READ THE FOOTNOTE THANK YOU. :D
Nagmadali akong magbihis at maghanda ng gamit namin ni baby, pati narin mga damit para kay daniel. Baka dun na kami makatulog, grabe naman tong si Daniel.
Aiish, kath? Bakit mo ba kinakalimutan na nababaliw yang si Daniel pag magkagalit kayo? pag hindi nya alam ang gagawin nya? Naman KAth.
Nagmamadali kong pinaharurot ang kotse ko papunta kina Daniel..
Pagdating ko sa harap ng bahay, bumababa na ako at kinuha si Baby, binigay ko kay Manong Rod yung susi, alam na nya meaning nun. Sya na magpapark sa loob ng garahe.
Mapapagkatiwalaan naman si Manong eh. Ilang years naba sya dito? Baby palang ata si Dj.
Pagdating ko sa sala, nakita ko si Mommy na nakahiga sa Sofa. Pumunta ako malapit sa kanya at ginising ng bahagya.. "Ma.."
"Hmm.. Kath. Buti naman nandito kana, akyatin mo naman si Dj oh." nahihiya na ako kay Mama, kaya binigay ko na kay Mama si Dane at paakyat na.
Aakyat palang ako, amoy ko na ang mabahong amoy ng sigarilyo. Kailan ba yun natuto? >.<
Pagdating ko sa harap ng kwarto nya, kumatok ako..
*tok tok*
"Ma, ayaw kitang makausap ngayon, ma please." ramdam ko sa boses ni Dj ang lungkot.
"Dj.. ako to si Kath." sabi ko.
"Hindi kita kailangan, umuwi kana." kahit masakit ang sinabi nyang yun, baba muna ang pride ko, baka mamaya mapaano pa to.
"Dj naman eh.. sorry na."
"Umalis kana.." sabi nya. Ano ba tong si Dj?
Dahil sa pagiging makulit ni Dj, kinuha ko na ang susi at unti-unting binuksan ang Kwarto nya.
Ang Kwarto nyang napaka-bango, napaka-linis, napaka-liwanag, napaka-ganda ngayon ay kabaliktaran na.
Ngayoy, nagkalat ang damit na madudumi, ang basag na bote, mga basag na vase, pati mga kurtina, nagdumi na, nagkalat na ang dumi, mga bote, mga papel, mga sigarilyo, at ang iniinom nyang alak, katabi nun yung picture frama namiing pamilya.
Nanlumo ako ng makita ko si Dj sa isang sulok, ang dungis nyang tignan, ang damit nyang puti, hindi mo na alam kung brown or black o baka nga hindi mo na alam ang kulay. May mga dugo din ito, may pasa sya sa braso. Naka-subsob lang ang ulo nya sa tuhod nya.