na pala mga luha ko
di ata nila ako napansin sa subrang saya nila
tumalikod na lang ako para di makita ang paglalambingan nila
bigla akong nakaramdam ng gutom kaya pumunta na ako ng jollibee
pagka kuha ko ng order ko agad ko na itong kinain
habang kumakain ako nagulat na lang ako dahil nasa harapan ko na pala si jake at beatrice na magka hawak kamay
best..nandito ka pala? tanong ni jake pero ngumiti lang ako ng pilit bilang tugon
anong gusto mo babe? ako na ang bibili ng pagkain natin
tanong ni jake kay beatrice habang magka hawak kamay at nag ngingitian
kailangan ba talaga sa harapan ko pa sila mag harutan?
di ba nila naiisip na may AKO dito sa harapan nila na nasasaktan sa mga nasasaksihan ko?
ayyy oo nga pala..wala silang alam sa nararamdaman ko para kay jake
ang alam lang nila bestfriend kami..
akala nila kaibigan lang ang turing ko sa kanya
di nila alam na nung nanliligaw pa lang si jake kay beatrice ay mahal ko na siya pero tinago ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin
at takot akong baka layuan pa ako ni jake pag nalaman nya ang nararamdaman ko para sa kanya
bumalik si jake na dala na ang pagkain nila. Nagsusubuan sila sa harapan ko kaya napa yuko na lang ako
ayaw kong makita dahil mas lalo lang ako masasaktan
mabilis kong tinapos ang pagkain ko para maka alis na
nagpa alam na ako sa kanila dahil masama na rin ang pakiramdam ko
ilang hakbang pa lang ang layo ko sa kanila ng marinig kong nag i love you si jake kay beatrice
di ko na kinaya..bigla na lang tumulo ang mga traydor kong luha
kahit anong punas ang gawin ko patuloy lang sa pagdaloy ang mga luha ko
ang sakit..
alam ko na wala akong karapatan para mag selos
pero diko mapigilan..diko maiwasan
mahal ko siya kahit alam kong iba ang mahal nya at hindi ako yun
YOU ARE READING
THE FATHER OF MY BABIES IS MY BESTFRIEND(COMPLETE)
Fanfictionlove story/ historical fiction/comedy/ Romance