KATH'S POV.
Ilang buwan narin ang nakalipas, kitang kita na ang tiyan kong malaki. HIndi na maitago ng malalpad na damit. Kainis!
Pero, andito ako ngayon sa office ni Babe, walang magawa kundi kumain.
At, kasama ko lang naman ang Fruit Salad ko. :p Habang nakain ako biglang may pumasok hindi ko na inintindi..
"Uhmm ma'am ako po pala yung secretary ni Sir." napahinto ako sa narinig ko at lumingon. Tumango ako saglit at kumain ulit.
Lumapit siya sa akin, kala ko may sasabihin. Yun pala, aayusin ang magazine na nagulo ko.
Walang magawa dito eh, edi nang-gulo ako! Bweheheh.
Hindi ko nalang pinansin habang sinasaid yung akin fruit salad.
Sa sobrang katakawan ko, ubos nanaman tong kinakain kong fruit salad. Pang ilan ko na ba 'to?
"Ay mam! Pinapatanong nga po pala ni sir kung may gusto daw po kayo?"
"Ahh Oo, food." sabi ko.. tapos tinaas yung paa ko dun sa may table netong sofa.
Tapos na magligpit eh.
"Ah sige po." sabi niya na mukhang nahihiya pa.
At dahil alam kong pagod nanaman tong si Daniel dahil maghapon nag trabaho sa office, nag dala ako ng extra clothes niya pampalit.
5pm na. At for sure, aabutin nanaman ng 11 yun dahil balita ko punong puno ang schedule dahil sa dami ng meeting, sa dami ng nagaapply eklavu na wala naman akong alam.
Dahil sa sobrang bored ko, naisipan kong mag open ng laptop at mag internet.
Dahil hindi ako pinayagan ni Daniel gumawa ng FB Account, nag twitter ako.
Nag check ako, naka open ang twitter niya.
Tinitignan ko ang interations at hindi ko mapigilang ngumiti.
Ang swerte ko talaga, see. Natatawa nalang ako habang tinitignan ang tweets ng ibang desperadang babae. Mga insecure na babae.
Dahil hindi ko na makayanan, nag open ako ng wattpad.
Kaka open ko lang kanina sa iPhone ko nung wattpad, ang nakita kong wala paring update yung story ni Ate Jona. ( jonaxx of wattpad, my idol, my love and sobrang mahal na mahal kong author sa wattpad pilipinas. check out her stories, damn good. highly recommended! )
Ilang minuto pa ulit pagkatapos kong basahin ulit para kiligin man lang ay isinarado ko na.
Napaupo ako at sumimangot.
Now what? Wala akong gagawin? Waaah!
Tumayo ako tinignan ang buong city. Ang sarap tignan. Parang sobrang peaceful, parang walang pollution, corruption.. malayong malayo..
Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sakin bigla. Nang maamoy ko, alam ko na agad kung sino ito. Si Daniel.
Napatingin ako sa relo ko. 5:30 palang ah? tapos na?
"Oh, bakit andito ka?" sabi ko at hinarap sya..
"Ouch." sabi niya. Napataas ang kilay ko. Anong inaarte nito?
Nag pout siya. "Bakit? Ayaw mo ba akong makita?" at unti-unting nag sink in sakin kung bakit.
Ang rude pala nung unang sinabi ko. Haha!
Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya. "Anong kailangan ng napaka gwapo kong asawa? Tapos naba ang iyong mga meeting?" sabi ko at nilambingan pa ang boses.
"Wala naman, balak ko lang sanang tanungin ang pinaka seksing babae sa balat ng universe kung anong gusto niyang pagkain." sabi nya sakin at pinatong yung ulo nya sa leeg ko at niyakap ako.
"MCDO!" agad kong sigaw. "Yung chicken fillet! Cheese Burger then 3 Large Fries. Mc Flurry and Coke Float! Okay?" sabi ko.
[ADS FREE; lels.]
"Ah okay, sige. Intayin mo nalang ah? Sige. Bye!" sabi niya at hinalikan ako ng malalim bago siya umalis.
Nang dumating ang order ko, nilantakan ko agad. At eto ang resulta, 2 large fries ang natira.
7:45 na.. Baka mamaya pang 11 yun. Inubos ko na ang pagkain ko at kinuha ang blanket, tutulog muna ako.
Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Hmm, napatingin ako sa paligid. Wala parin si Dj. Napatingin ako sa relo. 11:32? Over time?
Napagpasyahan kong manood ng TV habang iniintay siya. Maya-maya pay dumating na siya at kitang kita ko na agad ang pagiging haggard niya. Konti na nga lang siguro, bagsak na ang mata niya.
Binaba nya ang mga papeles at may hinahanda. Uuwi kami? Gabi na at pagod pa siya, hindi maari.
Umupo sya sa tabi ko.. ako namantumayo at ni lock yung pinto.
"Bakit?" tanong nya..
"Dito na tayo matutulog, pagod ka oh." sabay hawak sa ulo nya..
"Nako wag na, halika---" bago pa siya makapag salita hinalikan ko ng mabilis ang labi niya at hinila siya ng makahiga siya sa lap ko.
Hindi na siya nakaangal at ilang minuto ko pang paghihilot sa noo niya ay ramdama ko ng mahimbing na ang tulog niya.
edited! sorry.081613.