Prologo

10 2 0
                                    

Ikaw na bumabasa nito, ikaw ma'y hindi makita, malaking pagpapasalamat ang aking hinahandog sapagkat pinahahalagahan mo ang pagod hindi lamang ng sa akin kundi sa iyong kapuwa mambabasa't manunulat. Maaaring sa pagbabasa nito ay makakikita ka ng mga salitang malalim, ngunit iyong mauunawaan ang mga ito kapag nabanggit ito nang paulit-ulit. Isa pa, puro't tuloy-tuloy na pananagalog ang iyong mababasa, at huwag kang mabibigla dahil matimyas ang ating wika kapag binuhay ito ng mga tauhan sa nobelang ito.

Iyong matutunghayan ang pag-ibig na panaginip ng nakararaming magkasintahan, isang pag-ibig na kahit ilang tapal na bakal ang ipatong, ilang bakod ang iligid, at ilang panahon ang ilaan, ay mawawasak.

Higit sa lahat, aking inaalay ang nobelang ito para sa mga makabagong henerasiyon ng mga mahilig magbasa, at para sa mga nais mahanap ang kanilang tunay na pag-ibig at kasiyahan. Unang-una, sa Diyos, sapagkat walang pangungusap na matatapos kung wala ang Kaniyang gabay. Ikalawa, sa aking pamilya, sapagkat walang diwang maisasalaysay kung wala ang kanilang tulong. Ikatlo, sa kabataang Pilipino, sapagkat walang kaisipang mabubuo kung wala ang kanilang mga kilos. At ikaapat, sa mga nawawala't naliligaw sa landas ng kanilang buhay, sapagkat hindi magiging kumpleto ang mundong ito kung wala ang kanilang pagkatao.

Gaya ng aking sinasabi, lumaya ka, mambabasa.

Enero 19, 1824, sa Espanya

Pag-ibig sa Gabi ng TaglagasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon